Chapter 31

43 4 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 31: Evil Smirk

Timber

Ala's siete na ng makauwi ako sa bahay, gusto pa sanang mag paalam ni Stefan sa parents ko kaya lang bawal sa takot ko na malaman ni Daddy ang tungkol kay Stefan. Paniguradong ipagtutulakan nya ako kay Roshiro dahil ayon ang gusto nya.

Kung bakit ba naman kasi nakatulog ako ng matagal sa kwarto ni Stefan. Hindi nya ko ginising kaya ginabi talaga ako ng uwi.

"Saan ka galing?" Seryosong tanong sa akin ni Dad.

Kinabahan ako sa paraan ng pagsasalita nya alam ko ng hindi maganda ang patutunguhan ng paguusap namin ito. Kahit naman anong sabihin ko gano'n at gano'n pa rin.

Magagalit pa rin sya...

"Nakipag libing po.." napapayuko kong sagot.

Sana lang hindi tumaas ang dugo sa akin ni Dad. Kahit naman ganyan sya sa akin ayuko pa rin na sumasakit ang ulo nya lalo na kapag ako ang dahilan.

"Anong oras yung libing at bakit ginabi ka?" Tanong pa sa akin ni Dad.

"Hapon po.. nag stay pa po kasi ako sa bahay ng kaibigan ko.." dahilan ko.

Nagtataka ako kasi wala namang pakialam sa akin si Daddy kahit saan ako magpunta. Bihira lang ako pansinin nito kung papansinin man ako mali ko yung sasabihin nya. Dahil siguro sa kasal ko kaya iniingatan nya ako.

"Nandoon ba si Roshiro?" Tanong pa ni Dad.

Mukhang tama nga ang nasa isip ko na si Roshiro lang ang lalaking gusto nya na makasama ko.

"Opo.."

"Mabuti kung gano'n.. kung may iba ka pang nilalandi itigil mo na yan. Tandaan mo yung sinabi ko Tim na kailangan mong makuha ang loob ni Roshiro kahit na anong mangyari." Mahabang lintanya ni Daddy.

Hindi ako sumagot. Kahit naman kasi ganito sila sa akin gusto ko pa rin maging totoo pero sadyang mapipilitan ako mag sinungaling sa kanila kung ipipilit nila sa akin ang gusto nila.

"Nagkakaintindihan ba tayo Tim?" Tanong ni Dad kaya nagitla ako.

"O-opo.."

Nagtungo nako ng kwarto ko matapos makipag-usap kay Dad. Hindi ko alam kung ano yung mangyayari sa gusto ni Dad dahil kung alam lang nya na wala talaga akong ginagawa para sundin ang gusto nya.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na malabo kaming ikasal ni Roshiro.

Nagpahinga lang ako saglit bago ako maligo pagtapos kong maligo nag blower ako ng buhok para makatulog na ulit. Wala naman kasi akong ibang gagawin bukod sa mag-aral. Wala namang takdang aralin ngayon kaya mas maganda ng magbawi ako ng tulog.

Hindi pa man ako natatapos sa pag blower ng buhok ko ng pumasok si Kuya Zain ng kwarto ko. Nakangiti ito at otomatikong napangiti ako ng makita ko si Kuya. Si kuya ang pinaka close ko dahil bago pa man kami maging close ni Zim ay hindi muna kami okay.

Actually sya lang, sa akin kasi wala lang yun pero sya grabe.. galit na galit sa akin si Ate Zim dati.

"Kamusta?" Tanong nya saka naupo sa kama ko.

Si Mommy si Ate Zim ang favorite, si Daddy naman ay si Kuya ang gusto. Ang sabi nila kapag bunsong anak ay paborito, no. Hindi ako naniniwala don dahil hindi ko maramdaman sa iba 'yon. Pero iba si Kuya Zain.

Sya lang siguro yung may gusto sa akin.

Kaya kulang ang pasasalamat ko sa kanya dahil pinaramdam nya sa akin na hindi ako iba sa kanila. Sa kanya ko talaga na-feel yung tunay na kapatid. Ang kaso nag asawa na si Kuya kaya madalang na lang sya pumunta dito sa bahay. Isa pa busy sya sa negosyo.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon