Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 56: New
Timber
*RING!* *RING!* *RING!*
Nakapikit pa rin ako ng kinapa ko ang side table ko. Nang makapa ko ang alarm clock agad ko itong pinatay at nagsimula na ulit akong matulog ngunit hindi pa man ako nakakatagal sa pagpikit ng muli itong tumunog dahilan para maupo na ako at agad na lumapit sa side table para tanggalin ang battery ng pesteng alarm clock na 'yon.
May pasok nga pala bakit parang hindi kona naiisip pang mag aral?
Tamad na tamad man ay kumilos pa rin ako para makapag linis ng katawan. Matapos maglinis ay agad ako lumabas ng kwarto ko, nakaramdam ako ng gutom kaya napasulyap talaga ako ng maamoy ko ang luto ni Mommy.
"Tim anak! Sabayan mo na kami ng ate mo." Anyaya sa akin ni Mommy.
Saglit akong napatingin kay Zim na nakatitig lang sa akin at agad ko rin naman binalik kay Mommy.
"Busog ako e," sabi ko na parang wala lang kahit pa ang totoo nyan ay nagugutom talaga ako.
Tatalikod na sana ako ng..
"Tim!"
Muli kong binalingan ng tingin si Mom na naglalakad papalapit sa akin habang may hawak na lunch box. Pagkalapit nito ay inabot nya kaagad sa akin iyon.
"Dalhin mo na 'to kung sakaling magutom ka." Nakangiti pa rin si Mommy habang sinasabi sa akin iyan.
Saglit ko syang pinaka titigan, hindi naman talaga ako galit sa kanya, nagtatampo at talagang nadismaya lang siguro ako sa kanila at dala na rin ng mga hinanaing ko kaya rin nagawa kong umakto ng ganoon sa kanila. Pamilya pa rin ang turing ko sa kanila kahit pa nagawa nila sa akin ang gano'n.
Pero hindi naman agad mabubura no'n ang sama ng loob ko sa kanila. Sana dumating pa yung panahon na maging okay pa kami nila Mom, ate at kuya. Kahit wag na si Daddy.
Mabilis kong hinablot sa kanya ang lunch box na inaabot nya, nagugutom rin talaga ako kaya kinuha kona. Tinalikuran kona sya at naglakad papalayo.
"Ingat!" Dinig ko pang sigaw nya.
----
- S C H O O L -
Pagbaba ko ng sasakyan ay sya namang pagbaba rin ni Looter kaya napahinto ako. Umikot si Looter papunta sa passenger seat at may pinagbuksan ito. Nakita kong bumaba si Jamela mula duon. Naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata ko.
Ang sakit pa rin pala kapag harap-harapan mong nakikita na ginago ka ng taong mahal mo na ginamit ka lang nyang panakip butas.
Narinig kong umalis na ang sasakyang sinakyan ko at kasabay no'n nagtama ang mata namin ni Jamela, sunod na napasulyap sa akin si Looter. Humugot ako ng malalim na paghinga para labanan ang nagbabadya kong luha.
Nakita kong napangiti si Jamela at hindi ko naman mabasa kung anong reaksyon ang meron si Looter ngayon. Naunang maglakad papalapit sa akin si Jamela at umiindayog ang balakang nito sa ere, hindi pa rin nawawala ang ngiti nya.
"Hey! Kamusta?" Tanong nito ng makalapit.
Hindi ko alam kung saan sya kumukuha ng lakas ng loob para itanong pa sa akin ang nakakagagong tanong na yan. Nakita kong sumunod sa kanya si Looter at nasa likuran nya ito. Wala sigurong mukhang maihaharap sa akin si Looter.
"Maniniwala kaba kung sasabihin kong ayos lang ako?" Tanong ko dito kaya medyo natawa si Jamela.
"Oo naman! Bakit naman hindi? You look good enough naman." Nakangiti pa rin ito.
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Fiksi RemajaSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...