I woke up the next morning having a slight headache. Kusot-kusot ko pa ang mga mata ng lumabas ako nang kwarto at nag-inat. Kahit inaantok pa ay kailangan ko pang bumangon dahil marami pang gagawin mamaya sa office. Baka bungangaan na naman ako ng staff ko.
"Good mo—"
Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng tinig habang nanatili ang mga kamay ko sa ere.
I saw Zaffron on the couch, a magazine on his hand. I watched his eyes dropped on my face then down to my body. Agad kong ibinaba ang aking mga kamay nang maalalang nakasuot lang ako ng oversized shirt at undies. Tuwing nasa condo ay ganito lagi ang ayos ko lalo na kapag umaga dahil komportable. Kaso, nakalimutan kong may bisita nga pala ako!
I blushed as I knew he saw my undies. Parang nagising ng tuluyan ang diwa ko.
"G-good morning," sabi ko na lang para mawala ang awkwardness nang hindi makatingin sa kaniya.
Zaffron cleared his throat. "I prepared breakfast. Hope you don't mind."
"O-okay lang," hindi pa nakakabawing tugon ko.
Inayos niya ang magazine sa ilalim ng center table. Nang makita ko ang front page noon ay nalaman kong iyon pala ang magazine namin kung saan puno ito ng mga event na inayos namin.
"Aalis na pala ako."
Gulat na napabaling ako sa kaniya. "Kumain ka na?"
Umiling ito. "Hinanda ko lang talaga 'yan para sa'yo. Salamat pala kagabi."
"You're welcome. Pero hindi ka talaga kakain? Malungkot kumain nang mag-isa. Samahan mo na ako," I told him though I just want him to eat. Mukha kasing hindi pa rin siya kumakain simula kagabi. Wala kasi siyang ibang sinuka kung hindi puro fluid.
Nagdadalawang isip ito pero sa huli ay tumango rin. "Fine."
Ngumiti ako bago pumunta sa kusina at excited na tiningnan ang niluto niya. Matagal-tagal na rin kasing walang nagluluto para sa akin. Kung hindi kasi take out, ako ang nag-luluto para sa sarili ko.
Someone doing something for me as simple as this felt... nice. Si Jelo kasi hindi marunong magluto...
I tilted my head to remove the thought. Why am I even comparing? Saka bakit ko pa ba inaalala ang lalaking 'yon?
Napakunot ang noo ko nang makita kung anong niluto niya. Puro meat. Paano siya makakakain?
Instead of eating already, pinagluto ko na lang siya ng pwede niyang makain. Mabuti na lang ay may stock ako ng gulay sa ref.
"Pwede naman akong kumain ng meat," sabi niya nang makita ang niluuluto ko.
"It's fine. Pakibuksan na lang ng TV. Palagi kasi akong nanunuod ng morning news."
Tumango naman siya at pumunta sa sala. Gusto ko kasing updated sa mga balita sa bansa. Pakiramdam ko kasi, isa 'yon sa responsibilidad ko bilang mamamayan. Maliban roon, inaabangan ko ring ang weather updates. Mahalaga kasi iyong i-check para malaman namin kung uulan ba o hindi. Para rin handa kami sa possibleng mangyari sa events.
Ilang sandali lang ay bumalik siya.
"You're TV was unplugged," He said with an amused tone. I wonder if it's because he remembered that he lectured something about it to me. "I can't find the electric socket."
"Ay, hala. Nakalimutan ko. Nasa ilalim ng divider."
"Thanks."
Hindi ko alam kung nagpapasalamat siya dahil sinagot ko 'yung tanong niya, o dahil ginagawa ko pa rin 'yung sinabi ko noon. That I'll help him in doing small things for the thing he's advocating for.
BINABASA MO ANG
Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]
Teen FictionWho would have thought that the runaway groom that I was supposed to take photos of, is the same man who promised me marriage before? +++ Zyla Castillo is a girl that is living under her strict Nana's wings in the small town of Philea. Being raised...
![Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]](https://img.wattpad.com/cover/226393346-64-k247032.jpg)