Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 35: Nerdy
Timber
"Ano bang nangyari 'te? Bakit hindi na kayo bumalik kahapon?" Tanong ni Louton.
"Kaya nga! Nagmamadali pang umalis si Endymion kahapon sinama pa nga Roshiro palabas, naloloka sa kalagitnaan pa talaga ng klase! Wala naman na nagawa si Ma'am dahil nagmamadali talaga si Endymion." Mahabang lintanya ni Akira.
Parehong inirapan ko sila. Nakakatamad mag kwento saka hindi talaga ako makuwentong tao kaya wala rin silang mapapala sa akin.
"Kay Elemra na lang kayo mag tanong." Sabi ko sa mga 'to.
Masyadong maraming nangyari para isa-isa ko pa sa kanila.
"Kailangan mang-irap 'te?" si Louton.
"Ano pa nga ba? Ganyan ka naman talaga." si Akira.
Hindi ko na lang sila pinansin. Naisip ko si Looter, paniguradong bukas ay papasok na 'yon dahil nagkaron na sya ng malay. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa dibdib ko. Parang gustong kong magdiwang dahil sa maayos na ang kalagayan ni Looter.
"Anong nangyari?" Takang tanong ni Pike pero walang pumansin sa kanya kaya wala rin syang nakuhang sagot.
Hanggang sa nag lecture na at nakinig na lamang ako sa tinuturo sa harap. Nakaka-antok ang tinuturo.. pakiramdam ko ang bigat ng talukap ng mata ko. Hindi siguro ako kontento sa tulog ko dahil inaantok talaga ako.
Discuss.
Discuss.
- B R E A K T I M E -
Humihikab ako habang nagliligpit ako ng gamit ko. Hanggang ngayon inaantok pa rin talaga ako. Gusto ko talagang matulog.
Nandito kami sa Canteen habang pinag-uusapan ang nangyari kahapon. Hindi naman ako umiimik kasi wala ako sa mood mag salita dahil inaantok rin ako. Tahimik rin si Stefan at kung minsan nahuhuli ko 'tong tulala.
Lutang siguro.
"Okay kana ba Roshiro?" Tanong ni Elemra.
"Oo, konting gasgas lang 'to.." nakangiting si Roshiro.
"Kanina ko pa talaga gustong malaman kung ano bang nangyari kahapon? Tamad kasing mag kwento 'tong si Tim!" si Akira na desidido sa chismis.
"Hindi talaga mahilig mag kwento yan 'te!" si Louton.
Kinuwento nga ni Elemra sa kanila ang nangyari at dito ko mas naunawaan kong anong nangyari. Kung nagkataong hindi nasalubong ni Elemra si Looter baka wala sya sa insidente.
Biruin mo nga naman ang pagkakataon ang lupit talaga pagdating sa akin.
Nalaman ko rin kay Elemra na nagpumilit si Looter na pumasok sa loob. Dito naman ako nakaramdam ng tuwa. Para kasi syang pumasok sa kulungan ng mga Tigre. Ginawa nya ba 'yon para iligtas ako? Handa ba syang gawin 'yon para lang sa 'kin?
"Nakakatakot naman yung lalaking yun! May gano'n pa lang studyante dito!" Natatakot na si Akira.
"Totoo 'te! Bokot yung mga ganyang eksena hindi ko bet!" si Louton.
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Teen FictionSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...