Ayleia's P.O.V
Nakalipas ang ilang oras ay nandito pa rin sila. Ni isa sa mga dumating ay wala pang umuuwi. Wala ata silang balak umuwi, mag gagabi na rin ngayon.
"Ano gutom na ba kayo? Nagugutom na ako, darling umorder ka nga ng makaka-kain natin lahat." utos ng mommy ni Axel sa daddy niya.
"Eh ano bang gusto niyong pagkain?" tanong sa amin ng daddy ni Axel
"Pizza na lang dad, order ka na rin ng chicken." sagot ni Axel sa ama niya.
"Sige, ayon na lang oorderin ko para madali. Nagugutom na rin ako, hindi ko namalayan kasi sobra akong nalibang sa mga apo ko." sambit ng daddy ni Axel sabay natawa
"Napaka cute naman kasi netong mga batang to, nakakagigil din ang pisngi ang tataba. Magaling mag alaga ang ina nila." usal ng mommy ni Axel
"Nako tita, hands-on sa apo niyo si Lia. Hindi niya pinabayaan ang mga iyan, kahit kami alagang alaga namin ang mga iyan." sabat ni Xav sa usapan
"Nako iha, thank you so much for taking care of my apo's." sabi sa akin sabay hug
"Pero mapili sa sinasamahan iyan si Aria" sabi ni Lia
"Himala ngang sumama sa ama niya." sabi naman ni mama
Sabay maya maya umiyak si Aria at nagpapakuha sa akin. Akala niya ata pinapagalitan siya.
Binigay naman sa akin ni Axel si Aria. Maya maya hinawakan ni Aria ang dibdib ko, gutom na ang anak ko hahahaha. Napaka cute talaga.
Kinuha ko na muna ang cover na nasa bag na dinala ni mama, tamang tama nakapag palit na rin ako kaya hindi ako mahihirapan kay Aria.
Umupo na lang ako sa hospital bed habang hawak si Aria. Si Firo naman ay gustong magpalapag sa hospital bed kasi nakita niyang naka upo ako rito.
Walang nagawa ang lolo niya kundi ilapag siya. Maya maya nanghingi rin ng gatas si Firo. Kaya binigay ni mama gatas niya sabay humiga.
Maya maya dumating na ang inorder na pagkain. Nagsimula na kaming kumain habang ang kambal naman ay nakatulog na.
"Oo nga pala iha, sinong panganay sa kambal?" tanong ng daddy ni Axel
"Si Firo po." sagot ko
"Normal delivery ka o hindi?" tanong ng mommy ni Axel
"Normal delivery po, pinilit ko kahit hirap na hirap po ako noon" sagot ko
"Narinig mo yun Axel?" nang aasar na tanong ni Xav
Nginisian lang ni Axel sabay binato ng tissue si Xav na ikinatawa naman niya.
Matapos namin kumain, naisipan na nilang umuwi.Nauna nang umuwi ang parents ni Axel kasabay ni mama. Sila Lia at Xav naman dinadala muna nila rito yung stroller ng kambal na pinadala ko sa kanila.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Axel
"Hindi, gusto ko mag bantay sa mga anak ko." sagot niya sa akin sabay pumasok ng banyo.
Inayos ko na lang muna ang stroller ni Aria tsaka ko siya nilagay roon. Pagkatapos noon tumabi ako kay Firo, buti na lang at hindi na nagising ang kambal dahil pag nagkataon puyatan na naman kami nito.
Pagkalabas ni Axel tinuro ko ang sofa para roon siya matulog. Bahala siyang mamaluktot, sa tangkad niyang yan.
Pagkatapos niyang mag ayos, uupo na sana siya nang inutusan ko siyang patayin ang ilaw. Aangal sana siya dahil konti na lang kasi makaka upo na siya.
"Oh bakit aangal ka? Edi kung aangal ka umuwi ka na lang." sabi ko sa kanya sabay pinikit ko na lang ang mata ko para makatulog.
Kinabukasan, nagising na lang ako sa halakhak ni Firo. Nilalaro siya ng ama niya, samantalang si Aria naman natutulog pa rin.
"Good morning" bati niya sa akin
"Good morning" ganting bati ko sa kanya.
Dumiretso na muna ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Saktong pagkatapos ko gawin yon narinig kong umiyak si Aria. Naingayan ata sa tawa ng kuya niya. Nagmana sa akin ang batang yon, naiirita kapag may maingay tapos tulog siya hahahaha.
Pagkalabas ko ng banyo nakita kong kukunin sana ni Axel si Aria kaso nakita kong tinabig niya ang kamay ng daddy niya. Instead, she's reaching for my hands.
Nakita kong nagulat si Axel sa inasal ni Aria, sabagay kahit sino naman magugulat sa inasal ni Aria. She's just only 7 months old.
"Masanay ka na, ganyan talaga si Aria lalo na ngayon ka pa lang niya nakita." sabi ko kay Axel
"Eh bakit kahapon sumama siya sa akin?" tanong niya
"Ganon talaga" sagot ko sa kanya.
Sasagot pa sana siya pero hindi na niya naituloy kasi pumasok ang doctor. Hindi rin naman nagtagal ito dahil sinabi lang naman sa amin na pwede na kaming umuwi.
"May aayusin lang ako, ayusin mo na mga gamit ng bata" sambit ni Axel sabay lumabas ng kwarto
Pinunasan at pinalitan ko na lang muna ng damit ang kambal sabay nilagay sila sa stroller. Ilalagay ko na sana si Aria sa stroller pero ayaw niya kaya nilagay ko siya sa baby bag. Napaka clingy talaga netong anak ko, si Firo hindi naman.
Natatawa ako kay Firo kasi parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Alam ko na agad kung kanino niya namana ang ganon ugali.
Saktong pagkatapos ko ayusin ang mga gamit dumating si Axel kasama sila Xav at Lia. Tinulungan ako ni Xav kunin ang gamit ng mga bata, habang si Lia naman chineck niya kung may naiwan pa bang gamit o wala na. Habang si Axel? Ayun, siya ang nagtutulak ng stroller ni Firo ngayon.
Kung alam niyo lang ang view na nakikita ko? Hay nako hindi ko alam pero kinikilig ako.
Pagkalabas namin sa hospital, naka handa na agad na sasakyan ni Xav. Kinuha ni Axel si Firo sa stroller at nilagay sa baby car seat, ganon din ang ginawa ko kay Aria.
Pagkatapos noon ay sumakay na kaming tatlo nila Axel, Lia.
"Ano ayos na ba lahat?" tanong ni Xav
"Oo, tara na" sagot ni Lia
"Daan muna tayo sa restaurant Xav, alam mo na kung saan yon nagpareserved na ako." sabi ni Axel kay Xav
"Handang handa tayo dyan bruh ah" pang aasar ni Xav kay Axel.
Babatukan sana niya si Xav nang maalala niyang nagdadrive nga pala ito. Kaya nanahimik na lang siya.
To be continue.....
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
RomanceIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.