Chapter 13

51 2 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 13: Sex

Looter

- S E C O N D B R E A K -

"Ahmmm, Looter may bibigay nga pala ako sa'yo.." nahihiyang sabi ni Annalyn.

Tinignan kong ang katabi kong si Annalyn. May hawak syang maliit na box na kulay pula. Pagkatapos kong matignan ang hawak nito ay ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Namumula ang mukha nito at nakayuko sya. Matamis akong ngumiti sa kanya saka ko kinuha ang ibibigay nito.

"Salamat dito ah," tukoy ko sa pulang box.

"Sige mauuna na ako." Mabilis na naglakad ito palayo.

Tinignan ko pa ang papalayong pigura nya, kahit kailan talaga ang cute nya. Itinabi ko na lang ang ibinigay nito. Hahaha! Nahiya pa syang umamin sa akin e, halatang halata naman na crush nya ko.

Pagkalabas ko ng room sakto namang nasalubong ko ang grupo nila Elemra. Napangiti ako sa kanila pero agad na nawala iyon ng mapansing wala si Tim? Asan naman kaya 'yon? Hindi kaya nakipag kita na naman sya sa lalaking 'yon?

Napahinto sila ng makita ako.

"Asan si Tim?" Tanong ko.

"Hmmm, hindi rin namin alam pero kung hindi ako nagkakamali matutulog 'yon." si Akira ang sumagot.

"Uyy, hinahanap nya si Timber.." pangaasar ni Louton sa akin.

"I'm just asking okay!?" Inis na sabi ko at napanguso lang si Louton.

"Chill man, hindi nga namin alam." Sagot ni Endymion.

Salubong ang kilay ko dahil malamang ay kasama nya ang lalaking 'yon! San naman kaya sila nagkikita? Ang sabi nya sa akin ay lalayo na sya sa lalaking 'yon!

"Saan ba sya natutulog?" Tanong nung Roshiro.

Nagkibit balikat lang sila at inis naman akong nauna sa kanila maglakad dahil baka nagaantay na sila Jamela sa akin.

Pagkalabas ko pa lang ng building sigawan agad sila ng makita ang gwapo kong mukha. Agad akong nagtungo sa third year building dahil duon ko sila lagi inaantay.

Naabutan kong parehong nag c-cp sila Jamela at Lillith.

"Bakit ang tagal mo!" Maarteng sambit ni Jamela.

"Ahhh, may kinausap lang." Napapakamot sa batok na sabi ko.

"Sino? yung Timber?" Tanong ni Jamela.

"Hindi sila Elemra.." pagtatama ko.

"Ahhh, yung slut na girlfriend ni Kuya Endymion." Umikot pa sa ere ang mata nito.

"Shhh.. ka lang baka may makarinig sa'yo.." isinenyas pa ni Lillith ang daliri nya para wag na ituloy ni Jamela ang sa sabihin nya.

"So what naman?! I don't like her e," Jamela.

Dahil sa mga nalaman ko nung araw ng Birthday ni Endymion duon ko rin na-realize na kaya pala gano'n si Elemra kumilos kasi may experience na pala sya.

"Magagalit si Endymion kapag nalaman nya ang mga pinagsasabi mo tungkol kay Elemra." si Lillith.

"Whatever."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggihan si Jamela. Isang beses lang kasi ako inaya nito then hindi naman ako makatanggi sa kanya at hindi ko naman inaasahan na nagtuloy tuloy na pala.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon