Ayleia's P.O.V
"Ang simple lang pala ng gusto mo eh, edi magpakasal tayo" sabi niya sa akin
"Ayokong magpakasal sa tanong hindi naman ako mahal." sagot ko sa kanya sabay iniwan ko siya naiirita ako sa kanya buset.
Iniwan ko na muna sa kanya si Aria tutal ay hindi rin naman naghabol ang bata at para maka bonding na rin niya ang anak niya.
Pumunta ako sa room kung nasaan si Firo, nakita kong gising na siya pero hindi siya umiiyak. Matamlay man siya pero hindi na tulad nung isang araw happy na ako roon.
Biglang nagpapakarga si Firo kaya kinarga na ko na rin siya. Maya maya nagising din si mama nakaidlip din kasi siya.
"Ang sabi ng doctor, oobserbahan pa muna si Firo bago pauwiin baka kasi mamaya magka allergy siya." sabi ni mama
"Okay lang po iyon para sa kalusugan ng anak ko. " tugon ko
"Uuwi na muna ako para makakuha ako ng gamit ng bata, iiwan ko na muna sayo si Aria. Ikukuha na lang din kita ng pamalit mo."
"Sige po ma ingat ka, pahatid ka na lang kila Lia para di ka mahirapan pauwi." sabi ko kay mama
Pagka alis ni mama, nilaro ko si Firo pero habang nilalaro ko siya biglang tumunog ang tiyan ko. Hindi pa nga pala ako kumakain. Nagulat na lang ako nang maglapag ng pagkain si Axel buhat niya pa rin si Aria na naka ngiti sa akin.
"Kumain ka na muna, ako na magbabantay sa kambal" sabi niya sa akin.
Nakakainis ka Axel, alam mo ba yon ha? Nakakainis ka kasi ang pogi mo lalong tignan lalo na ngayon hawak mo yung anak mo masyadong natutunaw yung puso ko sa tuwa.
Sinimulan ko na kumain habang si Axel nilapag niya rin si Aria sa hospital bed pero nakaharang siya baka kasi mamaya mahulog yung kambal.
Maya maya habang kumakain ako nagulat ako kasi biglang bumukas yung pinto pero mas lalo akong nagulat sa taong biglang pumasok.
"Where is my grandson? Where is he Axel? Is he okay? Oh my god, there a little girl too. They are so pretty and handsome" sabi ng mommy ni Axel
Ngayon ko lang nakita ang mommy niya. Hindi pa rin mahahalata rito na may apo na siya dahil sa kutis nitong napakalambot at ang puti. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang pogi ni Axel ang ganda ng lahi nila.
"Darling, bigla bigla mo kong iniiwan. Asan ba ang apo natin? Susmaryosep, may babae at lalaki sinong apo natin sa dalawang ito?" tanong ng daddy ni Axel
"Mom, Dad, relax nga lang kayo." saway ni Axel sa magulang niya
"No way son, akin na ang apo ko gusto ko siyang makarga" sabi niya kay Axel sabay kukunin niya sana si Aria kaso siniksik lang ni Aria ang sarili niya sa ama niya.
"Pasensya na po, nangingilala po kasi ang anak ko lalo na ngayon lang niya po kayo nakita." pagpapaliwanag ko sa magulang ni Axel
"Ikaw ang ina ng mga apo ko? No wonder kung bakit sila maganda at pogi, maganda ka iha, i like you na agad" sabi sa akin ng mommy ni Axel sabay hug
"Mom!" saway ni Axel
"Bakit aangal anak? O inggit ka kasi ako nayakap ko siya ikaw hindi mo magawa yon" pang aasar ng ina ni Axel sa kanya
"Dad si mommy oh" pagsusumbong ni Axel na parang bata akala mong hindi pa siya nakagawa ng bata.
"Ewan ko sa inyong mag-ina" sabi ng daddy ni Axel sabay lapit kay Firo na ngayon ay nagtititigan ang mag-lolo
"Ano apo? Magtitinginan na lang ba tayo? Hahahahahahaha" sabay kinarga niya si Firo na hindi naman umiiyak tinignan niya lang ang bumuhat sa kanya palibhasa ngayon niya lang kasi ito nakita.
"Oo nga pala iha, anong pangalan mo? By the way, my name is Amelia Castillo-Fuentabella you can call me mommy, mommy or mom ha? Hindi tita ayoko ng tita."
"Nakakahiya naman po, ako po pala si Ayleia Sydny Ferando" pagpapakilala ko.
"My husband name is Alexander Fuentabella." pagpapakilala ng mommy ni Axel
"Huwag mo kong tatawaging tito ayoko non, gusto ko dad or daddy ha" sabi sakin ng daddt ni Axel
"Hala nakakahiya naman po" sabi ko, wala na kasi akong ibang masabi lalo na ngayon hindi malaman mararamdaman ko.
Nung pumasok kasi sila kanina kutob kong parents ni Axel ang dumating pero naisip ko baka kasi hindi tanggapin ang anak ko kaya natakot din ako kanina.
"Iha, wag kang mahiya lalo na ngayon ikaw ang ina ng mga apo ko kaya welcome na welcome ka sa family namin, diba darling?" sabi ni tita Amelia
"Yes darling" sagot ng asawa na busy makipaglaro kay Firo.
Hinayaan ko na muna silang makipaglaro kay Firo. Habang si Aria naman nasa daddy lang niya ayaw niya pa rin kasi sumama sa lolo at lola niya dahil ngayon lang niya nakita ang mga ito.
Natapos na akong kumain, biglang bumukas ang pinto dumating sila mama at Lia na kasama si Xav.
Inabot sa akin ni mama yung mga gamit namin, magtatanong pa sana siya kung sino ang ibang taong nandito pero hindi na niya nagawa kasi biglang lumapit sa kanya ang mommy ni Axel.
"Balae, tama ba? Ikaw ang nanay ni Ayleia?" bungad na tanong ni Mrs. Fuentabella.
"Oo, ako nga pala si Lillian Ferando" bati ni mama sa mommy ni Axel
Matapos nang batian nilang iyon ay ayon nag kwentuhan na sila na para bang matagal na magkakilala kaya hinayaan ko na lang.
Si Axel naman kausap niya si Xav habang karga niya pa rin si Aria. Si Lia naman lumapit sa akin sabay bumulong
"Ayan na alam na ng magulang ni Axel ang tungkol sa anak niyo, ano nang balak mo girl?" tanong niya sa akin
"Balak? Wala, ayan lang pag naging okay na si Firo magpapasalamat ako kay Axel ayun tapos ang usapan." sabi ko kay Lia
"Bakit sa tingin mo ganyan ganyan lang yon? Tignan mo nga tuwang tuwa sila sa anak mo. Malulungkot ang mga iyan panigurado pag nalaman nilang ganyan ang desisyon mo. Impossibleng walang gawin ang mga magulang ni Axel. Kaya girl magdesisyon ka na, kaya mo yan basta dito lang kami ni tita for you" sabi niya sa akin sabay hug
"Salamat Lia, salamat sa lahat ng tulong mo sa akin kahit na wala pa yung kambal. Im so lucky to have a friend like you."
"Ano ka ba, wala iyon. Nakakaproud ka nga eh kasi nakaya mo yan basta proud na proud ako sayo." sabi niya sa akin sabay hug.
Sa ngayon, pag iisipan ko kung anong makakabuti para sa mga anak ko lalo na ngayon nadagdagan ang nakakakilala sa kanila. Sana lang itong desisyong pipiliin ko hindi ko pagsisihan. Lahat gagawin ko para sa mga anak ko.
To be continue.........
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
RomanceIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.