Kismet 19 🌱

203 18 0
                                    

"Zyla, wake up."

I groaned, still feeling my body tired from what happened yesterday night.

"five minutes," I called before snugging to my pillow.

"Zyla..."

Hindi ko siya pinansin at humikab pa. "Wait..."

"Zyla, C'mon, tumayo ka na d'yan!"

I just groaned as I heard Angel's voice.

"Gel, maaga pa," reklamo ko at niyakap ang unan na nakapa ko dahil pikit ang aking mga mata. Maga rin ito at mahapdi kaya ayaw ko munang dumilat.

"Anong maaga pa?!" Narinig ako ng kung anong ingay at ilang sandali pa ay parang lumiwanag. "Bruha ka, ala-una na, maaga pa?!"

Dumilat ako sandali at nakitang hinahawi niya ang kurtina. Napaungol tuloy ako at bumaling sa kabilang gawi ng kama para hindi masilaw. Inilubog kong muli ang mukha sa unan.

"Wala naman tayong gagawin ngayong ala-una, e," I whined, still wanted to sleep.

Gusto ko lang matulog dahil pagod pa ako.

"Kami, wala. Ikaw meron. Remember Cody, the organizer of wedding you owe for letting us use their manpower?"

"Shit." Napahawak ako sa ulo ng maramdamang kumirot ito. Marahil dahil sa alak na ininom ko kagabi. I massaged my centido and opened my left eye and look at Angel.

"Hindi makakarating 'yung photographer na na-hire nila?"

She snapped her fingers before pointing at me. "Bulls eye."

"No!" I whined as I let my scream muffled by my pillow. Pinagulong ko pa ang katawan sa higaan.

"Chop, chop, broken lady. Move your ass up and eat."

I groaned.

"Grabe maka-broken lady..." Bumangon ako at naupo sa kama, nakanguso.

"Parang hindi totoo?! Sino bang umiyak kagabi dahil first anniversary na dapat nila ng gagong ex niya?!" Napasimangot ako habang umiiling-iling siya. May kung anong kumirot sa puso ko.

I sighed and looked at the glass window of my room. The sun shines brightly to the world. The light reflected on buildings giving a cheerful vibe but all I can feel was exactly the opposite.

"Parang ayokong pumunta..." sabi ko habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nakatitig sa kung saan.

Naramdaman kong lumubog ang gilid ng kama kaya napatingin ako kay
Angel.

"Girl, hindi dahil broken ka, titigil na ang mundo. Ngayon malungkot ka. Pero 'yung pupuntahan mong event, marami ang masaya. Ganoon talaga ang buhay... Tapos ka na d'yan e. Naiyakan mo na. Alam naman namin na sumaya ka sa one month na hiwalay kayo. You just remember the date that's why you cried and remember the pain again..."

Napatitig ako sa kaniya.

"...So you see? Life is about balance. Like tears and smiles. Tears of joy and tears of pain. Bitter smiles and genuine smiles."

She patted my head. Biglang napaawang ang mga labi ko sa ginawa niya.

No one did that to me after I left that town...

"...Kaya kung ako sa'yo, kumilos ka na. Don't be the reason why a memorable event will be ruined. Saka sayang naman 'yung mga candid photos na pwede mong makuha mamaya."

Unti-unti, ngumiti ako kay Angel. I just had a bad past. But that doesn't mean I can't have a good present and a better future.

"Thank you."

Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon