Chapter 21

10 4 0
                                    

Ayleia's P.O.V

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang marinig ko yung sinabi ng daddy ni Axel. Sa loob ng nagdaanang buwan, naramdaman ko ang unti unting pagiiba ng pakikitungo ni Axel sa akin.

Lumipas ang ilang buwan, walang gabi na hindi ko naiisip yung narinig ko non araw na iyon. Bukas na rin yung party at binyag ng kambal. Kumuha rin siya ng katulong ko na mag aalaga sa kambal.

Kasalukuyan akong nagluluto ng agahan namin. Nang mailagay ko ang bawang sa mainit na kawali at mantika.

Dali dali akong lumapit sa lababo, bigla akong nahilo. Nababahuan din ako sa amoy ng bawang. Kaya sinabi ko na lang kay Ate Ann na siya magtuloy ng niluluto ko.

Kinuha ko ang kambal at umakyat kami sa itaas. Nilagay ko sila sa crib sabay nahiga ako sa kama dahil sa pakiramdam kong sobrang antok.

Wala pang ilang minuto na nakaka idlip ako, ginigising ako ni Axel.

"Eiya, wake up"

"Ano ba yon?" naiirita kong sabi sa kanya

"Kakagising mo lang, matutulog ka ulit?" tanong niya sa akin

"Wala kang pake" sagot ko sa kanya sabay pinagpatuloy ang pagtulog ko.

Hapon na nang magising ako, wala sa kwarto ang kambal kampante naman ako dahil binabantayan sila ni Ate Ann.

Titignan ko sana sila sa sala pero nakita ko si Axel na parang kakauwi niya lang galing sa trabaho.

"Eiya, bukas na ang party ng kambal" bungad niya sa akin

"Alam ko" tipid kong sagot

"Huwag kang mabibigla sa mangyayari bukas ah" sabi ni Axel

Hanggang sa pagtulog hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Oo, aminado akong mahal ko siya. Hindi nawala yung feelings ko sa kanya, lalo lang lumala eh.

Kaya kinabukasan kahit inaantok pa ako, pinilit kong bumangon. Inayusan ko ang kambal. Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa simbahan para sa binyag nila.

Syempre nandoon sila Lia at Xav, pati na rin ang ibang kaibigan ni Axel. Karamihan kasi kakilala niya sa business ang inimbitahan.

Pagkatapos ng binyag dumiretso na kami sa venue kung saan gaganapin ang party ng kambal.

Pagkarating namin doon agad na kinuha ang kambal ng lolo at lola nila. Ginala sila sa venue, pinakilala sa mga kaibigan nila, kasama rin nila si mama na nag iikot.

Naka upo lang kaming apat sa table na naka reserved sa amin.

"Pst hoy bakit parang ang tamlay mo?" tanong ni Lia sa akin

"Paano kasi nababagabag ako sa sinabi ni Axel kahapon huwag daw ako mabibigla sa mangyayari mamaya" naiiyak kong sabi kay Lia

"Hush, tahan na. Magtiwala ka kay Axel, okay? Diba mahal mo siya?"

"Oo pero hindi niya ako mahal"

"Basta magtiwala ka sa kanya"

Maya maya nag umpisa na ang birthday party nila Firo at Aria. Natapos nang mag blow ng candles, magbigay ng gift, palaro at ito na ang announcement na sinasabi ni Axel sa akin.

"Hello, good evening" bati ng daddy ni Axel

"Well, we are here to announce the upcoming wedding of my son. Soon he will be married to Maria Jevelene Gonzalez" sabi ng daddy ni Axel na ikinagulat ko.

Bigla akong tumayo at kinuha ang kambal kahit na nahihirapan akong buhatin sila, pinilit ko.

Sumunod sa akin si Lia kaya kinuha niya si Aria. Pagbaba namin sa parking lot dali dali kaming sumakay sa sasakyan ni Lia.

Nakakabinging katahimikan lang ang namayani sa loob ng sasakyan. Sinabi ko kay Lia na maghanap na lang muna ng hotel. Doon na lang muna kami pansamantala ng mga anak ko. Tamang tama may naipon din naman ako kahit paano kaya ayon na lang muna ang gagamitin namin.

Pagkarating namin sa hotel dali dali kong binihisan ang kambal. Umorder kami ni Lia ng pagkain.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin habang nag aayos ng gamit namin.

"Oo naman, ayos lang ako" sambit ko kay Lia 

Hindi na niya ako tinanong pa. Inasikaso na lang niya yung pagkain na inorder namin. Pagkatapos namin kumain, naisipan na rin umuwi ni Lia. Babalik na lang daw siya bukas dito, pinaki usapan ko rin siya na huwag sabihin kay Axel kung nasaan kami.

Matutulog na sana ako pero naisip kong buksan ang phone ko. Inoff ko kasi iyon kanina. Sunod sunod ang missed calls at texted ni Axel. Ni isa wala akong binasa roon.

Nagriring ang phone ko, hinayaan ko lang. Hanggang sa naisipan kong sagutin ito pero hindi ako sumasagot

"Yes, baby, where are you? Uwi na kayo please. Hindi ko kakayanin na wala kayo sa tabi ko." umiiyak niyang sabi

Sasagot na sana ako nang bigla kong marinig ang boses ni Jevelene

"Hey babe, come on. Lets do it---"

Pinatay ko na lang yung tawag, hindi ko na masyadong kinakaya ang naririnig ko. Grabe yung sakit na nararamdam ko ngayon.

Kinabukasan, nagising na lang ako dahil may nagdodoorbell. Kahit na inaantok pa ako pinilit kong bumangon, hindi man ako makakita ng maayos dahil sa mugto kong mata.

Pero nagulat ako dahil mommy ni Axel ang narito. Isasara ko na sana ang pinto dahil sa takot ko na baka kunin nila sa akin ang mga anak ko.

"Iha, relax. Wala kong gagawing masama sayo. Pumunta ako rito para kausapin ka, dont worry please papasukin mo na ako" sabi ng mommy niya sa akin

Pagkabukas ko ng pinto biglang niya akong niyakap.

"Im sorry darling, please magtiwala ka sa anak ko. Were doing this for your own good." sambit ng ina ni Axel sa akin kaya napabitaw ako

"Para sa kapakanan namin? Niloloko niyo po ba ako?" sabi ko, pinipigilan kong mainis dahil ayokong mawalan ng respeto sa mas nakakatanda sa akin

"Maiintindihan mo rin ako iha, please wag mong iiwan si Axel ha? Magtiwala ka sa kanya." pagkatapos niya sabihin sa akin yon umalis na siya

Naguguluhan ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang tumakas, ayoko na siyang makita.

Nilapitan ko ang kambal na natutulog pa rin ngayon.

"Ano aalis ba tayo mga anak? Ayoko naman kasi dumating yung araw na sisihin niyo ako bakit wala yung ama niyo. Basta tatandaan niyo to ha? Mahal na mahal ko kayo." sabi ko sa kanila sabay hinalikan ang noo nila

Pinagisipan ko, sana hindi ako magkamali sa magiging desisyon ko. Sana hindi ko pagsisihan to.

To be continue....

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon