Chapter 29

11 4 1
                                    

Ayleia's P.O.V 


Kinabukasan, nagising na lang ako na hindi makahinga dahil may naka dantay sakin. Pagmulat ko dahan dahan kong inalis yung mga binti ni Axel pero lalo niyang binigatan iyon.


"Ano ba! Anong oras na may pasok pa yung mga bata" saway ko sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatinag.


"Axel!" 


"Oo na, pero remind ko lang wala akong groceries dito kaya sa labas na lang tayo kumain ng breakfast." sabi niya sakin sabay kiss sa pisngi ko "good morning baby" sabi niya sabay tumayo para pumunta sa cr. 


Sakto naman nagising na sila Firo at Aria, ginawa na nila ang dapat nilang gawin. Hindi na muna ako bumangon, tinabihan ko na lang muna si Zoelle na natutulog pa rin. Tinitigan ko siya, ang bilis niyang lumaki parang kailan lang nung pinanganak ko siya.


"Ano yan? Gusto mo na sundan si Zoelle? Ang lupit mo naman baby!" nang aasar na sabi ni Axel sakin sabay umupo sa tabi ni Zoelle sa kabilang side. 


"Baliw! Ayoko nang sundan si Zoelle. Mahirap manganak akala mo ba madali lang ha!" 


Sasagot na sana si Axel pero biglang nagsalita si Zoelle. 


"Daddy noisy!" sabi ni Zoelle sa ama niya sabay sinamaan ng tingin. Ayaw kasi niyang maingay kapag natutulog siya. Sabagay ganoon din naman ako.


"Im sorry, little girl" natatawang sabi naman ni Axel kay Zoelle


Natapos na rin kaming mag ayos kaya ngayon nasa sasakyan na kami pupunta muna kami sa isang fastfood chain since hindi pa kami nag-breakfast tsaka maaga pa naman. 


Habang kumakain kami narinig namin yung sinabi sa katabi naming table. 


"Ang cute naman  nung mga bata!" 


"Ang ganda naman kasi nung mommy nila" 


"Yung daddy nila ang pogi rin" 


"Sus halata namang maaga sila nag anak. Ang babata pa ang lalandi na agad" 


Sasagutin ko na sana yung sinabi nung babae pero hinayaan ko na lang. Ang aga aga negative vibes agad. Kaya tinuloy ko na lang yung pagkain ko at pinakain ko na lang din ang mga anak ko. 


Pagkarating namin sa school bababa sana ako pero pinigilan ako ni Axel. 


"Huwag ka na bumaba ako na lang, dyan na lang kayo ni Zoelle."  


"Okay" tipid kong sagot


Bumaba na sila Firo at Aria, si Axel naman kinuha niya ang gamit ng kambal sabay dinala sa loob ng school. 


"Bye mommy" sabi nila sakin sabay humalik sa pisngi ko, ganon din ginawa nila sa daddy nila. 

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon