Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 5: Angry
Timber
"Hows your studies?" Tanong ni Mommy.
"Good." Maikling sagot ko.
"How about you Zim? Nakahabol kana ba sa mga subject na bumagsak ka?" Alalang tanong ni Mommy kay ate.
Nung matapos akong kumain ay nag paalam at umalis na rin ako. Habang nasa biyahe papuntang school naisipan kong mag text kay Stefan na kung pwede kay tumambay kami mamaya sa abandonadong gusali.
Pambawi ko sana sa kanya duon sa nangyari kahapon. Gustuhin ko man na samahan ko sya pero ano'ng magagawa ko? Hindi ko matanggihan si Looter.
Sinamahan ko lang si Looter kahapon at pinanuod ko lang sya kumain. Hindi na sya nakakain kasi no'n kaya no'ng second break nagbawi sya. Ako naman kahit konti lang ang nakain ay hindi nako kumain dahil sa kakaisip kay Stefan.
Nung iniwan kasi namin sya nakayuko sya at parang dismiyado dahil mas pinili kong sumama kay Looter.
"Dito na po ko manong.." paalam ko sa kanya bago lumabas.
Nasa parking lot ako at maglalakad na sana ako ng may mapansin na nakatingin sa akin sa malayo. Mabilis kong nilingon 'yon pero wala naman akong nakita. Pakiramdan ko talaga e, malakas talaga ang kutob ko na may nakatingin sa akin.
Nag palinga linga muna ako sa paligid bago nag simulang maglakad. Habang naglalakad sa school grounds nagkataon naman na nagkasabay kami ni Lillith sa paglalakad.
Nasabi na samin ni Elemra na Step sister nya si Lillith. Nakakatawa kasi parang kahapon lang ay magkaaway sila pero hindi kalaunan ay naging maayos na rin sila pero hindi nga lang sila gano'n kaclose.
Naalala ko tuloy si Pexa, kung tutuusin naaawa ako sa kanya. Kulang kasi siguro sa atensyon si Pexa kaya nya nagagawa sa amin 'yon pero maniwala man kayo sa hindi, wala akong galit sa kanya.
Inis lang.
Iba kasi ako magalit, baka lumipad sya.
Ha ha ha ha.
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Lillith.
"May dahilan ba para hindi ako maging okay?"
"Yeah, about last week?" Tukoy nito no'ng naglaro kami ng spin the bottle.
"Wala namang kaso 'yon."
"But we all known that you like him." Tukoy nito kay Looter.
"Does it matter?"
"Yes it does."
Hindi na lang ako nag salita dahil wala naman patutunguhan ang usapan namin.
"Lillith!" Rinig ko ang pamilyar na bose's
Si Lillith lang ang lumingon sa likod namin at nanatiling sa harap ang tingin ko habang nagpapatuloy pa rin sa paglalakad.
"Jamela."
Sabi ko na.
Nasa likuran ko sila at kalmadong naglakad naman ako.
"Alam mo mauumay nako sa sobrang sweet ni Looter sa'kin!" Malakas na sabi nito.
Biglang nag pantig ang tenga ko dahil sa narinig. Sweet? Si Looter sweet sa kanya? Sila na ba?
"Bakit naman?" Mahinang tanong ni Lillith pero narinig ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Teen FictionSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...