Chapter 22

9 3 0
                                    

After 5 years....


Ayleia's P.O.V

"Firo" tawag ko sa panganay ko 


"Mommy oh inaasar kami ni kuya" sumbong nila Aria at Zoelle. 

"Stop it, Firo." saway ko sa kanya na hanggang ngayon tumatawa pa rin. "Okay na ba gamit niyo? Kung okay na, tara na" sabi ko sa kanilang tatlo.

Limang taon na rin ang nakakalipas simula nang iniwan namin ang ama nila. Nung umalis kami ng kambal hindi ko ineexpect na buntis ako sa bunso kong anak which is si Zoelle Ikia.

Tuwang tuwa ang kambal sa kapatid nila, nagtanong pa dahil bakit hindi raw nila katulad na twins. Minsan sumasakit ang ulo ko sa mga anak ko, masyadong pang matalino ang mga tanong. Kapag hindi ko naman nasasagot ang sasabihin nila sa akin "But mom, you are a teacher" ewan ko ba.


Wala akong balita kay Axel simula non, si Lia kasama ko pa rin. Simula kasi magtrabaho ako, nagtrabaho na rin siya. Kasal na sila ni Xav at may anak na rin sila.


Nagkanya kanyang sakay na sa sasakyan namin ang mga anak ko.
Maya maya nakarating na kami sa school. Pinag aral ko yung kambal sa school namin dati at tsaka dito rin ako nagtatrabaho.



Madalas namin makita si Sir Red kaya nga tuwang tuwa siya sa mga anak ko lalo na kay Zoelle na napakadaldal.

Pumunta na ako sa faculty kasama si Zoelle, ang kambal kasi nagpunta na diretso sa room nila. Ayaw nilang nagpapahatid sa akin kasi malaki na raw sila. Nagagalit pa pag sinasamahan ko sila papunta sa room nila.


"Hi Zoelle" bati ni Lia kay Zoelle


"Hello po tita ninang ganda" bati naman sa kanya ng anak ko



Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko, aasarin ko sana siya kaso naunahan na ako ni Sir Red.



"Teka, maganda? Wait saan banda?" pang aasar ni Sir Red kay Lia


"Si Sir talaga, support na lang po kasi" tugon ni Lia


Natawa naman kaming tatlo, kahit si Zoelle nakita rin sabay sabing "So Funny"


Maya maya oras na para magpunta sa klase. Kasama ko si Zoelle magpunta sa room, tahimik lang din naman siyang nakikinig sa akin. Sa Senior High School ako nagtuturo.



Ang mga estudyante ko giliw na giliw kay Zoelle. Nagawan namin ng paraan ni Sir Red, para payagang dito rin si Zoelle kahit nagtuturo ako sabi sa akin basta huwag ko lang mapapabayaan ang pagtuturo sa mga estudyante ko.


"Good morning class" bati ko sa kanila


"Good morning Miss Ayleia" bati rin nila sa akin.


"In the next few weeks, magkakaroon tayo ng foundation week. One week walang klase pero kailangang nandito kayo"

"Yehey!!!"

"Yes"


Iilan lang yan sa narinig kong reaksyon nila.


"Hindi ba ang sabi ko patatapusin niyo muna ako, bago kayo magsalita?"


"Sorry Miss, na excite lang po kasi kami."


Pagkatapos ng ganong eksena, tinuro ko ang kailangan kong ituro lalo na at paparating na rin ang exams nila. Pagkalipas ng tatlong oras breaktime na nila.


Pagkalabas ng mg estudyante ko pumunta ako sa facultt para kunin ang baon namin ng mga anak ko. Habang ang kambal nag aantay sa cafeteria para pagdating namin ni Zoelle naka handa na, kakain na lang.


"Mommy!! Here" tawag atensyon ni Aria sa akin habang si Firo tumakbo papunta sa akin para kunin ang ibang pagkaing baon ko.


"Kumusta ang klase niyo babies?" tanong ko sa kambal


"Mommy hindi na po kami baby, dont call me baby" naiinis na sabi ni Firo


"Me too mommy" sabi rin ni Aria



"Baby pa rin kayo kahit anong sabihin niyo, okay?" sabi ko sa kanila sabay tumango na lang sila bilang pagsagot.


"Sige na kumain na tayo, but first pray muna tayo. Firo ikaw na mag lead"


"In the name of the father, son, the holy spirit. Bless us oh Lord and these thy gifts, which we are about to receive, from thy bounty. Through Christ, Our Lord Amen."


Pagkatapos namin magdasal inumpisahan na namin kumain. Tinuruan ko sila mag pray at huwag nilang kakalimutan mag pray.


Habang kumakain, nagtanong si Aria. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon ang tanong niya sa akin.

"Mommy, kelan po uuwi si daddy?" tanong ni Aria


"Oo nga po mommy, sabi mo po sa amin nasa far far far away siya. Bakit hindi niya tayo tinatawagan?" tanong ni Firo


"Hindi na po ba niya tayo love? Ayaw niya po ba sa amin kasi makukulit kami?" naiiyak na tanong ni Aria


"Who tell you that baby?" tanong ko kay Aria. "Daddy loves you so much, its just that he is so busy with his work, that is why he can't contact us" sabi ko sa kanila.


Hindi lang ito yung unang beses na tinanong nila iyon. Simula nang magka isip sila, lagi na nilang tinatanong iyon. Hindi ko naman sinabi na hindi kami hinanap or hinabol man lang ni Axel. Hindi ko rim tinuruan ang mga anak ko na magalit sa ama nila.


"Yung classmate kasi namin mommy, inaasar kami wala raw kasi kaming daddy. Muntik na po awayin ni kuya yung mga classmate namin pero pinigilan ko po siya." pagsusumbong sa akin ni Aria

"Hindi ba sabi ko bad ang makipag away? I told you, let them na asarin kayo kasi the more na hindi niyo sila pinapansin, the more na hindi nila kayo papansinin" pagpapaliwanag ko kay Firo.


"Kasi mommy, inaaway nila ang baby sister ko and i dont want that. Hindi ko sinaktan baby sister ko tapos aawayin nila" pagpapaliwanag ni Firo sa akin


"I know that baby and thank you so much for taking care of your sister, even mommy is not around. Ilove you all mga anak" sabi ko sa kanila.



Matapos namin kumain, bumalik sa sila sa klase nila. May tatlo pa akong klase sila naman dalawa na lang. Pag natapos sila sa klase nila ilalagay lang nila yung bag nila sa table ko then pupuntahan ako sa room kung saan ako nagtuturo para kunin nila si Zoelle sabay gumagala sila sa buong school at para nakakapaglaro na rin sila.



Minsan naisip ko paano kaya kung hindi kami umalis? Masaya kaya kami kasama si Axel? Pipiliin ba kami ni Axel o mas pipiliin niya ang desisyon ng ama niya para sa kanya? Ang daming tanong na gusto kong masagot kaso natatakot naman ako kapag nalaman ko yung sagot sa tanong ko.


To be continue.....

Until When You Will Hold Back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon