Chapter 8

10 4 4
                                    

Ayleia's P.O.V

Nagising ako dahil hindi ako makahinga ng maayos tatanggalin ko sana ang pesteng nakadagan sakin pero nagising ang diwa ko nang may naramdaman akong kakaiba. 

Pagkamulat ko nagulat ako sa nakita ko tama ba to? Bakit nasa ibang bahay ako? Paglingon ko sa kanan ko nakita ko ang mahimbing na natutulog na si Axel. 

Dahan dahan kong inalis yung kamay niyang naka akap sakin. Tatayo na sana ako pero napahiga ulit ako dahil ang sakit ng parteng gitna ng hita ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Dali dali kong sinuot yung damit kong nagkalat hindi ko na ginising si Axel. 

Pagkalabas ko ng bahay niya saktong nag ring ang phone ko. Tumatawag si Lia.

"Hoy nasaan ka ba ha? Nagtanong sa akin si Tita kung nasaan ka sabi na lang na naki sleep over tayo" sabi ni Lia

"L-lia s-sunduin mo ko" nauutal kong sabi sa kanya.

Pinatay na niya ang tawag sabay naglakad na ako papunta sa mall. Pumunta ako kung saan kami umupo ni Axel bago pumunta sa bahay niya. 

Naupo ako dahil nanghihina ako hindi nagsisink ang nangyari samin kagabi ni Axel. Isa lang ang alam ko natatakot ako sa posibilidad na pwedeng mangyari anong gagawin ko.

Saktong dumating si Lia pagkarating niya bigla ko na lang siya niyakap bigla akong naiyak dahil hindi ko na talaga alam gagawin ko. Gustuhin man magtanong ni Lia pero nanatiling tahimik na lang siya.

Maya maya guminhawa na ang pakiramdam ko. 

"Ano bang nangyari bakit hindi ka umuwi kagabi? Nag away ba kayo ni Tita?" tanong ni Lia

"Hindi, mahabang storya wala pa ko sa mood magkwento" 

"Eh bakit ka umiiyak kanina? At bakit tulala ka tinatawag kita kanina pero grabe yung pagkatulala mo." 

"K-kasi ano may n-nangyari sa amin ni A-axel" nanghihina kong sabi kay Lia

"A-ano? Hala? Owemji girl pano na yan?" natatarantang sabi ni Lia "

"Hindi k-ko rin a-alam" nauutal kong sabi kay Lia

"Basta girl, whatever happens Im here for you always." sabi niya sakin sabay hug 

"Mag ayos ka na nga at para maka uwi ka na hinahanap ka na ni Tita nagdahilan lang ako kunwari para hindi siya mag alala"

Pagkatapos ko mag ayos sumakay na kami sa sasakyan na dala ni Lia na ngayon niya lang magagamit dahil sa sobrang tamad niya mag drive.

Pag uwi ko sa bahay umakto ako na parang walang nangyari kahit ang sakit ng katawan ko lalo na sa pagitan ng mga hita ko. Natapos na rin ang buong araw matutulog na sana ako pero nagchat si Axel. 

Giovanni Axel Fuentabella

Bakit nawala ka agad kaninang umaga? Magkita tayo bukas pag usapan natin ang nangyari. 

Hindi ko siya nireplyan. Wala rin naman akong masasagot sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko natatakot talaga ako. May pangako pa ako kay mama eh paano na yon? Nakatulog na rin ako sa kakaisip ng kung anu-ano. 

Kinabukasan pagtapos ng gawaing bahay nagpunta ako kay Lia.

"Oh ano kumusta? Nagchat ba sayo si Axel?" bungad na tanong niya sakin. Nasa terrace kami ng kwarto niya nagmemeryenda habang nag uusap kami.

"Oo pero hindi ko siya nireplyan. Tsaka tama na muna masyado akong naiistress hindi ko na muna iisipin yon." sagot ko

"Naghahanda ka na ba ng requirements para sa enrollment?" pagiba ng topic ni Lia

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon