Chapter 7

13 5 2
                                    

Ayleia's P.O.V

Parang boses nila Asher at Jevelene yun ah.


"Bakit nandito ka? Hindi ba sinabi ko sayo na huwag na huwag kang susunod pag nasa labas kami ni Axel paano niya kung malaman niya ang tungkol satin anong gagawin mo ha!" pagalit na sigaw ni Jevelene kay Asher


"Huwag mo kong sigawan, bakit sino ba sa inyong dalawa ang nagloko ha? Hindi ba ikaw? Ikaw ang nangloko kay Axel hanggang ngayon ah." pagalit din na sabi ni Asher


Niloloko niya si Axel? Kelan pa?


Hindi ko kaya silang pakinggan kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko kaso nakita ko si Axel na nasa gilid din halatang narinig niya yung pinaguusapan nung dalawa. Nakita ako ni Jevelene. 


"Ano narinig mo lang yung usapan namin sisiraan mo na ako kay Axel ha" sabi niya sakin, akmang sasabunutan na niya ako pero hindi natuloy yun dahil pinigilan siya ni Axel halatang nagulat siya kay Axel.


"A-axel, magpapaliwanag ako. Hindi totoo yung narinig mo, siya kasi nag umpisa non" sabay turo sakin ni Jevelene. 


Akmang sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Axel.


"Alam mo? Maganda ka nga sinungaling ka naman. Mandadamay ka pa ng ibang tao ha?" may diin niyang pagkakasabi dahil halatang pinipigilan niyang sigawan si Jevelene.


 "Mahal kita eh, mahal na mahal pero lolokohin mo lang ako? Siguro tama nga yung nararamdaman ko nung nawala ka sana pa la hindi ko pinagwalang bahala na nawawala na rin naman feelings ko sa sayo eh napipilitan na lang ako pero masakit pa rin." 


"A-axel hindi nga kasi totoo yun, si Asher kasi pinilit niya ko makipag relasyon sa kanya." sabi ni Jevelene kay Asher


"Napaka galing mo naman kung ganon, sino sating dalawa lumapit sakin nung gabing yon ha! Bakit nakalimutan mo na ba nangyari satin ha?" sigaw ni Asher kay Jevelene


"May nangyari sa inyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Axel


"Oo, sinabi niya rin na wala siyang boyfriend" sagot ni Asher


"H-hindi, hindi totoo yan." umiiyak na sabi ni Jevelene kay Axel


"Tigilan mo nga ako" naiinis na sabi ni Axel


Ang dami na pa lang tao naisipan ko na umalis pero nagulat ako sa biglaang paghatak ni Axel sakin. Aangal na sana ako kaso naisip kong kailangan niya ng makakausap kahit hindi niya sabihin. 


Naglakad kami papalabas ng mall binitawan na rin niya ang kamay ko na hawak niya kanina. Pagkalabas namin sa mall huminto siya sa gilid, naupo siya sa tabi. Tinabihan ko na rin siya maya maya lang narinig ko ang pag iyak niya. 


Wala na akong pake sa sasabihin niya bigla na lang din siyang niyakap. Maya maya huminto na rin siya sa pag iyak. Ang tahimik walang nagsasalita samin ni isa. 

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon