Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 59: True Story
Roshiro
Hindi ko inaasahang dito sila gigimik. Talagang nabigla ako ng makita ko si Timber, tignan mo nga naman ang pagkakataon. Huling huli kami nitong si Jamela kaya sa tingin ko wala na rin kaming lusot, ang inaano ko lang baka magbago ang tingin sa akin ng iba.
"What the fuck is this?!!" Bakas ang galit sa tanong ni Looter.
Naglakad palapit sa akin si Tim.
I feel sorry for Looter. Hindi ko naman talagang gusto sirain ang relasyon nila nitong si Jamela. All i need is her, wala akong intensyon sa namamagitan sa kanila. This is my plan, si Jamela ang dahilan kung bakit ako nag transfer sa School na 'yon, para hanapin ang Ex-girlfriend ng Ex-Bestfriend ko. Hindi naman ako masyadong nahirapan na hanapin si Jamela dahil bukod sa alam ko ang whole name nya ay malapit sya sa mga nakapaligid sa akin.
Paglapit sa akin ni Jamela ikinawit nya ang braso nya sa braso ko. Gusto ko sanang tanggalin kaya lang hindi na ako naka-angal ng maramdam kong napakahigpit ng pagkakakapit tila humihingi ito ng lakas ng loob sa akin.
"Wag ka ngang OA Looter!" Tumirik pa ang mata ni Jamela.
"Bro, ano 'to?" Tanong sa akin ni Looter.
Parang maluluha na ito.
Hindi ako nakapag salita. Mag kaibigan kami ni Looter at ang panget nitong ginawa ko sa relasyon nila para lang sa plano kong makabawi sa bestfriend ko. Hindi na lang ako sumagot at iniiwas ko ang paningin ko sa kanya.
"Obvious ba? Lumabas kami!" Jamela.
"Bakit?" Tanong ni Looter sa kawalan animong naguguluhan sa mga nangyayari.
Miski si Tim na ngayon ay nakikinig ay hindi alam kung ano ang gagawin. Pareho silang nagulantang at hindi na ako magtataka kung maninibago sila sa 'kin.
"Anong bakit? Tingin mo talaga seseryosohin kita??! After ng ginawa mo sa past relationship ko?!! Inisip mo ba talagang may pagasa kapa sa 'kin??! Well ngayon sasabihin kona sa 'yo ang totoo! Hindi talaga kita minahal at alam mo naman siguro 'yon. Balak ko talagang saktan ka katulad ng ginawa mo sa amin ni Datch! Pinaghiwalay mo kaming gago ka!!" Sigaw ni Jamela.
Hindi na napigilan ni Looter ang hindi lumuha at nakita kong napaluha rin si Tim at mayamaya lang napasabunot sa sariling buhok si Looter.
"Ja-Jamela?"
Nanlaki ang mata ko ng mapatingin sa gilid nitong gusali kung saan nang-galing ang pamilyar na boses.
I knew it!!
"D-Datch?"
Naglakad palapit sa amin si Datch kasama si Emralyn.
"Ro-Roshiro.." ani Emralyn na akala mo nahihiya sa akin.
Parehong makapal ang mukha nila. Siya ang dati kong nililigawan na si Emralyn Amandez, halos iginugol ko sa kanya ang buong oras ko, dalawang taon ko syang niligawan at ang lahat ng effort ko napunta sa wala ng malaman ko ang totoo.
Sila na pala ng Bestfriend kong si Datch. Nito ko lang nalaman at biruin mo Anniversary nila ngayon, ilang buwan, araw, sila sa aking nakapag-tago. Pakiramdam ko niloko ako. Ang sakit. Kasi pwede namang magsabi sa akin si Emralyn. Pwede naman nyang sabihin.. hindi ko naman sya pipigilan kung duon sya masaya. Ang sa akin magsabi sya hindi yung ako pa mismo ang makakaalam ng mga kaloka nila.
Binalot ako ng galit lalo na malaman kong tinalo ako ni Datch. Ang gago na yan! Masyadong peke! Sya yung tropa na akala mo support sa inyo pero pasimleng daot rin.
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Teen FictionSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...