Chapter 60

63 8 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 60: Comeback

Tim

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya napatingin ako roon at niluwal no'n si Mommy na may dala-dalang picture. May kung ano sa tingin nito at para akong nadadala dahil parang panandalian nawala ang sama ng loob ko sa kanya. Napaupo ako sa kama ko at naglakad ito papalapit sa akin. Pansin ko ang kalumaan ng litrato dahil hindi na ito gaano kaputian.

Naupo sa tabi ko si Mommy at parang naputulan ako ng dila ng iniabot nito sa akin ang litrato. May kung sa akin na gustong malaman ito. Wala sa sariling iniabot ko ang litrato. Tama nga ang hinala ko na luma na ito dahil sa kuha ng litrato. Makikita sa picture ang isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Mommy at yung lalaki naman ay palaisipan sa akin. Bakit naman kaya pinapakita nya sa akin 'to? Ano bang meron dito?

"Picture namin yan ng tunay mong ama.. s'ya ang papa mo Tim, si Alenjandro.." tukoy ni Mommy sa kasama nya sa litrato.

Biglang pumatak ang luha ko. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para makilala sya. Hindi ko man lang nalaman kung gusto nya ba ako o hindi. Hindi ko man lang sya nayakap ng mahigpit. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon, gusto ko syang kausapin.

Baka sakaling maintindihan nya ko..

Baka sakaling matulungan nya ko sa mga problema ko..

"Tahan na Tim.." niyakap ako nito at marahang hinahaplos ang likod ko.

Hindi ko alam pero mas lalo lang ako naiyak. All this time, parang ngayon ko lang nafeel yung ganito. Gusto ko kasi sandalan yung pamilya kinikilala ko. Gusto kong maintindihan rin nila ko.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mapagod ako. Natulala ako at tila natuliro sa kawalan. Ang tumatakbo kasi sa isipan ko ngayon kung paano kung nabuhay ang tunay kong ama? Makakaranas ba ako ng pagmamahal na hinahanap ko? Mapupunan ba ng tunay kong ama ang pagkukulang nila sa 'kin?

"Mom.." nakatulala pa rin ako at nakita ko naman sya sa gilid ng mata ko.

"Anong problema?" Tanong nito.

"Minahal po ba ko ni Daddy?" Tanong ko.

Gusto ko kasi malaman kung kahit konti minahal ako ni Daddy.

"Oo naman.."

"P-pano nyo po nasabi?"

Huminga pa muna si Mommy ng malalim bago ako akbayan.

"Kahit gano'n naman si Zandro sa 'yo alam kong minahal ka rin no'n.. sadyang nasaktan lang sya sa ginawa namin ni Alejandro at ikaw ang napagbugtungan nya ng galit.. pero maniwala ka sa 'kin anak minahal ka no'n.. hindi ka naman siguro tatagal rito kung hindi. Pinalaki at pinag-aral ka pa rin nya.." saad nito.

Dahan dahan akong tumingin kay Mommy at mapait na ngumiti. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo.. parang ang hirap kasi paniwalaan kahit gustong gusto ko.

Kahit naman ganoon sila sa akin ay mahal na mahal ko sila. Hindi naman nawala iyon. Siguro hayaan ko na lang sila, hindi kona ipipilit yung sarili ko sa kanila. Sana dumating yung araw na tanggap nako ni Dad. Sana..

Tumayo ako sa pagkakaupo ko, gusto kong kausapin si Ate Zim.

"Pupuntahan ko lang si Ate, Mom." Paalam ko rito at tipid lang syang tumango.

Naglakad ako palabas ng kwarto ko at nagtungo sa kwarto ni Zim. Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto nya at hindi naman nagtagal ay binuksan nito ang pintuan.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon