Chapter 23

48 4 1
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 23: Lucky Nine

Timber


Kasalukuyang nasa kotse kami ni Roshiro. Nasa passenger seat si Stefan at nasa backseat naman kaming tatlo nila Akira at Louton. Sinusundan ni Roshiro ang Motor ni Endymion dahil sa hindi naman alam ni Roshiro ang bahay ni Elemra. Ito rin ang unang beses na makakapunta kami sa bahay nya.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina! Yung pangyayaring pinahawak nya sa akin ang pagkalalaki nya! Hindi ko sya masyadong tinitignan dahil sa tuwing naiisip ko yung nangyari ay nakakaramdam ako ng hiya.

Lalo na nung sinabi nyang Jack-off! May ideya na ako kung ano yung ibig nyang sabihin kaya lang ayukong paniwalaan na ginawa nga ng baliw ang sinabi nya!

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa nai-imagine ko ang bagay na 'yon na hindi naman dapat! Parang nakakalimutan kong babae ako dahil sa mga naiisip ko!

"Lalim ng iniisip 'te! Parang ikaw yung namatayan ah!" Pangangasar ni Louton na inirapan ko lang.

"Nagaway siguro sila ng manliligaw nya, kasi kanina pa sya tinatawag ni Stefan pero hindi nya kinikibo." pag-epal ni Akira.

Parehong inirapan ko ang dalawa saka ibinalik ang tingin sa bintana ng sasakyan. Tinitignan ko na lang ang dinadaanan ng sasakyang sinasakyan namin.

"Ano ba kasi ang ginawa mo Stefan? Hindi ka nagpayakap 'no? o baka naman kiniss ka nya tapos hindi ka nagchokchok haahha!" Natatawang si Louton.

"Hahahaha! Hindi ko ma-imagine na gano'n si Tim," tumatawang si Akira.

"Tigilan nyo ko Aki," may banta sa boses ko.

"Haluh! Ba't ako? Itong si baklang Louton ang nangaano sa'yo, bakit ako?" Tanong ni Akira na itinuro pa ang sarili.

"Wag nyong iniinis yung future misis ko," biglang singit ni Stefan kaya nag hiyawan ang mga baliw at sila ang nakaramdam ng kilig para sa akin.

"Sanaol!!! Perfect yan 'te! Mukhang magaling si Stefan sumayaw sa kama!" Walang pakundangan na si Louton.

Siniko ko sya dahil sa sinabi nya. Heto na naman ang sa pagi-imagine ko. Buiset! Hindi na ako natutuwa parang naaaning na ako sa mga naiisip ko!

"Ang bastos mo bakla!" Singhal ni Akira sa kanya.

"Anong bastos don? Ang grin minded mo!"

Muli akong napairap dahil sa bangayan na naman nila napatingin ako kay Stefan na parang bata na nakalingon sa amin habang nakangiti. Kahit nasa ganyang posisyon si Stefan ang gwapo nito.

"Krass ko pa naman si Stefan! Lahat na lang nae-eksenahan sa'kin! Imberna!" Baklang baklang sabi ni Louton.

"Kaya nga! Pero hihihi! May Roshiro pa naman." Kinikilig na si Akira.

"Hahahaha." Banayad na tumawa si Roshiro.

--

Bumaba na kami sa sasakyan ni Roshiro at bumungad sa akin ang gate na gawa sa kahoy. May bakuran sila at isang simpleng bahay na yari sa kahoy. Hindi naman masama ang hitsura ng bahay nila pero sa nakikita ko ngayon masasabi kong kaya siguro ganoon ang trabaho ni Elemra dati ay dahil sa kahirapan.

Pero bakit hindi na lang sya naghanap ng matinong trabaho kesa sa gano'n? Marami naman sigurong trabahon pwedeng pasukan pero bakit mas pinili nya 'yon? Mas gusto nya ba yung easy money?

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon