Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 42: Option
Timber
"Sasama ka bukas?" Tanong ko habang nakahiga sa damuhan sa ilalim ng puno.
Parehong ginawa naming unan ang mga braso namin. Nakapikit ako kaya hindi ko alam kung anong ginagawa nya.
"Sa Birthday ni Lou?" Tanong nito.
"Oo,"
"Ayaw mo ba?"
"May sinabi ba ko?"
"Malamang sasama ako kase nandon ka, mahirap na mamaya mabilog ka na naman ng gagong Looter na 'yon.." sabi nito.
Napadilat ako at nakaramdam ng inis dahil sa narinig sa kanya. Hindi ko magawang kontrahin ang sinabi nya pero nakaramdam talaga ako ng inis, parang hindi ko kasi gusto yung sinabi nya.
"Hindi ako nagpapabilog don." Seryosong sabi ko.
"Ewan!"
Ilang saglit namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napapaisip ako kung hanggang saan ba ako dadalhin ng damdamin ko para kay Looter? Bakit ko pa pinapatagal yung sa amin ni Stefan?
Hirap akong maka move-on kay Looter, sinubukan ko naman pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag desisyon.. hirap na hirap akong limutin itong pag-ibig ko kay Looter. Ayukong saktan si Stefan pero ayukong mawala si Looter sa akin kahit pa may kinakasama na si Looter.
Ganoon ko sya kamahal..
Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil nagmahal lang naman ako. Maaring hindi ako naiintindihan ng iba pero kilala ko ang sarili ko. Alam kong hindi ko pa rin sya limot at hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya.
Tanga ang tawag ng iba sa ganto pero anong magagawa ko? Kahit pa sabihin mo na ang tali-talino kong tao pero pag dating sa ganito natatanga talaga ako.
Ilang beses na rin ako umasa at nasaktan kay Looter pero iba talaga kapag mahal mo. Hindi mo makikita yung mga mali sa kanya, kahit pa ilang beses ka man nito sinaktan hindi mo pa rin iyon makikita, dahil mahal mo sya..
At ganoon ako.
Siya rin ang first love ko, akala ko nga noon. Sya na ang una't huli kong mamahalin. Akala ko sya na talaga, pero sa sitwasyon ko ngayon alam kong malabo na. Pero ang hirap lang dahil hindi pa rin nawawala yung nararamdaman ko para sa kanya.
Siguro panahon lang ang sagot para makalimot ako ng tuluyan.
"Iniisip mo ba sya?" Tanong ni Stefan.
Minsan naisip ko, what if kung mapunta sa wala yung mga panliligaw sa akin ni Stefan? Masasaktan kaya sya? Iiyak ba sya? O may ideya na sya pwedeng mangyari ang bagay na 'yon?
Kahit hindi pa man nangyayari nakakaramdam ako ng konsensya. Kung sakali man magbago ang ikot ng mundo paniguradong mahihirapan ako. Kase walang ginawa si Stefan kundi ang tulungan ako tapos ganoon ang gagawin ko?
"Sinong sya?" Maang-maangan kong tanong kahit pa may ideya na ako kung sino ang tinutukoy nya.
"Alam mo kung sino yung tinutukoy ko."
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Roman pour AdolescentsSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...