Ayleia's P.O.V
"Hello Ayleia" bati sakin ni Ralph Montilde, ang nag iisa kong boy-bestfriend since junior high school.
"Hoy kumusta? Ngayon ka lang ulit nagpakita ah"
"Eto buhay pa, kaya nakaka usap mo?"
"Letse"
"Hay nako pikon ka pa rin talaga"
"Ewan ko sayo"
"Sige na baka hinahanap na ko ng bebe ko"
"Ay weh? Meron ka nun? Buti may pumatol sayo?"
"Syempre ako lang to"
Sabay nilayasan niya ko, ang tagal ko na rin pala yon hindi nakakasama palibhasa hindi rin naman kami same ng course. Umalis na rin ako sa gazebo para hanapin si Lia, laging nawawala yung babaeng yon tsk tsk.
Naglakad ako papunta sa may field, since hindi ko rin naman makita si Lia. Shuta parang tama desisyon ko dito pumunta, nakita ko siya naka upo sa may pole at ako naman nakatayo dito sa tabi ng puno.
Tinitignan ko lang siya tapos maya maya may lumapit na babae sa kanya tumabi at sumandal sa kanya?! Girlfriend niya ba yun? Napakunot noo na lang ako maya maya bigla siyang lumingon sakin, umiwas ako ng tingin saglit pero pagtingin ko nakatingin pa rin siya. Parang nanghihigop yung mata niya at hindi ko maalis yung tingin namin sa isa't - isa.
"Eiya!" sabay may kalabit sakin ni Lia
"Kanina pa ko nandito hindi mo man lang ako pinapansin" may halong pagtatampong sabi niya.
"Ah sorry, ano kasi may tinitignan lang ako."
"Si Axel? Eh umalis na siya"
Umalis agad siya hays pero ayos lang kinikilig ako hihihi
"Hayaan mo siya may sarili siyang buhay."
Maya maya nag umpisa na yung party, as usual nabobored na ko dahil hindi ako masyado mahilig umattend sa ganto, ewan ko ba bakit ganon.
"Tara punta tayong cafeteria nandoon ibang kaklase natin tsaka may food pa kasing natira kaninang tanghali"
Pumunta agad kami sa cafeteria syempre food yun eh hahahahahaha.
Natapos na yung party at naisipan namin ni Lia na umuwi na since pagod na kami kakalakad. Pagka uwi ko sa bahay hindi na muna ako natulog nanood ako ng thailand drama na fave ko sa sobrang ganda 2 AM na ko natulog kahit ang pasok ko 6 AM.
"Eiya bangon na dyan" paggising sakin ni mama.
"Wala ka bang balak pumasok? Anong oras na puyat ka pa kasi ng puyat kita mong pasok ka"
"Eh ang ganda kasi nung pinanood ko kagabi panoorin mo rin mama"
"Oo na maligo ka na doon, bilisan mo."
"Opo"
Ginawa ko na lahat ng dapat gawin hindi na ko nakakain since nagmamadali na ko pumasok. Nasa jeep na ko nung tumawag si Lia.
"Hoy asan ka bat hindi kita mahanap?''
"Nasa jeep pa lang ako na-late ako ng gising."
"Ay wao, himala ata na late ka babae, bilisan mo antayin kita dito sa cafeteria."
Saktong pagtapos ng tawag eh pababa na ko kaso sa kakamadali ko maglakad nabunggo ako nung lalaking yon di porket mas matangkad lang siya sakin eh. Pero wait si Axel ata yun?! Eh letse hindi man lang ako tulungan magpulot matapos akong banggain.
Nagulat na lang ako na may tumutulong sakin magpulot nung mga gamit ko.
"Nako kasi nakita lang crush niya hindi na makapag lakad ng maayos, rupok ka ghorl?" hindi ko alam kung pang aasar ba to ni Ralph sakin o ano eh.
"Nako salamat ha, salamat" sarkastikong pasasalamat ko kay Asher mang iinis pa eh.
"Walang anuman marupok na babae" pang aasar niya sakin.
Hindi ko na siya pinansin, nagmadali na lang ako maka punta sa cafeteria. At saktong nandoon si Lia kumakain.
"Wao ang daming pagkain ah" pambungad ko sa kanya.
"Tungaw sayo yan alam ko namang hindi ka pa kumakain."
"Napaka sweet mo naman pala kung ganon"
Hindi na lang niya ako pinansin dahil kailangan namin bilisan ang pagkain since may isa pa kaming assignment na hindi nagagawa.
Pagkarating namin sa room kasunod namin dumating yung si Sir Red.
"Good morning class, kumusta yung party niyo kagabi?"
"Masaya po"
"Okay naman po"
"Umuwi po agad ako"
Iba't - ibang sagot ng mga kaklase ko. Kung ako tatanungin? Syempre masaya sinong hindi sasaya kung naka titigan mo yung crush mo? Waaaahhhh kinikilig na naman ako naiisip ko pa lang yun.
Pagtapos magtanong ni Sir Red, nagsabi lang siya ng assignment since alam naman daw niyang mga pagod kami dahil siya rin mismo ay pagod pa dahil sa party kagabi.
Kaya sa buong araw na ginawa namin ngayon ay gaya lang nung kay Sir Red, maaga na lang din nila kami pinauwi kaya naman ngayon napag isipan namin ni Lia na tumambay na lang sa McDo na malapit sa school namin.
"Hoy parang tama ang desisyon ko na ayain ka mag McDo" sabi ni Lia sakin
"Bakit naman ?"
"Tingin ka roon sa pumasok, diba sila Xav at Axel yun?"
Tama nga si Lia nag McDo rin yung dalawa.
"Hanap ka na ng uupuan Xav, ako na mag oorder." rinig kong sabi ni Axel kay Xav
"Uy Lia" bati ni Axel
"Hello Ayleia" bati niya rin sakin.
"Hindi pa kayo nag lunch?" tanong ni Lia kay Xav.
"Hindi pa tsaka may ime-meet din kami dito, yung special na tao kay Axel."
may girlfriend siya?
"Sige maiwan ko na kayo dyan, next time na lang tayo magsama sama sa isang table." pagpapaalam ni Xav samin
"May girlfriend ata siya? Pano na ang love story niyo?" hindi ko alam kung nagbibiro ba to si Lia o ewan eh.
"Malamang normal lang naman yon malaki na siya." pagsusungit kong sagot sa kanya
Inubos na lang din namin yung pagkain namin at umalis na dahil nawala ako sa mood bigla hindi ko rin alam ang dahilan.
To be continue........
________________________________
Hi, how are you? Take care always. Again Im sorry for the wrong grammars and error. Hope you like this chapter, dont forget to vote! :)
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
RomansaIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.