Chapter 1

147 4 0
                                    

Love Me Back written by Chologsabogsa

Chapter 1: Condition

Timber

"Uyy.. wala ba talaga kayong balak ni Looter?" Tanong ni Akira.

Kaharap na upuan ko lang sila ni Louton. Bakit parang mas sabik na sabik pa sila kesa sa'kin? Gustuhin ko man pero ano'ng magagawa ko kung ayaw akong ligawan ng tao? Ako manliligaw gano'n?

"Wala." Maikling sagot ko.

"Sayang! Tignan mo si Elemra oh, sobrang in-love, kung ako sa'yo ipu-push kona 'yan 'te!" Si Louton.

Para bang gano'n lang kadali gawin 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw nya pa kong ligawan.. ako naman 'tong si tamang antay lang.

"Tss.." usal ko.

Napatingin ako kela Elemra na masayang nakikipag usap kay Endymion. Masaya ako para sa kanila sa kabila ng lahat ng nangyari. Sila pa rin talaga.

Sana kami rin.

"Baka, naghahanap lang ng tiyempo si Idol Looter!" Si Pike katabi ko.

"Ang tagal naman ng tiyempo na yan! Ako na iinip sa inyo e," si Akira na wala na namang preno ang bibig.

"Edi ikaw manligaw kay Timber bakla ka!" Singhal ni Louton kay Akira.

"Ginawa mo pakong Lalaki ah, ano ako ikaw!? Babae'ng may lawit?"

"Kesa naman sa'yo, babae'ng mukhang lalaki!"

"Che!"

Dumating na 'yung Lec. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw binabagabag pa rin talaga ako ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi may mali sa akin. Para bang may kulang na isang sangkap kaya hindi makuha 'yung tamang lasa. Parang may kulang sa'kin kaya hindi nya ko magawang gustuhin.

Alam ko naman na sinasabayan lang ni Looter ang mga trip nito. Pero hindi ko pa rin maiwasang umasa kapag may lumalabas sa bibig nya na nakakapanindig balihibo sa akin.

Discuss.

Discuss.

- B R E A K T I M E -

"Guys.. hindi ako sasabay sa inyo." Napapakamot sa batok si Looter.

Para naman akong nalumbay sa narinig. Bakit naman hindi sya sasabay sa amin? Gusto kong mag tanong pero nanatiling tikom ang bibig ko.

"Okay lang.." si Akira na nakangiti.

"Eh, kay Timber 'te?" Si Louton.

Napatingin sila sa aking lahat kaya naman napapatungong sumagot ako.

"A-ayos lang.."

"A-a.. a-a-ayos lang ba talaga?" Sinimangutan ko si Akira na nangangasar pa.

"A-a.. a-a-ayos nga lang daw ano kaba." Si Louton na nakiasar rin.

Salubong ang kilay ko ng tinignan ang dalawa salamantalang 'yung dalawang nagmamahalan natatawa lang sa nakikita nila.

Psh..

"Bakit hindi ka sasabay?" Tanong ni Endymion sa kanya.

Tumingin pa sa akin si Looter at pasimple naman akong iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Sasabay ako kay Jamela.."

Nagitla ako sa narinig, pinsan ni Endymion si Jamela 'yon lang ang alam ko. Bakit naman sya sasabay sa babae'ng 'yon? Anong meron sila?

Love Me Back ✓ LIS#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon