Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 26: Baby
Timber
"Napapadalas yata na napapagabi ka ng uwi? May iba kang pinupuntahan Tim?" Tanong sa akin ni Mommy sa kalagitnaan ng pagkain.
"Ahh, pumupunta po ako sa burol ng classmate ko." Nakangiti kong sagot.
"Buong klase kayo?" Tanong ni Zim bago kumagat ng tinapay.
"Hindi. Kami kami lang ng mga close friend ko." Sagot ko naman sa kanya.
"I see, nagta-taxi ka lang pauwi? Kahapon nakita kitang bumaba sa taxi at katulad nung nakaraan ginabi ka rin." Sabi ni Mommy.
Paanong hindi ako gagabihin, ito kasing si Stefan more talk more fun, ako naman 'tong si listening more talking less, maliban na lang kung kailangan kong habaan ang sasabihin ko.
Pero dito sa bahay, kailangan ko talagang ipakitang okay lang ako. Para kasi sa akin okay lang ako kahit hindi ako okay.
Nagta-taxi lang kami ni Stefan dahil sasakyan nga ni Roshiro ang gamit namin. Ginagamit kasi ng kapatid nyang si Dawn ang sasakyan nya kaya wala syang magawa kundi ang mag commute. Parehong ayaw namin na mapagod pa si Roshiro dahil lang sa ihahatid kami kaya ang ginagawa namin bumubukod kami at nag ta-taxi.
"Opo," sagot ko.
"Mag-iingat ka Tim baka mapahamak ka dahil sa late ka ng umuuwi." Ani Mommy.
Hindi ako sure kung nag-aalala ba talaga sa akin si Mom pero samalat na rin dahil sa pagpapaalala nya. Hindi naman mahigpit sa akin si Mommy dahil mailap lang ako nito pagbawalan. Kaya pwede pa rin akong umuwi kahit na kailan kong gustuhin.
Matapos mag agahan nag pahatid na ako kay Manong Driver sa School. Saktong pagbaba ko ng sasakyan ay kakababa lang rin ni Looter. Kung may pagkakataon lang ako na bumalik sa loob ng sasakyan ay gagawin ko kaya lang huli na dahil napatingin sya sa gawi ko.
Hindi na ako nakapag-paalam kay Manong Driver hanggang sa maka-alis ito. Matuwid ang tayo ko ng maglakad si Looter papalapit dito sa kinatatayuan ko ngayon.
Ginapangan ako ng kaba at heto na naman yung pagkabog na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago. Katulad pa rin ng dati! Fuck!! Parang lumalambot ang puso ko at nahuhulog na naman ako sa kanya.
Ilang beses na ba akong nahulog sa lalaking 'to!?
"Good Morning!" Nakangiting bati nya.
Panandaliang nawala ang mga hinanakit ko sa kanya dahil sa ngiti nya. Parang napawi lahat ng sakit at pighati na naramdaman ko sa kanya. Ganito ba talaga ang dapat kong maramdaman? Dapat bang magkagulo ang sistema ko ng ganito?
"G-good Morning.." mahinang bati ko.
Parang walang nangyari sa amin. Ako lang yata yung apektado sa mga nangyari o baka namab nagpapanggap lang si Looter na akala mo walang nangyari? Pero wala akong nakikitaan ng pag-arte, pakiramdam ko purong natural ang lahat ng kilos at mga sinasabi nya.
Delikado ako! Mamaya mapaniwala na naman ako!
"Tara, sabay na tayo.." anyaya sa akin nito.
Sabay kaming naglakad papunta sa building namin at maraming napapatingin sa aming dalawa at usap-usapan kami sa paligid.
"Kamusta? Okay kana ba? Mahal mo na ba ang lalaking 'yon?" Seryosong sabi nito.
Nagtatambol ang puso ko sa narinig! Tinatanong nya ako kung ayos lang ako! Inaalala nya ba ako? Tapos tinatanong nya pa kung mahal ko na raw si Stefan? Ano naman kaya sa kanya kung ano na yung nararamdaman ko kay Stefan?
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Teen FictionSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...