Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 39: Celebration
Timber
Talaga namang bawal ang nasa isip ko dahil sa pinsan nya pala ang gusto nya. Naiintindihan kona, hirap kasing kalimutan ang naunang minahal at ramdam ko 'yon. Yung tipong ang dami ng nangyari sa iyo pero yung nararamdaman mo para sa tao na 'yon hindi pa rin nagbabago.
Kaya siguro hindi na rin nag girlfriend si Stefan dahil sa nauna nitong mahal. Pero ano namang meron sa akin? Kung hindi ako nagkakamali kabaliktaran ko ang babaeng 'yon.
"Ano namang nagustuhan mo sa 'kin?"
"Tama na kakatanong naka lima kana." Natatawa nitong sambit.
Inis ako napatingin sa harapan. Gusto ko pa sana magtanong kaya lang may limit. Ang daming alam mamatay naman rin, medyo naghahari na ang kadiliman.
Mula rito tanaw namim ang liwanag na dala ng city. Hindi ko maiwasang hindi maging ignorante. Kahit papaano may nagagawa rin palang maganda ang mga tao. Hindi nakatali ang buhok ko kaya medyo tinatangay ito. Gusto ko na ngang itali e, kaya lang wala naman akonb dala.
"Bakit dito mo ko dinala?" Tanong ko sa kanya.
"Bata pa kasi ako nung huli kong punta rito. Bigla ko na lang naisip kanina ang lugar na 'to kaya dinala kita rito." Sagot nito habang sa harap ang tingin.
"Ano namang meron dito?"
"Tignan mo yung mga ilaw sa city."
Napatingin ako sa harapan. Halos tuldok na ang mga ilaw na nagmumula sa iba't ibang gusali.
"Anong meron?"
"Para silang mga bituin."
Pinakatitigan ko ang sinasabi nya. Hindi ko naisip na parang bituin ang mga 'to.
"Mga imagination mo e 'no" sabi ko na lamang.
"Ang sarap kaya sa eyes.."
"Anong masarap dyan?"
"Tch! Sinisira mo yung moment e! Nagiging romantic na nga binabasag mo pa! Nawawala tuloy ako sa linya!" Maktol nito na nakakunot noo.
May pa-ganyan pa syang nalalaman. Anong akala nya nasa movie o serye kami? Kung itulak ko kaya sya dyan para maging horror.
"Dami mong alam."
"Psh.. makisama kana lang."
"Ang baduy ayuko. Hindi ko trip yang trip mo."
"Kahit sana nagpanggap kana lang, kahit kailan ka talaga pakipot."
"Suntok ayaw mo?"
"Ang sadista nito! Huy! Baka nakakalimutan mong niligtas ka namin kaya medyo masakit pa ang katawan ko tapos papasaan mo lang. Ganyan kaba talaga umasta sa taong tumulong sa 'yo?" Mahabang lintaya nito.
Ang daming sinabi tinanong ko lang naman.
"Oo nga pala, gusto kang ma-meet ni kuya.." sabi ko dito dahilan para matigilan ang baliw.
![](https://img.wattpad.com/cover/233783128-288-k113200.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Teen FictionSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...