Chapter 18

42 2 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 18: Pain

Timber

Hindi na nga natuloy ang pag-alis namin kaya badtrip ang dalawa. Okay lang naman sa akin kahit hindi matuloy. Tahimik at payapa ang mundo ko ngayon dahil sa wala sa mood sila Akira at Louton magsalita.

"Ahh!! Gagawa ako ng paraan!" Biglang sabi ni Louton dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"Anong paraan naman yang naiisip mo?" Tanong ni Akira.

"Sa friday pa rin tuloy ang swimming kaso nga lang sa bahay pero ayos na yon!"

"Te may swimming pool sa bahay."

"Aish! Bakit ba kasi hindi natuloy!?"

"Gusto nga kasi ni Endymion na maging romantic ang araw na yon, anong magagawa natin e ayon ang gusto nya." Sagot ni Akira.

Napabusangot na lang si Louton hanggang sa dumating yung Lec, duon ko na lang itinuon ang atensyon ko.

Discuss.

Discuss.

- B R E A K T I M E -

Nagpaalam lang ako sa kanila saka mabilis na nagtungo sa abandonadong gusali kung saan ako madalas tumambay kasama ang baliw.

Kakarating lang naming pareho. Napangiti ito sa akin dahilan ng pagtambol ng dibdib ko. Ikalma mo ang sarili mo Timber, kilala ka bilang babae'ng kalmado!

"Gusto mo umakyat ng puno?" Tanong nya.

"Naka palda ako."

"May shorts ka naman siguro."

Napaisip ako sa sinabi nya. Hindi pa ako nakakaakyat ng puno sa tanang ng buhay ko. Ayuko naman ring subukan baka kung mapano lang ako. Pero meron rin namang nag u-udyok sa akin dahil nung una ko syang beses na makita dito e, mukhang natutulog sya sa taas.

Pwede rin ba akong matulog sa ganyan?

"Paano ako makakaakyat?" Tanong ko.

"Lilipad ka."

"Nakakatawa yon?"

"Biro lang, ang seryoso mo! Halikan kita dyan e!"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya! Ramdam ko na naginit ang pisngi ko. Bigla ko na naman naalala yung kiss na ginawa nya sa'kin! Alam ko naman na biro lang yon pero bakit ganito? Parang apektadong apektado ako sa biro nyang yan!

"Hahaha! Gusto mo ba?"

"Suntok gusto mo?"

"Ayan ka na naman sa pagiging sadista mo! May free kiss kana nga e,"

"Hindi na uy."

"Hahahaha! Kahit kailan pakipot talaga."

"Ano ba aakyat ba tayo o bu-buisitin mo lang ako?"

"Ito na nga e, nanginginig pa nga po ako madam oh." Ani Stefan.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon