Chapter 17

5 4 0
                                    

Ayleia's P.O.V

Pagkarating namin sa restaurant na sinasabi ni Axel. Nanguna agad sila Lia at Xav sa loob. Siya naman kinuha niya si Firo. Ako naman hawak ko si Aria. Pareho silang hindi mapakali, naninibago palibhasa maraming tao silang nakikita.

Pagkapasok namin sa loob, naka ready na yung high chair para sa kambal. Naupo ako sa tabi ni Lia, nasa harapan naman namin sila Axel at Xav. Nasa tabi ko naman si Aria at si Firo katabi naman niya ang ama niya.

"Nakakamiss yung gantong bonding natin sa schoool ah." sabi ni Xav

"Oo nga, ngayon na lang naulit pero may nadagdag sa atin ngayon." sabi ko sabay tingin sa kambal.

"Tignan niyo, yung mga tao nakatingin sa mga anak ko. They can't resist their cuteness." Axel said

Anak ko

Anak ko

Anak ko

Anak ko


Nag echo sa akin yung sinabi niyang yon, hindi naman ako kinikilig sa lagay na to promise.


"Oh bakit ka namumula?" tanong ni Xav na may halong pang aasar. Sinamaan ko lang siya ng tingin na ikinatawa niya.


"Nilalagnat ka ba?" tanong ni Lia sabay dikit ng kamay niya sa noo ko



"Are you okay?" he asked with those worried eyes. He want to hold my hands but he didn't.


"Okay lang ako ano ba" sagot ko sabay napainom na lang ako ng tubig.


Maya maya dumating na yung inorder ni Axel na mga pagkain. Yung kambal naman pilit na inaabot yung pagkain na nakikita nila sa lamesa.


Buti na lang may patatas sa inorder ni Axel kaya dinurog ko na lang iyon sabay sinusubuan ang kambal sinasabayan ko na rin ng pagkain ko.


Nakita kong napapatingin sa amin si Axel na para bang namamangha sa ginagawa kong pagpapakain sa mga anak namin.



"Gusto mo ba i-try?" tanong ko kay Axel na halata naman na gusto niyang gawin din.



"Kaso hindi ako marunong" sambit niya



"Ano ba yan pre, ang dali dali lang niyan. Kami nga ni Lia na wala pang anak eh marunong" sabi ni Xav kay Axel



"Ha?" sagot ni Axel.



Tumawa kami dahil sa pagsagot ni Axel. Isa rin sa namiss ko sa kanya yung ganto na kapag may sinasabi ka sa kanya. "Ha?" lang ang isasagot niya sayo eto ang kanyang lutang moments.



Hindi na lang namin siya pinansin, pinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin. Habang kumakain kami narinig namin na umutot ang isa sa kambal. Nagtinginan pa kaming tatlo nila Lia at Xav. Si Axel naman nagtataka sa amin.





"Alam na kung anong ibig sabihin nun" natatawang sambit ni Xav sabay lumabas dahil kinuha niya ang bag ng kambal na nakalimutan ko sa sasakyan.



Kinuha ko si Aria sabay nagpuntang restroom. Maya maya sumunod si Lia dala dala ang bag.


Habang nililinisan ko si Aria, nagtanong si Lia sa akin.



"Anong balak mo? Balita ko doon kayo sa condo ni Axel tutuloy, pinagpaalam ka niya kay tita na doon na kayo tutuloy." sabi ni Lia



"Kung ganon, wala na akong magagawa. Basta mahal niya ang anak namin papayag akong doon kami tumuloy, pero kung saktan niya ang mga anak namin ibang usapan na yon." sagot ko kay Lia



"Tiwala naman ako kay Axel na hindi niya gagawin yan sa mga anak niyo. Masyado niya kayong mahal na mahal para saktan." sambit ni Lia



"Sana nga, pero ayos na sa akin yun, hindi bale na hindi niya ako mahal basta mahal niya ang mga anak namin. Mas importante ang kapakanan ng anak ko ngayon kesa sa sarili ko."



"Basta huwag mo lang hahayaan ang sarili mo." sabi niya sa akin




Pagbalik namin sa table namin kanina, tumayo na agad sila Xav at Axel. Sabay sabay na kaming lumabas at sumakay sa kotse ni Xav.



"Ano diretso na ba tayo sa condo mo?" tanong ni Xav kay Axel



"Hindi, daan tayo sa mall bibilhan ko ng mga gamit ang kambal ko." sagot niya kay Xav



Aangal pa sana ako kasi marami nang gamit ang kambal pero hindi ko na tinuloy nang maalala na kokonti lang pala ang dalang gamit ng mga anak ko.




Hinayaan ko na lang siya, anak niya rin naman to kaya dapat lang na gastusan niya to.




"Tsaka gusto ko na rin mamasyal kasama mga anak ko" naeexcite na sambit ni Axel sabay tumingin kila Firo at Aria.



Iniwas ko na lang ang tingin. Maya maya sa lalim ng iniisip ko hindi ko namamalayan na nasa mall na pala kami.



"Bubuhatin mo ba si Aria o ilalagay na lang din natin sa stroller?" tanong sa akin ni Axel.



"Depende sa kanya, teka ilalagay ko na muna si Aria pag hindi siya umiyak edi ilagay natin."



Nilagay ko si Aria sa stroller, katabi niya ang kuya niya. Pasasalamat kong hindi siya umiyak.



Bago namin isarado ang kotse kinuha ko muna ang baby bag para sigurado na rin. Kinuha ko na rin yung bag ng kambal.


Maglalakad na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata.



"Bakit?" tanong ko sa kanya



"Akin na yang bag ng kambal at iyang baby bag ilagay mo na lang sa ilalim ng stroller nila para hindi ka mahirapan."
sabi niya sabay inayos niya yung ilalim ng stroller at kinuha ang hawak ko



"Okay sige, ako na lang magtutulak sa stroller nila" sambit ko



"Hindi na, ako na lang magtutulak niyan para hindi ka na mapagod." sabi niya sa akin hindi ko napigilan hindi kiligin.


Habang naglalakad kami galing sa parking lot papasok sa mall. Sinimplehan kong kunan sila ng picture. Dyan pa ba? Sus, kung nung nag aaral nga kami lagi kong ninanakawan ng picture yan si Axel hehe, okay ang daldal ko.



Pagkapasok namin sa loob ng mall, hindi pa nga namin naiikot, pagtingin ko kay Firo tulog, si Aria naman nakatingin lang sa paligid niya pero nang makita niya ako nginitian niya ako.




Natunaw sa tuwa ang puso ko sa pagngiti ng anak ko.



Dumiretso agad kami sa department store pagpasok namin sa babies section. Tinitignan nila ang anak kong parehas nang tulog, tulog na nga lahat lahat agaw atensyon pa rin sila partida 7 months pa lang ang mga iyan.



Habang namimili si Axel ng crib para sa kambal. Tumingin naman ako ng damit nila. Ayan na naman sa dami hindi ko alam ang pipiliin, lahat kasi napaka ganda.



Habang sila Axel at Xav kinakausap nila ang saleslady na nag aasikaso sa kanila. Kami naman ni Lia, abala sa pagtingin ng damit at mga bote para sa kambal.



"Eiya, tignan mo to." sabay abot sa akin ng blue at pink na ternong damit.



"Sige bilhin natin, si Axel naman magbabayad nyan eh." sagot ko sabay natawa kaming dalawa.



Naagaw ng atensyon ko yung sapatos na sakto para kay Aria. Boots siya na may design na crown then kulay pink din. Nakita ko rin yung sapatos na kasya kay Firo.



Alam kong malaki pa masyado sa kanila yon pero naisip kong ayon ang ipapasuot ko sa kanila sa 1st birthday nila, ilang buwan na lang naman mag iisang taon na sila.



Sa dami ng binili ni Axel, gusto ko rin sana bilhin yung sapatos na nakita ko last time pero hindi ko na lang binili. Next time na lang, mabibili ko rin yun.


To be continue....

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon