Chapter 54

48 6 1
                                        

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 54: Break

Timber

Habang nag aantay kay Looter bigla naman lumapit sa akin si Elemra. Napaduwang ako saka sya binigyan ng puwesto katabi ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Mukhang problemado ka,"

"Hindi naman. Napapaisip lang, masyado lang akong maraming iniisip." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Pilit kong iwinawaglit sa akin isipan si Stefan. Bigla bigla kona lang kasi ito naaalala, parang alam na alam ko bawat linya nya at saulo ko ang mga kabaliwan nya. Panahon na lang siguro ang sagot para makalimutan ko sya, masyado syang tumatak sa isipan ko kaya hirap akong limutin sya ng tuluyan.

"Masaya kaba kay Looter?" Tanong ni Elemra.

Napatigalgal ako sa tanong nya. Masaya ba talaga ako? Pinakiramdaman ko ang sarili ko at masasabi kong masaya at kinikilig ako kay Looter pero meron rin sa akin na may hinahanap pa, parang hindi ako kuntento sa saya na natatamasa ko ngayon.

"O-oo naman.. ba't mo natanong?"

"Wala lang.. mamaya kasi ayan lang yung gusto mo pero hindi ka naman masaya.."

Nagtaka ako sa narinig sa kanya. Iniisip nya bang hindi ako masaya kay Looter?

"Pano mo nasabi?"

"Para sa 'kin lang ah, hindi sa kinakampihan ko si Stefan! Actually si Looter talaga ang gusto ko para sa 'yo kaya lang mas nakikita ko yung saya at ligaya kay Stefan.."

Natikom ang bibig ko dahil sa narinig kay Elemra, tila hindi ko makontra ang sinabi nya na mas maligaya ako sa piling ni Stefan. May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Elemra. Pasimple kong nilaro ang mga kuko ko. Bigla kong naalala yung mga sinabi sa akin ni Stefan.. hindi ko alam pero bigla na lang ako nalungkot.

"Oh nandito na pala si Looter." Ani Elemra.

Napatingin ako kay Looter na hindi ko mabasa kung ano yung reaksyon parang may ibig sabihin ang mga tinginan nya ni hindi man lang nya binigyan pansin si Elemra.


"Pwede bang iwanan mo muna kami Elemra?"

"Ahh, sige Tim balik na ako sa puwesto namin." Huling sinabi ni Elemra saka naglakad papalayo.

Nanatili itong nakatayo kaya medyo nagtataka na ako. May nangyari bang hindi maganda?

"Ba't nakatayo ka dyan? Asan yung order?" Tanong nito.

"Kausapin muna kita."

Dito na talaga ako nagtaka.

"Tungkol san?"

"Basta."

Bigla na lang sya naglakad papalayo at balak ko sanang umangal dahil sa biglaang paglisan nya kaya lang hindi na ako nakaangal at wala akong nagawa kung ang sundan sya. Dinala kami sa gilid nitong gusali at hindi na rin naman nagtagal ay humarap rin sya sa 'kin. Hindi ko alam pero tingin ko hindi maganda ang sasabihin nya. Bakit kailangan dito pa kami magusap kung pwede namang sa loob?

"May problema ba?" Tanong ko

"May nangyari na sa inyo ni Stefan?" Bungad na tanong nya sa akin.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon