Chapter 52

56 7 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 52: Rain

Timber

Hanggang sa room hindi na nawala sa isip ko si Stefan. Ano bang problema ko? Bakit ako napapaisip ng ganito? Kahit pa nagkataon lang na pareho sila ng sinabi ni Looter pero bakit ganito? Pakiramdam ko pahiwatig 'yon na pinapaalala sa akin si Stefan.

Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na namimiss ko sya. Ang mga salita nya at mga panunukso nya sa akin. But it's too late na para magsisi ako sa naging desisyon ko, ito ang pinili ko kaya natural lang na may malaking pagbabago sa pagitan naming dalawa at isa pa kami na ni Looter kaya pahalagahan kona. At kung maari pagtuunan ko ng pansin.

Hindi na rin masyadong kinakausap nila Louton si Stefan. Hindi ako sigurado kung naguusap ba sila pero hindi ko pa nakikita. Ano bang malay ko? Hindi naman kami laging magkakasama. Masasabi kong naging cold si Stefan o baka sa akin lang sya naging cold. Ayukong ganoon na sya sa akin pero hindi ko makwestiyon, wala akong karapatan.

"Girl! Ang bilis ng panahon malapit na palang mag pasko! Sali kayo sa pa christmas party ni Endymion ah! Kayo ni Looter." Sabi ni Louton habang nakaturo pa ang hintuturo sa akin.

"Pwedeng sumali?" Tanong ni Pike pero walang bumaling sa kanya ng tingin.

"Grabe ang bilis ng panahon! Malapit lapit na tayong mag graduate bakla!" Masayang si Akira.

"Korek!! At hindi mo deserve kung makaka-graduate ka man!" Pangangasar ni Louton na sinimangutan ni Akira.

"Ikaw bakla ah! Namumuro kana sa 'kin!" Bakas ang pagkapikon sa bose's nya.

"Charing lang gaga! 'To naman hindi mabiro!" Kinumpas pa ni Louton ang kamay sa harap ni Akira.

Napairap naman ako. Hanggang sa kahuli-hulihang taon namin as a high school student ganoon pa rin silang dalawa. Walang pinagbago.

"Huhuhu! Sanaoll kasama ang jowa sumalubong sa bagong taon!" Si Akira.

"Kaya nga! Yung tipong makikisabay rin sa putukan!" sabi naman ni Louton.

Nasamid ako sa sariling laway. Biglang pumasok sa isip ko ang gabi kung saan ko ibinigay ang bataan ko kay Stefan. Hindi ko makakalimutan ang gabi na pinagsaluhan namin ang isa't isa at pinagisa pa namin ang mga katawan.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang karanasan kong 'yon. Parang nakatatak na iyon sa aking isipan na malabo ko ng makalimutan. Aminadong masarap sa pakiramdam at hindi ko alam pero hinahanap-hanap ko ang ganoong pakiramdam. Sa t'wing naiisip ko kung paano nya kinain ang sa akin, nahihigit ko ang paghinga ko dahil pakiramdam ko nararamdaman ko pa rin ang init ng kanyang dila.

Isa pa yung pagpapaligaya ko sa kanya. Totoong mabango at presko ang pagkalalaki nya. Hindi ko nga alam kung anong espirito ang sumapi sa akin at ginawa ko ang ganoong bagay. Mas lalo pa akong na-enganyo no'n ng marinig ko ang ungol nya kaya mas lalo kong ginalingan!

"Ba't namumula ka Tim?" Napatingin ako sa nag tanong na si Akira.

Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko mapanuri ang mga tingin nila. Natatakot rin ako na baka mahalata nila ako sa pamamagitan ng mata ko. Hindi na ako yung dating Tim na kalmado at magaling magtago rito.

"W-wala.."

"Hmmmm.. nako.. nako.. nako.. wag naman sanang na-hit ang jackpot HAHAHA!" tawa pa ni Louton.

Pumasok na ang Lecturer kaya napunta ang tingin sa harapan. Parang laking pasalamat ko kasi naka ligtas ako sa mga tingin nila. Ramdam kong nakatingin sa akin si Pike, lagi naman talaga syang nakatingin hindi ko lang pinapansin.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon