Chapter 32

38 4 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 32: Danger

Elemra

Palaisipan talaga sa akin ang lalaking 'yon. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na sya 'yon. Pero ano naman ang kailangan nya kay Tim? Bakit sya ganoon kung makatingin?

"Anong iniisip mo?" Tanong sa akin ni Endymion ng mapansin na hindi ako umiimik.

"May napapansin kasi ako kaya lang hindi ako sigurado.." sagot ko rito.

"Ano naman 'yon?" Tanong pa nito.

"Hindi ako sigurado pero may lalaking nakatingin kay Tim sa malayo.. hindi ako sigurado kung si Tim ba talaga ang tinitignan nya." Seryosong sabi ko pero ngumiti lang ito.

Inakbayan nya ako. Alam ko naman hindi sya maniniwala sa sinabi ko dahil masyadong malabo at hindi ako sigurado.

"Wag mo ng masyadong isipin 'yon.. alam kong nasasaktan kapa rin sa pagkawala ng Lola mo.. nandito lang ako Elemra.." seryosong sabi nya.

Hindi ko alam pero gusto kong mag arko ang kilay ko dahil sa narinig. Hindi nya ako maintindihan.

Hindi ko na lang masyadong inisip 'yon ay nakinig na lang ako sa Lec.

Discuss.

Discuss.

- B R E A K T I M E -

Halos isang linggo rin akong nawala kaya medyo na-miss ko mag break kasama sila. Nung lumapit kami kanila Akira nakangiti ang mga ito sa amin.

"Okay kana ba talaga?" Alalang tanong ni Akira.

"Okay naman na.."

"Basta kung kailangan mo ng tulong wag kang mahihiyang lumapit sa 'kin 'te!" Sabi ni Louton sa akin dahilan para mapangiti ako.

Bukod kanila Jetra at Pintha isa sila sa mga tinuturi kong tunay na kaibigan. Unang araw na pagpasok ko pa lang sa school na 'to hindi nila pinadama sa akin na hindi ako iba sa kanila.

Pagdating namim sa third floor nadatnan namin si Stefan na parang may inaantay. Napangiti ito ng makita kami. Humakbang kami pababa palapit sa kanya.

"Kamusta Elemra? Okay kana ba?" Tanong sa akin ni Stefan.

"Oo, maayos naman na."

"Mabuti naman."

"May inaantay kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Kayo talaga inaantay ko." Nakangiting si Stefan.

"Sa amin na sya sumasabay Elemra puwera na lang tuwing second break dahil nagsosolo ang dalawa." Paliwanag ni Louton.

Napatango-tango naman ako kasi wala namang kaso sa akin ang sumabay sya sa amin. Hindi na rin naman na sumasama sa amin si Looter kaya walang away ang magaganap.

"Sige. Tara na." Sabi ko.

Nauuna kaming maglakad ni Endymion at pareho naming binabati ang mga studyanteng humahanga sa amin. Nung una naiilang ako dahil nga sa nangyari nung birthday ni Endymion pero ngayon ay maayos na ang lahat.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon