Love Me Back written by Chologsabogsa
Prologue
Ilang araw nako ginugulo ng damdamin ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayaning mag antay. Bakit hindi nya ko magawang mahalin?
Kung wala naman syang nararamdaman sakin bakit nag papakita pa sya ng motibo? Bakit pakiramdam ko sa ikinikilos nya ay may pag-asa akong nakikita?
Sinundan ko sya. Didiretsuhin kona si Looter kung hanggang saan ba talaga kami. Kung may pag-asa ba talaga ako sa kanya.
Hinigit ko ang kamay ni Looter paharap sa akin. Hindi natuloy ang gagawin nya na bubuksan sana ang pintuan ng kotse nya.
"Looter.."
Parang kanina lang laman kami ng tuksuan at nagagawa nya pang ngumiti pero ngayon pakiramdam ko ay wala lang sa kanya na nakita nya ko.
"Bakit Tim?" Tanong nito.
"G-gusto sana'ng makipag usap sa'yo.."
"Ano naman ang pag uusapan natin?" Diretso nitong tanong.
"Tungkol satin.." mahina lang ang pagkakasabi ko sa dulo sapat na para marinig nya.
Lakas loob akong nakipag titigan sa kanya.
"Ano namang meron satin?" Takang tanong nya.
Napakapa ako ng sagot at ng makaisip ng sasabihin ay huminga muna ko ng malalim.
"M-may pag-asa ba tayo L-Looter?" Utal na tanong ko.
Saglit nya kong titigan na para bang ako na ang pinaka weird na taong nakilala nya.
"Bakit sinasabi mo 'to?" Takang tanong nya.
"Gusto ko lang kasi malinawan.."
Iniiwas nya ang paningin nya sa akin.
"Sorry Tim..."
Bumigat ang hangin sa paligid.
"I can't Love You Back."
-Chologsabogsa
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Teen FictionSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...