Chapter 4

21 6 2
                                    

Ayleia's P.O.V

Lumipas ang ilang buwan at matatapos na kami sa school year na to. Isang taon na lang ang gugugulin namin at magtatapos na kami sa kolehiyo.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang mangyari yon. Hindi ko na rin sila masyadong nakakasama dahil sa busy kami pare pareho para sa papalapit na finals.

"Nag review ka na ba?" tanong ko kay Lia. Nasa bahay nila kami ngayon para magreview kaso mukhang wala kaming marereview dahil puro pagkain lang inaatupag namin.

"Hindi pa, nakakatamad naman kasi" sagot niya.

Mag-kaibigan talaga kami.

"Pero kailangan na natin mag review malapit yung finals pilitin natin kahit nakakatamad hahahahaha tsaka tayo gumala pagtapos ng finals." pagpipilit ko sa kanya.

"Oo, dapat lang galang gala na rin ako eh. Ayaw naman tayo payagan gumala."

Ganoon nga ang ginawa namin. Nakaka ilang oras na kami sa pagrereview nang hindi namin namamalayan.

"Uuwi na ko Lia, anong oras na eh."
pag papaalam ko sa kanya

"Akala mong ang layo nang bahay mo eh dyan lang naman. Sige na paalam ka muna kila daddy hindi na kita ihahatid ah tinatamad ako."

"Kelan ka ba sinipag bruha ka? Sige na aalis na ko."

Nagpaalam na muna ako kila tito bago umuwi.

Paglabas ko ng bahay nila hindi ko inaasahang makita si Axel na may kasamang babae na parang kinukulit siya.

Dinaanan ko lang sila na parang walang pake sa nakikita ko. Okay na sana eh kaso bigla akong tinawag ni Xav na hindi ko napansin na kasama pala ni Axel.

"Ayleia, anong ginagawa mo rito?" tanong sakin ni Xav

"Pauwi na ako galing kasi ako kila Lia nag review kami."

"Ay wao, sana all nagrereview." sabi ni Xav. "Axel oh, si Ayleia" dugtong niya sa sinabi niya

"Alam ko" sagot ni Axel

Nagpaalam na lang ako sa kanila dahil nakakabadtrip lang.

Pagkarating ko sa bahay as usual ginawa ko yung mga trabaho ko syempre kailangan ko tulugan si mama sa gawaing bahay.

Katatapos lang namin sa finals namin.

"Finally pwede na tayo gumala ghorl, tara gala na tayo nagpaalam na rin naman ako kila daddy." pag aaya ni Lia

Pumunta kami sa pinaka malapit na mall sa school. Pagka pasok pa lang namin sa mall nakita ko agad sila Axel at Xav na parang kakapasok lang din nila.

"Oh sila Axel at Xav" turo ni Lia sa dalawa

pake ko dyan pabulong kong sabi.

Lumapit silang dalawa samin.

"Uy may lakad ba kayo? Tara sabay sabay tayo kumain." pag aaya ni Xav samin. "Sabay na kayo treat ko since last time nung nagkita tayo sa McDo hindi ko kayo na treat" pahabol niya sabi

"Sige no problem" sagot ni Lia 

Sabay sabay kaming naglakad papunta sa isang restaurant. Sila Lia at Xav lang ang tanging nag uusap samin. 

"Bat ang tahimik mo Eiya?" tanong ni Lia sakin

"Wala naman kasing kakausap sakin" madiin kong pagkakasabi

"Eto naman kasing si Axel ayaw kausapin eh" pabirong sabi ni Xav 

"Excuse me, magccr lang ako"

kahit wag ka bumalik sa loob loob kong sabi 

Maya maya bumalik na rin si Axel saktong dumating yung pagkain na inorder namin. Matapos namin kumain ay naisipan namin maglilibot libot muna. Sa paglilibot namin nakita ko si Asher. 

"Hoy lalaki" tawag ko sa kanya.

Masama pa sana ang tingin niya dahil akala niya kung sino tumawag sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.

"Hoy long time no see ah" bati naman sa kanya ni Lia dahil magkaibigan din naman sila.

"Hahahahaha kumusta? Sino kasama niyo?" tanong samin ni Asher

"Ah eto ka schoolmates namin." sagot ni Lia. "Eto si Axel at Xav" pagpapakilala ni Lia.

Nagtanguan lang sila. Maya maya ay nagpaalam na rin si Asher dahil may pupuntahan pa raw siya.

"Ano niyo yun?" tanong ni Xav

"Kaibigan namin ni Lia" matipid kong sagot kay Xav.

"Ah" sagot niya sabay tingin kay Axel na nang aasar.

Nag ikot ikot kami nila Xav sa mall. Nagpunta na rin kami sa palaruan. 

"Gusto ko mag basketball." sabi ko sa kanila

"Tamang tama si Axel gusto rin niya magbasketball, diba Axel?" tanong niya na may halong pang aasar kay Axel.

"Oo, bakit?" tanong ni Axel kay Xav

"Samahan mo yan si Eiya ah pag hindi mo sinamahan yan kukutusan kita" pagbabanta ni Lia kay Axel

"Oo sige" napipilitan niyang sagot.

Naglakad na ako at nag umpisa maghulog ng coins. Maya maya lumapit siya sakin sabay tanong.

"Tara paramihan tayo ng scores"

wao himala atang pinansin niya ko

"Sige ba"

Nagumpisa na kami maglaro. Sa unang game namin ako unang nanalo, sa pangalawa siya hanggang sa pang apat naming laro.

"Ayoko na nga" pagsuko ko

"Bakit hindi mo na kaya?" pang aasar niya sakin

"Ewan"

"Dali na isang game na lang, mananalo ka na niyan." 

Pinagbigyan ko siya nag isang game pa kami at ako nga ang nanalo samin. Pero halata naman pinanalo lang niya ako eh.


"Diba sabi sayo eh mananalo ka" sabi niya sakin.

"Wews sinadya mo yun eh."

"Hindi kaya" sagot niya sakin.

"Okay"

"Next time ulit ha? Tara hanapin na natin sila para maka uwi na tayo" pag aaya niya sakin.

Nakita namin sila Lia at Xav sa isang ice cream store dahil nagpm si Xav kay Axel. Hindi na rin kami tumambay doon umuwi na rin kami agad ni Lia  dahil anong oras na baka mapagalitan si Lia, strict parents be like.

Pagka uwi ko sa bahay namin as usual gawin muna ang ibang gawaing bahay dahil trabaho namin ni mama yun. Pagka higa ko sa higaan hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. Sa totoo lang kinikilig ako bigla siyang namansin samantalang hindi naman niya ako pinapansin nung nakaraan.

Nakakapagtaka lang. Maya maya nagulat ako nung tumunog ang notification sa cellphone ko.

Giovanni Axel Fuentabella sent you a friend request.

Owemji hala totoo ba to? Baka inaantok lang ako kaya natulog na ako pero hindi ko pa rin siya inaaccept.


To be continue....


Hi guys! Thank you for reading my story :) Please dont forget to vote. Keep safe!

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon