Chapter 50

58 6 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 50: Born Day

Timber

December 2, 2020

Pakiramdam ko nangungulila ako kay Stefan, ayuko ng ganito pero ito ang pinili ko. Mas pinili ko si Looter kesa sa kanya. Kasalanan ko ito.. ang sakit rin sa side ko kasi napalapit na ako sa tao at naging parte na sya ng buhay ko.

Wala ng baliw na bubuiset sa akin, hindi na ako makakarinig ng mga kabaliwang sinasabi nya. Hindi ko alam na ganito na tatatak pala sa akin ang isang Stefan. Kahit pa hindi ko trip ang trip nya pero damn.. namimiss ko sya at ang ugali nya.

"Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Looter.

Naglalakad kami papuntang parking lot dahil uwian na namin. Hindi ko napansin na kanina pa pala nasa harapan ang tingin ko at masyado ng malayo ang mga naiisip ko. Parang nakalimutan kong kasama ko nga pala si Looter.

Pinilit kong ngumiti sa kanya para ipaintindi na wag nya akong alalahanin. Hindi ko gusto ang tingin ni Looter para kasi syang may malaking nagawang kasalanan.

"Okay lang ako, pagod lang." Sagot ko sa kanya.

"Sorry talaga.. mainit kasi talaga ang ulo ko sa lalaking 'yon kaya nasabi ko ang mga 'yon.."

"Naiintindihan ko. Kalimutan mo na 'yon."

Nung makarating kami sa parking lot kaagad kong nakita si manong driver kaya humarap na ako kay Looter para mag paalam.

"Sige. Dito na ako Looter bukas ulit."

"Sige. Mag iingat ka."

Akmang hahalikan nya ako ng itinagilid ko ang ulo ko. Parang nagkusa ang ulo ko na gumilid. Naging awkward sa pakiramdam ang nangyari at hindi ako makatingin sa kanya.

"A-ahh sige.." bakas sa hitsura nya ang pilit na ngiti.

Nauna akong talikuran nito at ganoon na lang rin ang ginawa ko. Ba't parang ayukong halikan nya ako? Parang dati lang pinapangarap ko ang mga halik nya. Siguro hindi pa rin ako ready at may doubt pa sa akin.

Habang nasa biyahe napapaisip pa rin ako kay Looter, parang hindi ko kasi feel na kami na. Naninubago lang siguro ako sa relasyon namin.

*RING!* *RING!* *RING!*

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko para tignan kung sino yung tumawag.

Kuya Zain's Calling...

Sasagutin ko ba? Parang ayuko kasi syang kausap. Pinatay nya ang totong Daddy ko kaya kahit never ko pang nakasama yung Alejandro'ng sinasabi ni Dad may kung ano pa rin sa akin na nagagalit kay kuya dahil sa hindi makatarungang ginawa nito.

Naawa siya siguro sa akin. Tss.. walang kwenta. Wala rin syang pinagkaiba sa kanila, mga peke. Kung hindi pa bununyag ni Daddy hindi ko pa malalaman at wala siguro silang balak na sabihin sa akin.

Kaya pala Zandro, Zandra, Zain, Zim kase puro letter Z sila. Ang mga gago pinagkaisahan ako. Hindi man ngayon pero aalis ako sa bahay na 'yon. Aalis ako sa bahay na 'yon ng may galit sa kanila.

Sinagot ko pa rin ang tawag kahit na ayuko.

["Hey Tim.. how's your school?"]

Gusto kong matawa. Hindi ko alam kung saan sya humuhugot ng kakapalan ng mukha matapos kong malaman ang ginawa nya. Magkakapareho lang sila. Magagaling umarte na akala mo walang nangyari.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon