Epilogue

92 9 2
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Epilogue

Timber

December 31, 2020
Thursday 10: 35 p.m

Napagplanuhan namin ni Stefan na sabay namin sasalubungin ang bagong taon kaya sobra-sobra ang pananabik ko. Masaya at kuntento na ako ngayon. Ngayon lang rin masasabi sa sarili ko na naka move on ako kay Looter. Humingi pa ako ng tulong kela Mommy at Ate para lang ayusan ako at lagyan ng make-up.

Matapos akong ayusan ay nag text na sa akin si Stefan na on the way pa lang raw sya. Sa labas kona lang sya aantayin.

Okay na ang lahat. Masasabi kong okay na kami ni Daddy dahil hindi na nya ako masyadong sinesermonan. Lagi na kaming magkasundo ni Zim. Ramdam kona ang pagmamahal ni Mommy. Maloko na ulit si kuya sa akin. Masaya na ako sa mga barkada ko at hindi sa lahat.

Tanggap kona na hindi talaga kami ni Looter.

Tanggap kona na hindi nya ako kayang mahalin pabalik.

"Okay lang po ba Mom?"

"Oo naman baby! Spend your time with your boyfriend kung dyan ka masaya support ako." Sabi ni Mommy.

Ipinaalam kona sa kanila ang tungkol sa amin ni Stefan, actually nakapunta na sya sa bahay kaya lang nung pumunta sya e na hot seat sya dahil kay Zim.

"Sabihin mo lang sa 'kin Tim kung sasaktan ka nyan. Lulumpuhin ko yan." Seryosong sabi ni Zim.

Mukhang alam kona kung kanino ko nakuha yung ugali kong ganyan.

Mag shift na rin ng course si Ate Zim dahil nursing talaga ang gusto nyan. Nirespeto naman ni Mommy ang disisyon nya kaya full support kami.

"Oo ate kapag inatake si Stefan ng kabaliwan nya ipapabugbog ko sa 'yo."

Sabay-sabay kaming natawa. Pagtapos makapaghanda ay hinatid pa nila ko hanggang main door nitong bahay namin.

"Ingat ka baby!" Paalala ni Mommy.

"Opo!"

Paglabas ko may nakita akong nakatalikod na lalaki. Napangiti ako dahil sa naiisip ko. Naglakad ako palapit sa kanya. Kanina pa kaya sya? Pero ang sabi nya on the way pa lang sya.

"Stefan?" Nakangiti kong tawag rito.

Mabagal syang humarap sa akin. Napawi ang ngiti ko ng makilala ko kung sino. Ano naman kaya ang ginagawa nya rito?

"A-Anong ginagawa mo rito Looter?" Tanong ko dito.

Lubog ang mata nya kaya halatang wala syang tulog. Amoy rin ang alak sa kanya.

"Tim.." naluluhang sambit. "Bumalik kana sa 'kin Tim.." lumuhod ito kaya agad ako lumapit sa kanya para patayuin sya sa sahig.

"Tumayo ka riyan Looter. Madumi ang lapag."

"Hindi ako tatayo rito hanggat hindi mo ko binabalikan."

"Lasing ka lang. Magpahinga kana sa inyo."

Nakaluhod pa rin ito ng mapatakip sa mukha saka humagulgol. Nalulungkot ako para sa kanya. Okay na yung sobra ko syang minahal pero hindi na ako babalik dahil tanggap kona.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon