Chapter 14

7 5 2
                                    

Ayleia's P.O.V 

Wala pang ilang minuto nakarating na agad ako ng hospital dahil malapit lang naman ito sa opisina namin. Agad agad akong nagpuntang Emergency Room dahil sabi ni mama naroon sila. Tumatawag si Axel pero hindi ko pinapansin sa sobrang pag alala ko sa anak ko. 



Nakita ko si Firo natutulog ng mahimbing habang si mama nakaupo sa tabi niya. 



"Ma anong nangyari?" bungad na tanong ko 



"May dengue ang anak mo, akala ko normal na lagnat lang yung nararamdaman ni Firo kaya pinapainom ko lang ng gamot pero nagkamali ako." pagpapaliwanag ni mama sa akin 



Totoong ilang araw nang nilalagnat si Firo pero akala namin normal lang yon, pero yun pala dengue na. 



"Anong kailangan gawin? Nasaan si Aria ma?" tanong ko



"Kailangan niyang masalinan agad ng dugo, si Aria kasama niya si Lia hindi mo ba napansin sa labas?" 



"Hindi po kasi nagmamadali na ako." naputol ang usapan namin ni mama dahil lumapit ang isang doctor. 



"Kayo ho ba ang magulang ni Zaffiro Jaxn?" 



"Opo ako po"



"Buti at dinala niyo agad siya sa hospital lalo na at kailangan niyang masalinan ng dugo. Ano po bang blood type niyo? 



"Type B po" tugon ko sa doctor



"Ang blood type niya po ay Type A kaya kailangan masalinan na siya ng dugo. Maaari niyo na lang po itanong kung may available silang Type A para masalinan na natin ang bata." 



"Sige po salamat po"



Pagka-alis ng doctor agad akong nagtanong kung may available silang Type A but sad to say na wala silang available. Pinuntahan ko sila Lia at Xav na nasa labas kasama si Aria sinabi ko sa kanila ang kailangan. 



"Si Axel ang lapitan mo Eiya,Type A ang dugo niya. Ibaba mo ang pride mo lalo na ngayong kailangan ng anak mo yon." sabi sa akin ni Xav



"Pero--" tutol pa sana ako sa sinabi ni Xav pero tama siya kailangan ng anak ko yon. Kaya wala na akong inaksayang panahon dali dali akong pumunta sa opisina. Saktong tumatawag si Axel kaya sinagot ko na yon. 

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon