Ayleia's P.O.V
Lumipas ang dalawang linggo simula mag bakasyon kami. Tinanggap ko na rin yung sorry ni Axel alam ko naman kasing masyadong mababaw para magalit ako? Pero kasi nakakainis lang yung pagbungad nung babaeng yun eh.
Linggo ngayon naisip kong ayain si mama day-off din naman kasi ni mama. Gusto ko mag mall nabobored na ako.
"Ma, sige na gala tayo." pagpilit ko kay mama
"Kayo na lang gumala ng kaibigan mo, tinatamad ako lumabas." sagot sakin ni mama
"Okay po"
Alam ko naman kasi na hindi rin pwede si Lia ngayon dahil umalis sila ng family niya. Si Asher hindi ko alam busy din naman ata siya ayaw ko naman siyang guluhin.
Maya maya tumunog yung messenger ko.
Red Santiago
Ayleia, busy ka? Tara nga magkwento ka hindi ka na nagkukwento sakin ha. Punta ka sa mall antayin kita.
Sakto nagchat si Sir Red, close namin ni Lia si Sir Red nasa junior high school pa lang kami. Yung school kasi namin pang kinder to college na kaya ayon. Pero hindi namin alam ni Lia kung bakit hanggang ngayon wala pa siyang asawa pero may napapansin kami sa kanya ni Lia parang ayaw niya sa girls pero hindi lang namin sigurado.
Malapit samin si Sir Red kaya hindi pwedeng hindi niya alam nangyayari sa mga crushes namin ni Lia. Para sa amin ni Lia tatay na rin namin siya kung ituring.
Pagkatapos ko maligo at mag ayos dali dali na akong nagpunta sa mall. Pagkapasok ko pa lang sa loob nakita ko agad si Sir Red.
"Ano kumusta nakaka dalawang linggo na rin simula magbakasyon ah." bungad sakin ni Sir Red.
"Opo Sir sobrang bored na ako sa bahay." sagot ko
"Eh kumusta kayo ni Axel?" sabay ngiting nang aasar.
"P-po?"
"Sus, naglilihim ka na sakin ah. Nakikita ko kayo lagi sa cafeteria magkakasama kayong apat sa isang table." sabay pinakita yung picture na nag aasaran kami habang kumakain.
"Wala po yan kaibigan lang po namin sila." pagpapaliwanag ko
Pumasok muna kami sa isang restaurant, pagtapos namin mag-order ni Sir Red balik ulit kami sa pagkukwentuhan.
"Kaibigan nga lang ba talaga? Eh bakit sa nakikita ko parang hindi lalo na kila Axel at Xavier"
"Weh di nga po? Kaibigan lang po talaga namin ni Lia yun sir although alam niyo naman po na crush ko si Axel hehehe"nahihiya kong sambit
"Sus hindi ako naniniwala kasi iba nakikita ko sa dalawang lalaking yun, lalaki rin ako kaya alam ko yun pero hindi ko na lang babanggitin sa inyo bahala kayo ni Lia tumuklas sa tinutukoy ko."
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
RomanceIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.