Chapter 5

22 5 3
                                    

Ayleia's P.O.V

After ng ilang week nalaman na namin yung result ng finals namin at ayun pasado kami.

"Waaah, congrats satin Eiya."

"Isang taon na lang matatapos na natin"

"Oo nga eh, may plano ka na ba sa future mo?" tanong niya sakin

"Hmm? Syempre una na roon yung makapagtapos ng pag aaral after noon gusto ko magtrabaho kasi gusto ko magpagawa ng bahay para may sarili na kaming bahay ni mama."

"Pero may balak ka mag asawa?" tanong ni Lia sakin.

"Meron pero hindi ko pa priority yun,, basta ayun yung plano ko sa future ko."

"Tara na nga sa cafeteria nagugutom na ako." biglang pag aya ni Lia sakin.

Habang kumakain kami biglang dumating sila Axel at Xav.

"Hoy bat hindi mo ko inaccept?" bungad na tanong sakin ni Axel na ikinagulat ko naman.

"H-ha?" sagot ko sa kanya.

"Sabi ko bat hindi ka nang aaccept?"

"Hindi pa ko nag ffb, diba Lia?" sabay siko kay Lia pero mahina lang.

"Ah oo, ayan ha may pag add na sa facebook."

Hindi na namin pinansin yung sinabi ni Lia kumain na lang kami. Habang kumakain kami biglang nag aya si Xav magbakasyon kasi wala na rin namang pasok.

"Ano free ba kayo? Libre ko na"

"Ay wao sana all rk" sagot ko

"Saan naman pupunta?" tanong ni Lia.

"Isip kayo saan maganda magpunta" sabi ni Xav

"Ay buset mag aaya akala ko naman may place na" naiirita kong sabi

"Baka hindi niyo kasi magustuhan doon sa isusuggest kong place, tsaka papayagan ba kayo?"

"Ako oo, pero si Lia ewan ko lang strict daddy niya" sagot ko

"Huwag na nga lang gumala dahil alam ko namang hindi ako papayagan" sabi ni Lia

"Okay sige"

Maya maya may lumapit samin na babae. W-wait? Parang eto yung kasama niyang babae nung isang araw na nakita ko sila.

"Hi boys!" bati niya kila Axel at Xav. "Oh I see there's is a two ladies, I hope you're not flirting with my baby? And by the way, my name is Maria Jevelene Gonzalez" 

"Wtf? Kung sino ka man wala akong pakialam sayo." sabi ko sa kanya. "Tara na Lia" sabay tayo ko sa kinauupuan ko at lumayas. Nakakairita akala mong kung sino.

"Ang epal niya ang panget naman niya." sabi ni Lia "Pero sino naman kaya yun? Hindi naman siguro lalapit yun satin kung may girlfriend na sila diba?" pahabol na sabi ni Lia sakin

"Ewan ko at ayoko na makialam. Ayaw ko na rin sumama sa kanila kung ganon ang kalalabasan nakikipag kaibigan lang malandi na agad ampucha." nanggigigil kong sambit kay Lia

"Easy girl easy, alam kong naiinis ka pero kumalma ka lang." 

Maya maya nakita kong papalapit samin si Asher nasa gazebo kasi kami ngayon nagpapahangin dahil sa nangyari kanina.

"Oh bat mainit ulo mo?  Masyado mo ba akong miss kaya ka nagkakaganyan?' bungad sakin ni Asher

"Pano naman kasi may kausap lang kami sinabihan agad na nakikipag landian na kami sa kausap namin sinong hindi maiinis sa ganon? "pagpapaliwanag ni Lia kay Asher

"Eh sino ba yon?" tanong ni Asher

"Maria ata, ewan basta yon."

"Maria Jevelene Gonzalez?" tanong ni Asher

"Oo ayan nga" sagot ni Lia

"Pano mo naman nakilala yon?" tanong ko kay Asher

"Basta, ilibre na lang kita ng puto with cheese dahil alam ko naman na paborito mo yon."

Sabay umalis si Asher para bumili ng puto.

"Hindi ba nakakapagtaka na kilala ni Asher yung babaeng yun?" tanong ni Lia

"Alam ko, wala rin naman siyang nababanggit satin eh masyadong tago si Asher" sagot ko kay Lia

Maya maya dumating na rin si Asher at kinain namin yung binili niyang puto. Nagkwentuhan na rin kami dahil minsan na lang kami nakakapag bonding. Gustuhin ko man itanong sa kanya bakit kilala niya yung babae pero hindi ko na ginawa dahil  parang hindi rin naman niya sasabihin saakin.

"Sana nag enjoy kayo" sabi ni Asher "Sige na may gagawin pa ako aalis na ko ha? Huwag na mabadtrip ang panget mo eh." sabi niya sakin

"Aalis ka na nga lang mang aasar ka pa kupal na to, mag ingat sila sayo." pahabol kong sabi 

"So pano girl mauna na ako ha? May pupuntahan pa pala kami ni mommy nagtext sakin." pagpapaalam ni Lia

"Sige lang ingat ka" 

Habang naglalakad ako papalabas ng school may tumatawagan sakin.

"Ayleia" 

"Bakit?" tanong ko kay Xav

"Sorry nga pala sa nangyari kanina sa cafeteria ah? Hindi naman kasi namin alam na bumalik na pala ulit siya." 

"Eh sino ba siya?" tanong ko kay Xav

"Ah ano si Axel dapat ang tanungin mo dyan." sagot ni Xav sakin

"At bakit siya ang tatanungin ko?" tanong ko rin sa kanya

"Basta ayon, sorry talaga ha. Sige mauna na ako." pagpapaalam ni Xav sabay umalis na.

Weird ha bakit si Axel pa ang kailangan magsabi sakin non. Pake ko ba don. 

Pagkauwi ko sa bahay. Nagkwentuhan kami ni mama pagtapos namin sa gawaing bahay. Ang sarap sa feeling ngayon na lang namin ulit nagawang magkwentuhan ng ganto. Pagtapos neto ay natulog si mama habang ako ay nanonood muna wala rin naman kaming pasok bukas kaya okay lang na maguyat.

Habang nanonood ako naisipan kong buksan messenger ko nakita kong may isang message request. 

Giovanni Axel Fuentabella

Ayleia, sorry sa nangyari kanina.

Hindi ko siya nireplyan. Dapat kasi kung magsosorry ka sa personal at bukal sa loob mo hindi yung idadaan mo sa chat. Hindi ko na rin tinapos yung pinanonood ko natulog na lang din ako.





To be continue...





Hello everyone dont forget to vote my story. Keep safe!

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon