Kismet 23 🌱

222 16 1
                                    

I lend Zaffron my black slider. Nakalimutan kong bilhan siya ng pangyapak. Kasya naman kaso kapos.

I smiled at his new golden-brown hair. Mas nagmukha siyang foreigner dahil sa maputi niyang kutis. He was wearing the plain V-neck shirt I bought him, the shorts and a black sunglasses. I on the other hand was wearing a blue sleeveless top paired with white shorts. May dala rin akong shoulder bag.

Dumiretso kami sa department store imbes na sa mga boutique. Mas mura daw doon sabi ni Zaffron at maraming choices. Pumayag na lang ako kasi alam ko naman ang dahilan niya.

"Pero bibili muna tayo ng slider mo tapos saka tayo maghahanap ng iba mong kailangan ha?"

He sighed in defeat. Kahit kasi ilang beses niya nang sinabi na 'wag ko siyang bilhan ng kung anu-ano, wala siyang magawa.

Matapos makahanap ng slider niya ay iyon na ang pinagamit ko sa kaniya.

We wander to men section. Kung anu-anong damit ang pinapasukat at pinapakuha ko sa kaniya pero iniilingan niya lang. Talagang underwear at boxers lang ang kinuha niya.

"Shorts na lang. Then sweatpants. Wala kang ibang shorts."

"Lalabhan ko na lang. Okay na 'yon, Zyla."

"Conserve water. Kung araw-araw ka maglalaba, sayang tubig," sabi ko.

Napatingin siya sa akin. Nagtitigan kami at parehong ayaw magpatalo. Sa huli ay bumuntong hininga na lang siya.

"How about you cook my meal everyday then I get you some more clothes? Just don't feel in dept with me."

Tinitigan niya ako ng matagal. "Fine. But you won't get anything expensive."

I just smiled at him ang get him some clothes. Natatawa na lang ako dahil chini-check niya 'yung price tag ng mga kinukuha ko.

"Last na 'to, please?" I said, offering him an army green baggy shorts.

"This is too much, Zyla."

Sumimangot ako. "Fine." Ibinalik ko na lang ang hawak sa lagayan.

We walked to find the cashier. Tumitingin pa ako sa paligid ng pwedeng bilhin pero hinatak na ako ni Zaffron sa kamay. Nakulitan na yata sa akin.

"Nandito 'yung cashier, wala d'yan."

Natatawa na lang ako sa nangyayari.

Mabuti na lang at walang pila kaya agad rin naman kaming natapos roon.

"Wait miss," I told the cashier and handed her the tote bag that have the mall's logo. I always brought it with me whenever I go to the said mall. Ngumiti sa akin ang babae at binitawan ang plastic na hawak niya saka inilagay ang mga pinamili namin sa loob ng bag.

I was watching how the things we bought was placed inside the bag when I felt someone tapping my head. Napalingon ako kay Zaffron. There was a glint of smile on his face. Like he was proud and happy of what I did.

A wave of nostalgia swept over me because of the simple act. How I wish I could turn back time when everything seems fine.

I smiled at him before giving my credit card to the cashier. Kinuha naman ni Zaffron ang mga pinamili namin.

"Sa'n mo gustong kumain?" tanong ko nang makalabas kami ng department store. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ang ilang mall shoppers kung saan-saan. Naglakad-lakad kami. I'm looking at some boutique displays while looking at somewhere to eat.

"I'll cook."

I looked at him. "Ayaw mo dito?"

"Ayaw mo ng luto ko?" he asked imitating the tone I used.

Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon