Ayleia's P.O.V
"Eiya, mauna ka na dyan sa school ha? Im late na ghorl kasi its traffic, wait mo ko sa gazebo ha?" Lia messaged me.
Habang inaantay ko si Lia ginawa ko na muna yung ibang assignment ko since hindi ko natapos kagabi kakanood ng k-drama. Nag earphones ako para enjoy ko paggawa ng assignment.
Maya maya kinalabit ako ni Lia.
"Hoy ghorl kanina pa kita tinatawag"
"Hindi kita maririnig dahil naka earphone ako"
"Iwan mo na yan, sakto mag flag ceremony na rin ghorl."
Naglakad na rin kami papunta sa field kasi ang ibang estudyante pumipila na rin.
"Hala ka ghorl yung crush mo, tingin ka banda sa 9 o'clock"
ayos yung codes namin no? para hindi halata hahahahahahaha
Dahan dahan akong lumingon sa kaliwa ko. shet mama bat ang pogi?
"Hoy bruha ka wag kang pahalata ghorl mamaya matawag ka roon sa stage dahil akala hindi ka nakiki-cooperate sa flag ceremony."
shemay talaga, kumpleto na araw ko waaaahhh.
Natapos na yung flag ceremony namin na good mood ako. Jusko di ko talaga kinakaya umaga pa lang grabe na kilig ko.
"Ano ghorl? Kumpleto na umaga mo no? pang aasar ni Lia.
"Heh! Hahahahahaha"
"Sus, di mo ko maloloko ghorl. Kaibigan mo ko kaya kilala kita."
Kinuha na namin yung mga gamit na iniwan namin sa gazebo tsaka nagpunta sa room namin.
Maya maya nagsimula na yung klase namin. Mahirap mag aral pero kung may pangarap ka hindi uso sayo ang salitang "mahirap".
"Good morning class"
"Good morning Sir Red"
"May announcement ako"
"Ano po yun Sir?" tanong ng isa sa kaklase ko.
"Class, magkakaroon kayo ng Acquaintance Party"
"Eh sir kelan naman po yan?" tanong ni Lia kay Sir.
"Next week na yan class so be prepare. Im expecting na makita ko kayong lahat doon. Wala dapat busy, wag kayong kj isang taon na lang kayo dito sa school niyo sulitin niyo na."
"Yes Sir" sabay sabay naming sagot.
"Class dismissed"
"Ghorl alam na ha? Ayusan mo ko" sabi ko kay Lia
"Malamang, ako tong make up artist at hair stylist mo eh."
"Thank you Lia"
"You're welcome friend"
"Tara cafeteria tayo nagugutom na ko ghorl" aya ko kay Lia.
Habang naglalakad kami may humarang samin na estudyante.
"Excuse me, Ayleia Ferando right?"
"Yes, why?"
"Sabi nga pa la ni Sir Red daan ka mamaya sa office niya."
"Thank you."
"Siguro may nakalimutan sabihin si Sir Red sa klase natin." sabi ni Lia
"Siguro nga, bilisan na lang natin kumain"
Ang daming tao sa cafeteria buti naka order na agad kami ni Lia at mabilis natapos kumain. Nagpunta muna kami sa restroom bago nagpunta sa office ni sir.
"Sir pinapatawag niyo raw po ako?"
"Oo, may idadagdag pang announcement."
"Ano po yun Sir?"
"Next week ang acquaitance party niyo diba? Kasabay non ay yung food festival, sa umaga naman yon. Mag usap usap kayo ng mga kaklase mo kung anong dadalhin niyong pagkain at dapat groupings yan."
"Okay po Sir, ayun lang po?"
"Oo at makaka alis na kayo. Oo nga pa la may sasabihin ako Ayleia"
"Ano po yun Sir?"
"Gandahan mo next week, its your chance na mag pa impress sa matagal mong crush jusko naman Ayleia walang mangyayari kung hindi ka lalandi hahahahahaha"
"Gusto niya maunahan siya ng iba Sir" singit ni Lia
"Maraming higad dyan sa paligid, gusto mo bang dumikit sila kay Axel? Nako, dapat kayo na lang kayo paborito kong OTP." pang aasar ni Sir Red.
"Hala sir namumula si Ayleia oh" panggagatong ni Lia.
"Hahahahahaha Sir naman eh"
"Sige na sabihin niyo na yan sa mga kaklase niyo. See you next week."
"Sige po Sir."
Pagkalabas namin sa office ni Sir nang aasar agad si Lia.
"Ayun oh, pati si Sir Red boto sa inyo kahit na hindi pa kayo nagkakasama hahahahahaha konting kilos ghorl."
"Heh!"
"Walang mangyayari sa pagsulyap mo sa kanya sa malayo."
"Alam ko yun, eh kasi ano eh"
"Walang dahi-dahilan jusko, ano ba gusto mo maunahan ka nang iba? Ikaw rin sige ka"
Hininto na namin ang usapan namin. Pagkarating namin sa room saktong walang guro na nagtuturo.
"Everyone, listen" panimula ko.
"Diba next week ang acquaitance party natin? Sa umaga food festival naman ang ganap. Kaya kailangan mag groupings at pag usapan niyo ang dadalhin niyong pagkain para next week."
Pagkatapos ko sabihin, naghanap kami ng ibang ka group. Bali 5 tao sa bawat grupo. Pinaghatian namin kung anong gagawin ng bawat isa. Matapos noon ay lumabas na kami ng room dahil wala na rin namang klaseng susunod.
"Gala ba tayo sa mall?" tanong ni Lia sakin.
"Pass muna wala akong pera"
"Eh anong susuotin mo next week?"
"Meron pa naman akong damit na pwede isuot sa party next week ayon na lang muna"
"Sige ako na lang, bye na ghorl ingat ka" pagpapaalam ni Lia
Pagka uwi ko sa bahay ay ginawa ko na muna yung mga dapat gawin bago yung mga assignment ko.
"Ma, may party kami next week"
"May susuotin ka ba anak?"
"Meron pa naman po"
"Okay, dyan ka na magwawattpad na muna ako at hugasan mo muna yung hugasin na naiwan doon"
"Sige po ma, basa well"
Ayos mama ko no? Hahahaha ayon na lang din naman kasi libangan niya pagtapos niyang magtrabaho bilang kasambahay. Oo, kasambahay mama ko at stay in kami sa pinagtatrabahuhan niya.
Ang papa ko kasi matagal nang patay, kaya dalawa na lang kami ni mama. Ayaw naman namin umasa sa mga kamag anak namin dahil alam naman naming hindi kami tutulungan ng nga yon.
Kaya kailangan kong magsipag para mabayaran ko lahat ng paghihirap ni mama.
To be continue.....
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
Storie d'amoreIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.