Chapter 57

41 4 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 57: Love Me Back

Stefan

December 20, 2020

BRIZSK!! BRIZSK!! BRIZSK!!

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa pants ko kaya napatigil ako sa pag-aayos sa sarili at kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng pants ko. Nakita kong tumatawag si Elemra kaya sinagot ko ito.

"Hey,"

["Stefan punta ka a,"]

"Nag re-ready na nga ako e,"

["Nice! Kita kits na lang."]

"Gege.."

["Sige na yun lang tatawagan ko pa yung iba,"]

"Saglit lang Elemra!"

["Bakit?"]

"Si T-Tim pupunta ba?"

Saglit na natahimik si Elemra.

["Uyyyyyyyy.. hinahanap nya si Tim.."]

"Ano nga?"

["Hindi ko alam, pero hayaan mo tatawagan ko sya para papuntahin rin."]

"Hindi kahit wag na."

["Sus nagpakipot kapa alam ko naman na pupunta ka dahil sa may chance na pumunta sya."]

"Hindi dahil sa kanya kaya ako pupunta."

["Oo na, oo na, sige na ibaba kona 'to."]

"Ge,"

TOOT!! TOOT!! TOOT!!

Napatingin pa ako sa phone ko bago ko ito ibinalik sa bulsa ko.

Naisip ko tuloy si Tim.. pupunta kaya sya?

Aish!! Ano bang pakialam ko? Ba't ba lagi akong ganto?? Gulong-gulo na ako, parang pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko na wala na dapat akong pakialam sa kanya dahil tinapos kona ang lahat sa amin. Tinapos kona rin ang ugnayan naming dalawa pero nasabi ko man ang lahat ng iyon sa kanya alam ko sa sarili ko na hindi ko gustong gawin iyon, pero kailangan. Ayukong ipakitang talunan ako sa kanila, tama na yung sakit na idinulot sa akin ni Tim. Tama na.

Parang kahapon lang ang lakas pa ng loob ko na handa ako sumugal kahit pa masaktan ako pero ngayon nanghihina na ako, parang hindi kona kaya dahil nakakamatay yung sakit. Pakiramdam ko solid pa sa solid yung sakit. Para akong pinupunit at nagkapiraso-raso dahil sa ginawa nya.

Ang sakit lang kasi nasasaktan akong nakikita syang nagkakaganun ngayon. God knows how much i miss her.. gusto kong lapitan sya at sabihin na nandito lang ako, gusto kong palakasin ang loob nya sa tuwing nawawalan na sya ng pagasa pero marami man akong balak sa kanya hindi na pwede. Natatakot na akong sumugal. Natatakot na akong hindi mahalin. Natatakot na ako sa mga pwede pang mangyari.

Mahirap man pero ayon ang sa tingin ko ang dapat kong gawin. Ang layuan sya at iwasan.

Nalaman ko na wala na sila ng Looter na 'yon hindi ko alam kung ano yung dahilan o kung ano yung nangyari pero isa lang ang natitiyak ko.

Sinaktan nya si Tim..

Sinabi sa akin ni Tim na totoo ang sinabi ko na sasaktan lang sya ng lalaking 'yon. Ibig sabihin lang nun na niloko sya ng gago na 'yon, pero naghiwalay man sila hindi ko pa rin magawang magsaya, natatakot kasi ako na mapamahal ulit. Natatakot ako na baka hindi masuklian.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon