Chapter 2

92 2 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 2: Family Dinner

Timber

Parang nagsisi naman ako at hindi ko alam kung bakit pumayag pa akong gamitin nya. Pero anong magagawa ko nasabi kona ayuko namang bawiin 'yung sinabi ko dahil baka sabihin nga ng gago ang narinig nya.

"San ka pupunta?" Tanong ni Mommy sa akin.

Napapadalas na ang pagpunta ni Mommy sa room ko. Tinatanong nito lagi kung kamusta ang school ko. Parang hindi nga ko sanay e, parang mas gusto ko pa 'yung hindi nila ko pinapansin.

Tsk. Ang weird ko talaga.

"Date." Maikling sagot ko.

Sabado ngayon at ngayong araw 'yung sinasabi nyang family dinner nila. Hindi na rin ako umangal dahil ngayon lang naman kami mag papanggap dahil pagkatapos rin ng dinner na 'to ay luluwas ang parent nya papuntang ibang bansa. Kaya isang beses lang.

"Omo! Is it a blind date?"

Tumango lang ako sa tanong nya at parang kinilig naman si Mommy sa nalaman. Agad rin napalitan ang reaksyon ni Mommy, ang kaninang masaya napalitan ng lumbay kaya taka ko syang tinignan.

"Ba't ganyan ang hitsura mo Mom?"

"Kasi.. kung nakikipag date kana, pano na kayo ni Looter?" Nagulat ako sa tanong nya.

Oo. Gusto nya si Looter para sa'kin. Ang sabi kasi ni Mommy fit na fit raw kami kaya napapatungo na lang ako sa tuwing tutuksuin nila ko ni Ate Zim patungkol sa aming dalawa ni Looter.

"Mom, friendly date lang naman 'to." Sabi ko dahilan ng pagliwanag ng mukha nya.

"For real? Hihihihi.." bungisngis ni Mommy.

"Basta mag iingat ka Timber," paalala ni Mommy.

"Opo."

Matapos makapag ayos ay tumayo nako at naglakad palabas ngunit napahinto ako ng masalubong ko si Ate Zim, napangiti ito ng makita ang ayos ko.

"Ang ganda natin ah.. san punta?" Tanong nya.

"Date."

"I see,"

Inantay ko pa kung may sa sabihin pa sya pero mukhang wala na kaya nag paalam nako sa kanya na aalis na at hindi naman nya ko pinigilan.

Nag aantay ako ngayon sa tapat ng gate namin. Tinignan ko pa sa wrist watch ko kung anong oras na.

5:50 pm

Asan na kaya ang lalaking 'yon? Sabi nya 5: 30 nandito na raw sya! Binigay ko naman sa kanya ang address ko bakit wala pa sya!

Pag ten minutes wala pa sya tutulugan ko talaga sya. Five minutes pa ang lumipas bago sya dumating. Inirapan ko sya ng huminto ito sa harapan ko at dahan dahan binaba ang bintana ng sasakyan.

"Sakay ka."

Tamad na tamad akong nag lakad papuntang backseat at no'ng pagbukas ko ng pinto ay nag salita ito ng ikinasimangot ko.

"Wag ka dyan maupo. Magmumukha akong driver nyan."

Inirapan ko ulit sya. Bakit ba napaka gentleman nya? Naglakad ako papunta sa pintuan ng passenger seat, mabilis ko binuksan 'yon at no'ng makasakay sa loob ay malakas ko itong sinara.

Nginisian ako nito bago ulit sya nagmaneho. Tumingin na lang ako sa labas sa pagitan nitong bintana ng sasakyan.

"Alam mo naman siguro 'yung mga sasabihin mo di'ba?" Anito habang nagmamaneho.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon