Ayleia's P.O.V
Namimiss? Oo, aminado naman ako roon. Namimiss ko yung panahon makita ko lang siya sa school buo na araw ko. Kaso iba na ngayon hindi na pwede yun. Hindi ko na pwedeng intindihin lang yung sarili ko lalo na ngayon na dumating sa buhay ko yung kambal.
Hinding-hindi ko sila ipagpapalit sa kahit sino. Pero pag bago ako matulog tinitignan ko yung kambal kasi mabilis lumipas yung panahon. One day tatanungin nila sa akin kung nasaan si Axel, hindi ko alam isasagot ko sa kanila pag nagkataon. Pero isa lang yung hiling ko, sana maunawaan nila kung bakit wala yung ama nila sa tabi namin.
Kinabukasan, naisipan kong mamasyal kasama yung kambal. Wala pa naman akong trabaho gusto ko muna sulitin yun tsaka gusto ko rin muna kasi magpahinga dahil nung nakaraang buwan nakaka pagod yung gawain sa school dahil graduating students nga kami.
Hindi ko na sinama si ate o kahit sino kila Lia dahil gusto ko maranasan na ako lang mag isa. Tinulungan na lang ako ni ate maghanda ng mga gamit ng mga bata. Pagkatapos noon ay sumakay na kami sa taxi.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa mall malapit lang naman kasi yon sa bahay namin. Pagbaba ko kinuha ko na muna yung stroller ng kambal inayos ko muna bago nila si Firo. Si Aria naman kasi gusto niyang karga ko lang siya dahil nangingilala siya lalo na nasa mall kami ngayon maraming tao. Pangalawang beses pa lang naman kasi nila lumabas ng bahay.
Sa paglalakad namin ay tinitignan nila si Firo o di kaya si Aria dahil sa simpleng pananamit ng mga anak ko nangingibabaw pa rin ang kanilang cuteness, bata pa lang takaw atensyon na pano pa kaya kapag nagsi-laki na sila.
Habang naglalakad kami may babaeng naglalakad habang nagtetext kaya iniwas ko si Firo na nasa stroller ang kaso ang nabunggo niya pa rin kami. Pumalahaw ng iyak si Firo dahil nagulat siya sa pagbunggo nung babae.
"Hala miss sorry hindi ko sinasadya." hinging paumanhin niya sakin sabay tingin kay Firo
"Okay lang pero sa susunod huwag kang nagtetext habang naglalakad." tugon ko sa kanya. Sabay biglang huminto sa pag-iyak si Firo.
Tumingin siya kay Firo sabay nagsorry kahit hindi pa naiintindihan ng bata pero maya maya ay nagulat siya.
"Tatay mo ba si Axel? Bakit hawig mo siya huh little boy" sambit niya sabay kurot sa mataba na pisngi ni Firo.
"Huh?" tanging nasagot ko na lang. Maya maya nagpaalam na yung babae dahil mukhang dumating na yung hinahanap niya.
"Oh nandito ka lang pala eh" sabi nung lalaking dumating pero kilala ko ang boses na yon. Mag iisang taon na simula nang huling marinig ko yon ngayon na lang ulit.
"Hoy Axel bakit may nakita akong bata na hawig mo? Anak mo ba yon?" huling narinig ko sa usapan hindi ko na sila pinakinggan kasi bigla na lang kami naglakag papalayo sa kanila.
Napapagod na ako at nagugutom. Bumili na muna ako ng pagkain ko pagkatapos noon ay naka upo na rin ako sa wakas. Habang kumakain ako, si Firo ay naka tulog si Aria naman ay inaantok na pero hindi mapakali. Nilapag ko na muna siya sa stroller niya sabay binigay ang gatas niya.
Sinimulan ko na kumain, binilisan ko na rin para kahit pano makapagpahinga pa ako ng ilang minuto bago ko sila igala ulit. Habang nagce-cellphone ako nagulat ako dahil may biglang naki upo sa lamesa namin pero lalo akong nagulat nung nakita ko kung sino siya.
"Hoy panget, babysitter ka na ngayon?" bungad sa akin ni Asher. Ngayon na lang ulit kami nagkita simula nung nangyari yung eksena sa mall nung isang taon.
"Aba panget ka rin, okay lang naman na magbabysit sa mga kambal eh anak ko to" tugon ko kay Asher na ikinabuga niya sa kinakain niya.
Uminom muna siya sa inumin niya bago nagsalita "Anak mo? Kelan pa? Sinong ama?" sunod sunod niyang tanong sa akin.
"Sino pa ba edi si Axel, tsaka na ako magkukwento mahabang istorya" sabi ko kay Asher
"Aba akalain mo yon kambal pa, babae at lalaki. Shooter huh?" sagot niya sa akin.
"Nasaan ka ba bakit hindi kita nakita sa graduation?" tanong ko sa kanya
"Hindi ka naman kasi nag gala kaya hindi mo ako nakita" sagot niya. "Ninong ako ha" pahabol niya sabi
"Ninong, ninong ka dyan siguraduhin mong hindi ka kuripot lalo na kambal yan" sagot ko sa kanya
"Sige na mauna na kami sa susunod na lang ulit." pagpapaalam ko sa kanya sabay kuha ng gamit ng kambal at umalis na kami.
Naisipan kong magpunta sa department store gusto kong bilhan ng damit yung kambal may pera pa naman ako dito na itinabi ko galing sa binibigay na budget ni Xav sa akin. Pagkarating namin sa babies section hindi ko alam ang uunahin kong tignan napaka rami naman kasing magaganda na damit dito.
May nakita akong onesies na may nakalagay na "cutest version of dad" at yung isa naman "mommy's little princess". Iilan lang yan sa mga napili kong bilhin, napaka cute kasi, bukod sa damit binilhan ko na rin sila ng sapatos kahit na ilang buwan pa ang aabutin bago nila magamit yon.
Habang naglilibot kami sa loob ng department store napadaan kami sa shoes sction which is may nakita akong napaka gandang sapatos na paniguradong kakasya sa akin kaso hindi ko na binili kasi baka kulangin ako sa budget.
Naglalakad ako nang makita ko ulit si Axel at yung babaeng naka bunggo sa amin. Buti na lang at nakatalikod sila mabuti nang hindi niya kami makita. Binayaran ko na ang napamili ko sabay diretso na labas para umuwi na. Gising na yung kambal kinuha ko si Aria at doon ko nilagay yung pinamili ko.
Nagpapasalamat ako sa driver dahil tinulungan niya ako sa pag ayos ng gamit nila Firo para maisakay sa taxi. Maya maya ay naka uwi na rin kami, inaabangan kami ni Ate Shane sa labas ng bahay.
Bumaba na kami, pagka pasok ko sa bahay diretso kami sa sala nilapag ko na muna yung kambal sabay binihisan sila pareho. Pagkatapos ko sila mabihisan ako naman ang nag ayos, nagpahinga na muna ako hindi ko namalayan na nakatulog ako, nagising na lang ako dahil sa ingay ni Lia.
"Hoy Eiya gising bilis"
"Ano ba kasi yon?" naiirita kong tanong sa kanya, ayaw na ayaw ko kasing ginigising ako nakakairita.
"Bukas pumunta ka sa opisina ng kaibigan ni Daddy" sabi ni Lia
"Bakit?"
"May nag aalok ng trabaho roon, tsaka sabi mo hindi mo muna gagamitin kurso mo diba? Marunong ka naman mag english kaya ayon basta pumunta ka bukas sa office na yon, kami magbabantay sa anak mo." sabi ni Lia
"Oo na sige pupuntahan ko"
To be continue........
BINABASA MO ANG
Until When You Will Hold Back?
RomanceIt all started as a crush but one day someone came in to their lives not just one but two people who will change their world.