Chapter 18

4 4 0
                                    

Ayleia's P.O.V

Pagkatapos namin mamili sa department store akala ko uuwi na kami pero sabi naman ni Axel daan muna kami sa grocery para makabili ng gatas at diaper ng kambal tsaka wala rin daw siyang stocks sa condo niya.

Ngayon karga ko si Aria nagpapakuha na kasi. Si Firo karga rin siya ni Axel habang tulak tulak ni Axel yung cart. Marami rami na rin siyang nalalagay sa cart pero parang hindi siya nangangalay.

Hindi na ako nagtataka na agaw sa atensyon ang mag ama. Palibhasa parehong pogi hay nako. Habang naglalakad kami kinalabit ako ni Lia sabay pinakita yung picture naming apat. Kanina yon nung namimili kami ng gatas ng kambal.


"Ayieee, ang ganda namang pamilya neto." kinikilig na sambit ni Lia sa akin.

Wala akong masagot dahil sa kinikilig ako masyado. Kasalukuyang nakapila sa counter sila Axel at Xav, habang kami nila Lia at mga kambal naka upo dahil nanghihingi na ng gatas ang kambal.

Hawak ko si Firo, si Aria naman nasa stroller lang.

"Bili tayong pizza mamaya bago umuwi, nagugutom ako Lia" sabi ko sa kanya.

"Oo sasabihin ko pa nga lang sana eh, nagutom din ako tsaka nakakapagod din" sagot niya sa akin

Maya maya natapos na rin silang magbayad. Hinatid muna kami nila Xav sa sasakyan sila na lang daw kasi ang bibili sa pagkain. Kaya naiwan kami nila Lia at mga kambal.

Hindi ko namamalayan, nakatulog din pala ako ganon din ang kambal. Ginising na lang ako ni Axel.

Pagkagising niya sa akin dali dali akong bumaba sa sasakyan. Pagkatapos noon ay kinuha ko si Aria na natutulog pa rin. Ganon din si Firo.

Kinuha na lang ni Lia si Firo kasi sila Axel ang magbubuhat sa mga grocery na binili namin. Yung mga binili namang gamit ni Axel para sa kambal idedeliver na raw mamaya.

Maya maya nakarating na rin kami sa condo ni Axel na nasa 33rd floor, ang taas pala neto grabe. Pagkapasok namin sa condo niya mas lalo akong namangha sa sobrang ayos at linis nito.

Binuksan agad ni Axel yung aircon sa sala at sa kwarto niya. Nilapag na muna namin ni Lia yung kambal sa kama niya sabay hinarangan ng unan. Hindi ko na muna binihisan dahil baka magising lang ang mga ito.

Pagkalapag namin sa kambal, maya maya may nag doorbell yun pala yung mga inorder ni Axel kanina. Inayos na lang muna namin sa sala yung dalawang crib. Yung iba naman nilagay na niya sa isang kwarto sa itaas.

"Eiya, magluto ka naman ng menudo namimiss ko na yon." request sa akin ni Lia

"Sige lang" sambit ko

Nagbihis na muna ako bago ako nagluto ng ulam. Habang nagluluto ako ng ulam inayos ko na rin yung mga grocery na binili namin kanina. 

Si Axel naman hindi mapakali sa pag ayos ng gamit ng kambal sa itaas. Sila Lia at Xav nanonood naman sa sala. Habang nagluluto ako kumuha ako ng pizza na binili nila kanina. Ngayon ko lang napansin na maraming binili si Axel, takot ata siyang magutom huh.

Makalipas ang isang oras tapos na ko magluto, nanghain na muna ako bago ko sila tinawag.

Kinuha ko na muna yung kambal sabay nilagay sa high chair na nasa sala para makapanood sila. Hindi pa kasi namin naayos ni Axel yung sahig para kahit gumapang man sila sa lapag eh ayos lang.

"Grabe namiss ko to Eiya, ang sarap pa rin. Diba Axel ang sarap ng luto niya?" tanong ni Xav kay Axel

"A-ah oo" napipilitang sagot ni Axel sa kanya.

"Okay" tipid kong sagot.

Bigla akong nawalan ng gana kaya hindi na ko masyadong kumain. Pinuntahan ko na lang ang kambal sa sala. Maya maya sumunod sa akin sila Axel at Xav.


"Ayan, paniguradong hindi na lalamukin ang mga anak niyo. Hindi na niya madedengue, diba babies?" tanong ni Xav sa kambal na akala mong sasagutin na siya ng mga ito.

Napag isipan namin manood ng adult movie. Ayos lang naman sa kambal kasi hindi rin naman sila nanonood, naglalaro lang sila tsaka isa pa hindi rim naman nila maiintindihan pa yon.

Katabi ko sa sofa na mahaba sila Lia at Xav, si Axel naman nagsosolo roon sa isang upuan tsaka hindi ko rin siya pinapansin kanina dahil naiirita ako sa kanya.

Naisipan na rin umuwi nila Xav at Lia pagkatapos ng movie dahil pagod na pagod na rin sila. Pagka alis nila, inasikaso ko na ang kambal. Binihisan ko na sila ng pang tulog pagkatapos naghilamos at nagsipilyo naman ako.

"Saan kami matutulog?" tanong ko kay Axel na busy naka harap sa laptop niya.


"Ha?" tanong niya sabay hininto ang ginagawa. "Anong saan kayo matutulog? Correction, tabi tayong matutulog walang lilipat ng ibang kwarto." sagot ni Axel sa akin

Hindi na ako sumagot, ni hindi na rin ako tumutol sa sinabi niya. Nilagay na niya ang crib ng kambal sa kwarto niya. Hindi pa rin natutulog ang kambal dahil bukas pa ang ilaw since may ginagawa pa rin ata si Axel.

Gustuhin ko man patayin ang ilaw dahil hindi matutulog ang kambal dahil bukas ito pero hindi ko na ginawa. Ang kaso alas onse na ng gabi kaya kailangan ko na mapatulog ang kambal.

Sasabihin ko pa lang kay Axel na patayin ang ilaw pero siya na ang nagkusa tsaka tapos na rin ata siya sa ginagawa niya.


Inunahan ko na lang siya humiga sa kama, kaya ang nangyari roon siya banda sa dingding. Tulog na rin ang kambal at naka patay na rin ang ilaw tanging lamp ang nagsisilbing linawag sa kwarto namin.


"Eiya, galit ka ba sa akin?" tanong niya sa akin habang pareho kaming nakahiga sa kama niya.


Hindi ko siya sinagot, tinalikuran ko lang siya kaya nakaharap ako ngayon sa kambal.

"Eiya, galit ka nga?" tanong niya ulit, paulit ulit niya lang ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin.


Saktong pagharap ko sa kanya pumaibabaw siya sakin.



"Pag nagising ang kambal lalo hindi kita papansinin" sabi ko kay Axel na hawakan ang parehong kamay ko at nakapaibabaw sa akin



"Sabihin mo munang hindi ka galit sa akin aalis ako sa ibaba mo" panghahamon niya sa akin



Hindi ko pa rin siya sinasagot kaya nagulat ako sa susunod niyang ginawa.


He kissed me on my lips.

To be continue....

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon