Ayleia's P.O.V
"Eiya, makikisuyo naman. Padala ng nga papers na to sa office need na yan ngayon. Nagmamadali na kasi ako dahil baka nag aantay na yung imi-meet ko, kaya mauna na ko sa inyo para mapuntahan ko na siya. Salamat Eiya" nagmamadaling sabi ni Sir Red sa akin sabay umalis.
Inayos ko na muna ang mga gamit ko pagkatapos kinuha ko na ang mga baon namin ng kambal. Lunch na rin naman kasi namin.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng school. Nakita kong may kausap ulit yung kambal. Hindi ko muna sila nilapitan, hindi rin naman ako malayo sa kanila. Sakto lang para marinig ko yung pinag uusapan nila.
"Its you again Mr. Tall Guy" sabi ni Firo
"Kuya look, he looks like you" sabi naman ni Aria sa kapatid niya
"Hey Mr. Tall Guy, ikaw ba daddy namin? Why do we have the same eyes and we look like nga po like what my sister said." sabi ni Firo sa lalaki
Hindi ko makita yung itsura ng lalaki, nakatalikod kasi ito sa gawi ko kaya naglakad na ako papalapit sa kanila. Pero nagulat ako nang makilala ko ang boses ng lalaking kausap ng mga anak ko.
"Hahahahaha kids, i dont know who your father is. Why-----" naputol ang sinasabi ni Axel nang biglang tumakbo papalapit sa akin si Zoelle sumunod ang kambal
"Mommy!!" masiglang tawag sa akin ni Zoelle habang tumatakbo papunta sa akin
"Mommy look we met that guy again" Aria said
"Si Mr. Tall Guy, heto po siya oh" sabi ni Firo sabay turo kay Axel
Nang tignan ko si Axel hindi ko alam kung anong mararamdam ko. Kaya dali dali kong pinaalis ang mga bata para magpunta sa cafeteria.
"Uhm kids, mauna na kayo sa cafeteria. Susunod ako okay?"
"Yes po mommy" sabi ni Firo sa akin sabay kinuha ang mga pagkain na hawak ko pero hindi lahat. Si Aria naman hawak hawak niya si Zoelle habang naka sunod sa kuya nila.
Aalis na sana ako dahil parang wala naman sasabihin si Axel nang bigla niya akong yakapin.
Pinilit kong kumawala sa yakap niya.
"Ikakasal ka na diba? Bakit mo pa ginawa yun?" panimula ko sa kanya
"Oo pero---" sabi niya pero hindi ko na pinatapos kaya inunahan ko na siya
"Masaya na kami, nanahimik kami ng mga anak ko kaya please lang Axel, huwag mo na kaming guluhin." sabi ko sa kanya
"Sige, mananahimik ako pero kukunin ko ang mga bata sayo." sabi niya sa akin
"Kukunin mo? Ang kapal naman ng mukha mo kung ganon, hindi ako papayag sa kondisyon mong yan." napipika kong sagot sa kanya
"Tignan ko lang kung kaya mo akong labanan." he said then he smirked on me
"Huwag mo kong tinatakot dahil una sa lahat ikaw dapat ang matakot. Hindi sasama sayo ang mga anak ko dahil in the first place, hindi ka nila kilala" nanggigil kong sabi sa kanya
Pagkatapos kong sabihin iyon, iniwan ko na siya. Pumunta na ako sa cafeteria, nakita ko ang mga anak ko na nag uumpisa nang kumain. Sinusubuan ni Firo si Zoelle, habang si Aria naman hinihiwa sa maliliit yung ulam nilang hotdogs para madaling makain ni Zoelle.
"Thank you babies, mommy is so proud of you. Inaalagaan niyo si Zoelle kahit na bata pa kayo." sabi ko sa kanila sabay umupo sa tabi nila
"Welcome po mommy" sambit ni Aria
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
RomanceIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.