Ayleia's P.O.V
"Eiya, hanap na tayo ng upuan sa cafeteria para maiwan natin bag doon ayoko magbitbit pag manonood na tayo ng mga sasayaw mamaya."
Kasalukuyan kaming naghahanap ng mauupuan sa cafeteria ngayon. Maaga pa naman kaya iilan pa lang ang tao dito. Pinili namin yung malapit sa pinto ng cafeteria para madali lang namim makita gamit namin pag umalis kami mamaya.
"Attention to all students please go to the field now."
"Tara na Lia, para maka pili tayo ng pwesto na maayos." pag aya ko sa kanya
Paunti unti na rin dumarating yung mga estudyante na galing sa cafeteria at yung iba ay halatang kakarating lang.
"Good Morning Everyone! So now we are here to watch the performance from different grade levels and after this your section will have a little feast."
Nag umpisa muna sa prayer then nag start na sila sa kinder. Grabe napaka kyut ng mga batang ito.
"Hala Eiya, ang kyut nila no? Sana someday ganyan din ka kyut mga anak mo"
A-anak ko?!
"Ha?"
"Halaman"
"Letse, anong anak pinagsasabi mo dyan. Magtapos muna tayo ng pag aaral bago yan"
"Alam ko yon, pero ghorl hindi ako mag aasawa so dapat ikaw magka anak ka para may baby akong nakikita araw araw."
"Ewan ko sayo"
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. Natapos na lahat ng performance kaya nasa cafeteria kami ngayon ni Lia pero grabe napaka raming tao.
"Buti na lang talaga maaga tayo kanina"
"Kaya nga eh, atleast may mauupuan tayo." sagot ko
Uminom muna ako ng tubig grabe yung pagka uhaw ko. Bakit ko ba kasi nakalimutan magdala ng tubig eh.
"Uhm, hello pwede bang maki upo kami? Wala na kasing pwesto eh." may nagsalita pero hindi ko pinansin sa kabilang table ata yon
"Hello?"
Pero parang hindi, kaya paglingon ko nasamid pa ko sa nakikita ko sa harapan ko, wait hala si Axel at kaibigan niya owemji anong gagawin ko?! Nasan si Lia bat nawawala yon hindi nagpapaalam.
"S-sige n-no problem" sagot ko sa tanong ng kaibigan ni Axel
Maya maya naririnig ko boses ni Lia at paniguradong pag nakita niya kung sino naki upo sa table namin magugulat yon.
"Hoy Eiya alam mo ba kin----"
"Sino yan? Bat may nakaupo sa table natin?" tanong niya
"Ayy pucha" reaksyon niya nung nakita kung sino naki upo sa table namin
"Hello Lady, okay lang ba na maki upo kami ng kaibigan ko?" tanong nung lalaki kay Lia
"Oo naman, okay na okay, actually sobrang okay" sabay tingin sakin ni Lia na may halong pang aasar.
Sabi na eh mang aasar tong bruha to!
"Thank you, oo nga pa la. My name is Xavier Flynn Nuñez and he is Giovanni Axel Fuentabella"
Ah so pangalan ng kaibigan niya Xavier, ayan lang lagi kong nakikitang kasama niya. Napaka tahimik naman neto ni Axel. Hala may dala silang gitara ngayon ko lang napansin.
Ayun si Lia at yung Xavier ang nag uusap eto ako at si Axel tahimik. Pero shet ngayon ko lang siya naka encounter sa tagal ko ng may gusto sa taong to. Owemji!
Nanahimik na lang ako habang si Axel ginagawa yung intro ng Magbalik by Calallily. Shuta nag eenjoy ako kahit nakatalikod siya sakin bastos na to amp.
Maya maya nagpaalam na rin sila Xavier At Axel dahil kailangan na namin magpunta sa table ng section namin para kumain.
Nageenjoy ako ngayong araw o baka dahil sa eto yung unang pagkakataon na masilayan ko yung crush ko sa malapitan? Ah basta ang saya saya ko waaahhh.
"Lia, kuha ka ng kanin then kukuha ako ng ulam natin." sabi ko kay Lia
Kumuha ako ng adobo, chopsuey, lumpiang shanghai. Sapat na to pang ulam namin hindi naman kami matakaw kasi mamaya nagbabalak pa ko mag round two charot.
Habang kumakain kami ni Lia hindi muna kami nag uusap syempre galit galit muna kami, joke lang.
Pagkatapos namin kumain sinabi samin ni Sir Red na pwedeng umuwi muna para makapag ayos sa party mamayang gabi.
Pumunta kami ni Lia sa bahay nila, nagpaalam din naman ako kay mama at dala ko na rin naman yung damit na susuotin ko mamaya.
"Lia, may kwento ako."
"Parang alam ko na yan, kinikilig ka kanina kaya ang tahimik mo"
"Eh kasi naman Lia, sa tagal kong may crush kay Axel ngayon ko lang siya nakasama kahit na hindi man lang kami nag usap."
"Ayiee, uusbong na lovelife niya."
"Loko hahahahaha"
"Maliligo na ko, mamaya ka na para habang naliligo ka nakakapag ayos na ko."
"Ligo well"
Naisip ko, ano naman kayang mangyayari mamayang gabi? Boring na naman siguro dahil hindi ko siya makikita mamaya tulad lang nang nakaraang taon hindi ko siya nakita noon.
Natapos na maligo si Lia at natapos na rin ako kasalukuyan niya kong inaayusan ngayon. Ang suot ko kasi simpleng floral dress lang naman tapos converse shoes ayoko mag sandals, matangkad na ko eh.
Si Lia naman nag ripped jeans and crop top lang. Ayaw niya rin mag ayos ng husto tulad ko.
Natapos na kaming mag ayos.
"Grabe ang ganda mo talaga, naka powder at lip tint ka pa lang ayos na eh tapos ngayon naka make up, gosh!" pang uuto ni Lia
"Sorry ghorl, wala akong pera ipangbabayad sa sinabi mo."
"Hay nako, maganda ka nga kasi. Yung crush mo lang eh hindi ka nakikita bulag ata, ay oo nga paa hindi kayo close ha ha ha ha"
"So funny ka na niyan?"
Tinawanan niya lang ako. Sakto tapos na rin naman kaming mag ayos kaya sumakay na kami papuntang school.
Pagkarating namin sa school. Medyo marami ng tao.
"Hello Lia" bati ni Xavier
"Hello, uhm ikaw lang?" tanong ni Lia
"Nope, may kasama ako si Axel may kinuha lang." sagot ni Xavier
Hinayaan ko na lang sila mag usap doon. Tumambay na lang muna ako sa gazebo.
"Hello Ayleia"
To be continue.......
—————————
Hello everyone! Sorry for the wrong grammars and errors. Im not that fluent in english, Im trying my best.
Hope you like my story! Dont forget that God loves you so much ❤
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
RomanceIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.