Chapter 12

13 5 2
                                    

Ayleia's P.O.V

Maaga akong gumising para maghanda. Si Lia dito rin natulog lately kasi hindi na siya natutulog dito kahit si Xav hindi na rin. Hindi ko alam bakit, ayaw ko rin naman silang tanungin.

Maya maya narinig kong umiyak ang isa sa kambal dali dali akong pumunta sa kwarto para kunin sila. Nadatnan kong gising na si Aria naka harap sa kuya niya habang umiiyak kaya maya maya nagising na rin si Firo pero hindi siya umiyak. 

Pagkababa nilagay ko muna sila sa lapag, mas gusto nila sa lapag para naiikot nila ng maayos may harang din naman kasi. May crib sila pero ayaw nila roon.

Pagka iwan ko sa kanila tinuloy ko yung naudlot kong pag aayos ng kailangan kong dalhin. Si Lia naman ayon nakikipaglaro sa kambal.

Nang matapos na ako mag ayos nagpaalam na rin ako sa kanila, humalik lang ako saglit sa kambal sabay umalis. Sabi ni Lia medyo malayo raw ng konti yung opisina mula rito sa amin kaya talagang inagahan ko na.

Makalipas ang isang oras, nakarating ako sa opisina bandang 8 ng umaga. Pagkapasok ko sa building dumiretso na ako sa elevator sabi kasi ni Lia wala na akong kailangan pang hingin sa entrance diretso na lang daw ako sa 20th floor.

Hahabulin ko na sana yung isang elevator dahil papaalis na pero may pumigil sa akin.

"Miss bawal dyan, si Mr. President lang ang pwede gumamit dyan" sabi nung guard sa akin.

"Okay po,salamat." tugon ko sa guard.

Tatalikod na sana ako kaso mukhang may nakita akong pamilyar sa akin pero dahil sa nagsarado na ang pinto hindi ko na ito nakita. Hindi ko na lang pinansin at sumakay na sa elevator na pang employee lang.

Pagkarating ko sa 20th floor may lumapit sa aking babae.

"Hello good morning" bati niya sa akin.

"Good morning po" bati ko rin.

"This way please" sabay turo niya kung saan dapat ako magpunta.

"Miss Ayleia Sydny Ferando, you're here since you need work right?"

"Yes Maam"

"Since our old secretary will resign because right now the President of this company is handle by the son of the old President."

"You mean, im going to be his secretary? I thought im a call center agent."

"No, Mam this is our only vacant here."

"By the way Mam, what is the name of the President here?" I asked.

"Im sorry mam but our president said that you cant know his name unless you will work here."

"Its okay, I understand."

"So Mam, you need to sign this paper that means you're hired and you can start tomorrow." she said

Gusto ko pa sana huwag muna magtrabaho para makasama ko pa yung kambal kaso kailangan ko rin para sa binyag nila.

Kinuha ko yung papel at pinirmahan ko na. Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit.

Pagkapirma ko ng papel, inilibot muna niya ako tsaka tinuro ang kailangan kong gawin at hindi dapat gawin.

"Miss Ayleia" tawag sakin nung babaeng nag interview sa akin, interview nga ba yon?

"Yes po?"

"Hindi kita mabibigyan ng tips kung masungit ba si sir o hindi. Bago lang din naman siya nung last week lang siya naging president ng company namin." sabi niya sa akin

"Okay lang po yun, gagawin ko na lang po ng maayos yung trabaho ko."

May binilin pa siya sa akin pagkatapos noon ay bumalik na siya sa trabaho niya kaya umuwi na ako. Pero bago ako umuwi naisipan kong mag starbucks sa baba ng building na ito.

Inorder ko lang yung usual namin na inoorder ni Lia. Namiss ko rin mag starbucks, gusto ko lang din i-treat yung sarili ko paminsan minsan.

Habang iniinom ko yung inorder ko nag instagram na muna ako, pinicturan ko lang kung nasaan ako. Naalala ko hindi ko pa rin nilalagay yung picture ng kambal kaya naisipan kong mag upload ng picture nila yung naka ngiti sila parehas napaka cute, nakakagigil talaga mga anak ko hay.

Nilagay ko lang yung heart emoji as caption of that picture. Maya maya pagtingin ko sa pinto muntik ko na mabuga yung iniinom ko nang makita ko kung sino yung pumasok.

Si Axel, halatang nanggaling siya sa pinagtatrabahuan niya. Hindi ko alam kung nakita niya ba ako o hindi. Maya maya papunta siya malapit sa pwesto ko. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o hindi.

"Hi" bati niya sa akin. "Would you mind if i seat infront of you?" tanong niya sa akin. Napatango na lang ako bilang sagot.

Ilang minuto na ang nakakalipas, feeling ko kaming dalawa lang yung tao rito. Sa sobrang tahimik namin sa isa't-isa ay halos mabingi na ako.

"Kumusta?" tanong niya sa akin.

"Ayos lang" tipid kong sagot.

"I see." sagot niya sa akin

Hindi ako mapakali dahil nandito lang siya malapit sa akin at worse nasa harapan ko pa. Alam kong pogi siya, oo pero huwag ganto nanghihina ako eh.

Kaya tumayo na lang ako, sabay kinuha yung gamit ko tsaka umalis. Pero bago pa ako makalayo narinig ko yung sinabi niya.

"Dyan ka ba magaling Ayleia, ang mang -iwan?" rinig kong sabi niya.

Dire-diretso lang ako sa labas saktong may taxi kaya pinara ko agad. Naiirita ako anong nang iwan, wala akong iniwan dahil walang kami. Nakakainis siya lintek.

Saktong pagkarating ko sa bahay naabutan ko si Lia sa terrace.

"Ang kambal?" bungad kong tanong sa kanya.

"Ayon kakatulog lang, maaga silang nagising diba" sagot niya "Oh ano kumusta? Tanggap ka na ba sa trabaho mo?" excited niyang tanong sa akin

"Oo pero nagtataka ako bakit ganon lang yung interview sa akin pero hindi ko na pinansin kailangan ko ng trabaho eh." sagot ko

"Aangal ka pa eh, kutusan kita dyan. Anyway, kilala mo na ba sinong boss mo?"

"Hindi pa nga eh malalaman ko raw yung bukas pa" sagot ko

"Sana hindi ka mag resign pag nalaman mo kung sino. Sige na, aalis na muna ako may lakad ako babush" pagpapaalam niya sa akin sabay umalis.

Pagkapasok ko sa bahay, nagbihis lang ako tsaka natulog ulit gusto ko matulog last day ko na masusulit matulog ng mahaba habang oras.

To be continue.....

Author's Note:
Dont expect na tama yung grammar ng english part sa story na to, im not that fluent in english. Tinatry ko lang mag english para mahasa ako lalo sa gantong paraan na rin. Anyway, thank you for reading my story. I appreciate it a lot! Dont forget to vote!! Keep safe everyone❤

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon