Chapter 55

38 5 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 55: Forgive

Timber

Ilang araw ang lumipas matapos akong hiwalayan ni Looter, talagang nabigla ang lahat dahil sa isang iglap napalitan na agad ang puwesto ko ni Jamela. Kahit sila Elemra nagulat rin at puro sila tanong pero ako naman 'tong si hindi sumasagot. Kahit ang fandom namin ni Looter nabuwag dahil sa balitang hiwalay na kami. Wala naman akong pakialam sa lahat dahil ang lahat sa akin ay si Looter.

Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko yung sa amin, na wala ng kami na panandalian lang ang lahat. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa kabila ng ginawa ni Looter sa akin ay hindi ko magawang magalit, nilalamon lang ako ng lungkot at pighati. Bakit kasi hindi kona lang tuluyang tanggapin na hindi talaga kami ang para sa isa't isa? Na hindi talaga ako yung babaeng gugustuhin nya. Pero anong ibig sabihin ng lahat ng pinakita nya? Tang inaa!!

Iniisip siguro ng iba na naging panakip butas ako. Napaisip na rin ako tungkol sa mga naririnig ko. Siguro nga ginamit lang ako ni Looter.. hindi man ako galit sa kanya pero ayaw kona syang makita. Ayuko na rin syang kausapin. Ayuko na syang makasama pa. Kapag kasi nasa paligid lang sya sobrang naninikip ang dibdib ko dahil sa ginawa nya. Kahit naman na mahal ko sya nakakaramdam rin ako ng pagod. Hindi na ako umaasa ngayon, at sa tagal tagal parang ngayon lang rin ako nagising na hindi kona sya kailangan.

Kung ganoon sya sa akin dapat ganoon na rin ako sa kanya.

Simula ngayon Timber..

Ititigil mona ang nararamdaman mo para sa kanya..

Kakalimutan mo na si Looter...

"Huy! Ano te!? Hindi mauubos yang pagkain mo sa kakatitig mo!" Bulyaw sa akin ni Louton.

"Ang ingay mo." Inirapan ko ito.

"Bakla ka! Kita mo na ngang broken ang tao e tapos ginaganyan mo pa. Wala yata sa mood para kumain ngayon si Tim," ani Akira.

"So ano? Hindi na sya kakain dahil sa sinabi mo? Saka mukha naman syang hindi broken ganoon pa rin naman yung Timber na kasama natin. Anong broken? Hindi ako sure!" ani Louton.

Parehong inirapan ko ang dalawa. Kailan ba ako masasanay sa kaingayan nila. Nakakasawa rin umawat sa dalawang 'to dahil hindi naman sila nakikinig.

"Tumigil na kayong dalawa. Hayaan na lang muna natin si Tim, hayaan muna natin siya makapag isip isip, sa ngayon kailangan muna nya ng peace of mind." Singit ni Elemra.

Napatingin ako kay Elemra at sa mga tinginan nito ay sinasabi nya na nandito lang sya na magiging okay rin ang lahat.

"Cheer up Tim! Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako." Sabi ni Roshiro.

"Gago rin kasi si Looter, napakagago talaga." si Endymion na nanatiling sa pagkain ang tingin.

Napakagago ng kung iisipin ni Looter, isa syang malaking pasakit para sa akin. Yung tipong sobrang sakit ng ginawa nya sa akin pero para sa kanya ay wala lang. Nakakaulol lang.

Katulad nga ng sinabi ni Louton ay parang wala namang nangyari sa akin kung titignan mo pero deep inside durog na durog ako, dito naman kasi ako magaling e sa pagtatago ng tunay na nararamdaman.

"E kung si Stefan na lang sana.. wala sana ganyang eksena." May pagkasarkastiko ang tono ni Louton.

Pakiramdam ko nangaasar pa sya, imbis na damayan nila ako sa problema ko pinapamukha pa sa akin ng mga 'to kung ano yung katangahan na ginawa ko. I realized na napaka tanga ko para sa lalaking katulad ni Looter, hindi naman ako gano'n kabobo para maunawaan pa kung bakit ginanito ako ni Looter.. ako na siguro ang pinaka bobong tao sa mundo kung palalagpasin ko pa 'tong ginawa nya at buong puso ko pang tatanggapin sya.

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon