Ayleia's P.O.V
Nagising na lang ako dahil hindi ako makahinga kasi nakadagan ang mga braso ni Axel sa dibdib ko.
Inalis ko dahan dahan ang braso niya pero imbis na maalis ko nagulat ako dahil hinila niya ko papalapit sa kanya. Nang magkadikit ang katawan namin na parehong walang saplot eh bigla akong natauhan.
Pinipilit kong kumawala sa higpit ng pagkakayakap niya, sisigawan ko sana siya pero biglang umiyak ang kambal.
Kaya wala siyang nagawa kundi pakawalan ako.Tatayo sana ako para magbihis muna pero bigla rin akong napaupo sa sakit ng katawan ko. Naramdaman ko ulit yung pakiramdam nung nangyari sa amin nung gabing yo
"Nice breast, by the way" pang aasar si Axel sabay lumabas ng kwarto.
Nakakaasar, bakit ba kasi ang lakas lakas niya masyado ayun tuloy kagabi hindi ako makapalag. Hindi pa siya titigil kung hindi ko pa sinabing tumigil na siya dahil pagod na pagod na ako.
Maya maya pagkatapos kong bigyan ng gatas ang kambal sabay silang nagpoop. Hay nako magkapatid talaga kayo no?
Kaya pinaliguan ko na rin sila, pagbaba namin sa sala naka ayos na ang pwesto ng kambal. Kaya nilapag ko sila roon at hinayaan gumapang may harang naman kasi tsaka nilagyan ko na rin ng mga laruan.
"Lets eat breakfast Eiya" pag aya sa akin ni Axel sabay inayos ang pagkakainan ko at nilagyan niya ng pagkain.
"Thank you" sagot ko sa kanya, nginitian na lang niya ako biglang pagsagot.
Ang aga-aga kinikilig ako.
Habang kumakain kami tinanong ko siya kung hindi ba siya papasok sa trabaho.
"Ayoko sanang pumasok, wala ang sexytary ko eh ay mali secretary pala" sagot niya sa tanong ko
"Alam mo ang aga aga napaka harot mo " pangbabara ko sa kanya.
Tumawa lang siya bilang pagsagot sa akin. Pagkatapos namin kumain niligpit ko lang ang pinagkainan namin habang siya naghahanda para pumasok sa opisina.
Habang nagluluto ako ng lugaw para sa kambal. I was shocked when he put his arms on my waist. He whispered
"Wala ba akong goodbye kiss dyan?" tanong niya.
Humarap ako para sana sagutin siya kaso bigla na naman niya ako hinalikan. Pagkatapos noon dali dali siyang pumunta sa kambal para halikan sa noo.
"Goodbye misis ko, mamayang gabi ulit ha?" pagpapaalam niya sabay umalis
Anong mamayang gabi ulit? Anong misis ko?
Hindi ko na inalala yung sinabi niyang iyon. Pagkatapos ko lutuin at palamigin yung lugaw na niluto ko para sa kambal. Nasa sala kami habang nanonood sila pinapakain ko sila.
Nagluto kasi ako ng lugaw na may patatas. Mas gusto ko ipakain sa kanila yung ganto para masanay sila sa gulay. Pagkatapos nilang kumain hinayaan ko lang muna sila maglaro.
Inayos ko na lang muna yung ibang mga gamit ng kambal na binili kahapon. Yung mga bagong damit naman nila nilabhan ko na rin.
Pagod na pagod na ako kaya umupo na lang ako sa sala katabi ang kambal. Maya maya hindi ko namalayan na pare-pareho na kaming nakatulog.
Nagising na lang ako dahil may yumuyugyog sa balikat ko.
"Hey baby, wake up"
Dahan dahan kong minulat ang mata ko kahit na inaantok pa ako. Bigla akong napabangon ng makita ko si Axel sa harapan ko na halatang kakauwi pa lang.
"Ang aga aga pa, bakit umuwi ka na?" bungad na tanong ko sa kanya
"Namimiss ko na ang babies ko eh" sagot niya sa akin nang akmang hahalikan niya ang kambal pero pinigilan ko siya
"Magpalit ka muna ng damit bago mo hawakan ang mga anak mo" sabi ko sabay hawak sa braso niya para ilayo sa kambal.
"Baby naman" angal niya sabay tumayo para umakyat sa kwarto niya.
Maya maya nagmamadali siyang bumaba. Sabay naupo sa tabi ko. Ang kambal naman tulog pa rin.
"Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Axel
"Hindi pa nakat--" hindi ko na natapos ang sinabi ko ng bigla niya akong binatukan
"Aray ha!" sigaw ko sa kanya na biglang umiyak si Aria
"Sorry baby, ang mommy mo kasi ang ingay ingay eh" sabi niya kay Aria na akala mong naiintindihan na siya.
Kinuha niya si Aria at himalang sumama sa kanya. Kaya tumayo na lang ako at nagpunta sa kusina.
Nagluto na lang ako ng ulam na madaling lutuin tsaka nagugutom na rin ako. Ngayon ko na lang naramdam dahil nakatulog din naman ako sa sobrang pagod ko kanina.
Tinatawag ko si Axel pero nagtataka ako bakit hindi siya lumalapit sa akin. Sinilip ko sila sa sala, nakita kong nilalaro niya ang kambal kaya ang condo ni Axel napupuno ng tawa ng kambal na ang sarap sarap sa pandinig.
"Hoy huwag mo masyadong patawanin, baka umiyak yan mamayang gabi" pag saway ko kay Axel
"Yes boss" sabi niya sabay binuhat ang kambal at pumunta rito sa table.
Kinuha ko ang high chair para maiupo ang kambal doon. Pagkatapos noon ay umupo na kami.
"Hindi ko alam na breakfast pala ang kakainin ko ngayon huh" nang aasar na sabi ni Axel sa akin
"Alam mo, kanina ka pa napipikon na ako sayo. Kung ayaw mong kumain huwag kang kumain ha" sambit ko sabay umalis sa kinauupuan ko.
Humabol naman ang kambal sa akin kaya kinuha ko sila. Umakyat kami sa itaas, doon kami nagstay sa isang kwarto kung saan nakalagay ang ibang gamit ng kambal.
Nilapag ko ang kambal, sabay ni-locked ang pinto para hindi siya makapasok. Napaka galing talagang mang pikon bwiset!
Naalala ko tuloy yung dati nasa school kami non, may kwine-kwento ako tapos bigla siyang sumabat sabay sabing "sml?" ayoko pa naman sa lahat ng ganon, naiirita ako!
Buti na lang may laruan dito ang kambal kaya binigay ko sa kanila. Humiga ako sa kama para hindi mahulog ang kambal. Maya maya lumapit si Firo sa akin nanghihingi ng gatas, kaya pinadede ko na muna.
Habang nagpapadede ako, nagcellphone na muna ako. Naalala kong ilang buwan na lang mag iisang taon na ang kambal. Gusto ko silang bigyan ng maaayos na party pero hindi ko pa alam kung saan gaganapin. Hindi rin naman pwedeng ako lang magdesisyon.
Hindi ko na lang muna tinuloy yung binabalak kong pagsi-search. Tinignan ko ang mga anak ko. Una kong tinignan si Firo, hindi makaka ilang anak niya ito, hawig na hawig niya talaga. Si Aria naman ganon din, isa lang ata ang nakuha sa akin ni Aria eh, yung gender niya.
Maya maya naisip kong laruin ang kambal. Kaya ang kwarto napuno ulit ng tawa nila na hinding hindi ko pagsasawaang marinig kahit kailan.
To be continue.......
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
RomanceIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.