Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 40: Promise
Timber
Nadaanan pa namin ang kwarto ni Stefan bago kami pumasok sa pintuan na puti at may nakasulat na 'Dawn' sa harap ng pinto nya.
Pagpasok sa loob at halos lumuwa ang mata ko sa nakita. Puro litrato ng iba't ibang lalaki na ang tanging suot ay underwear. Kakaiba ang disenyo ng kwarto nya dahil puro lalaking nakahubad ang makikita mo sa dingding.
Hanggang sa makapasok ako sa loob ay hindi ko maiwasan igala ang paningin ko. Napatingin ako kay Dawn na naglagay ng mesa sa gilid ng kama saka inilagay duon ang bucket na kinuha.
"Upo ka muna, kuha lang ako ng baso." Sabi nito saka lumabas ng kwarto.
Wala na akong nagawa kundi ang maupo at muling pagmasdan ang paligid. Minsan, makikita mo kung anong klase ang isang tao base sa pagkaka-ayos ng kwarto nito. At sa nakikita ko hindi ko gusto kung ano ba sya.
Ano bang malay ko.
Hindi naman nagtagal si Dawn at nagsimula na nga kaming mag-inuman. Natuto akong uminom ng alak nung hiniwalayan ako ni Looter dati kasi ang sabi ng iba makakalimutan mo raw ng panandalian ang sakit sa pamamagitan ng alak.
Pero mas masakit pala kapag nakainom kana. Dito ka kasi magkakaron ng lakas ng loob para sabihin mo yung mga bagay na hindi mo kayang bigkasin. Kaya habang nagsasalita ka dama mo yung sakit at kabiguan.
Pero dati na 'yon. Iba na ang sitwasyon ngayon.
"Datch is not my Boyfriend." Biglang open nito.
Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko naman alam kung paano mag approach sa iba, pero sa totoo lang gusto kong matutunan makipag close.
Nag open na naman si Dawn ng hindi ko na naman tinatanong. Ano bang pakialam ko sa buhay nya? Baka gusto nya rin sabihin kung anong kulay ng panty na suot nya?
"Pero I ask him for sex.."
Nanlaki ang mata ko sa narinig at hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Like! What the fuck! She ask him for sex? Nasaan ba ang utak nya? Talaga bang ganito sya? Isa pa hindi nya ito boyfriend for pete sake!
"Hindi ko alam kung anong trip mo pero pwede bang sarilinin mo na lang?" Tanong ko dito.
Hindi ko makayanan dahil hindi ko maisip kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob? Maybe kiss maiintindihan ko pa pero yung sex na sinasabi nya hindi ko gets. If I'm not mistaken she's only third year kaya masyado pa syang bata para sa ganoon.
"Ang boring kase e, hayaan mo na lang ako magkwento pwede?"
"Bahala ka." Nagsalin ako ng alak sa shot glass ko saka inisahang lagok iyon.
"Hindi kasi ako makuntento sa isa saka sayang ang ganda ko para sa iisang lalaki.." ngitingngiti si Dawn habang sinasabi yan.
Hindi sya kuntento kase hindi nya pa nahahanap yung sa kanya. Sigurado ako na kapag nahanap nya yung sa tingin nya ay para sa kanya mababago ang pananaw nito.
"Ikaw? Ilang ex meron ka?" Tanong nya sa akin.
"Wala."
"First love?"
"Meron."
"Sino?"
"Ayukong sabihin.."
"Ang dami mo ring alam e 'no?"
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Ficção AdolescenteSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...