Love Me Back written by Chologsabogsa
Chapter 10: One punch.. One kiss..
Timber
Matapos ang Dinner kasama ang pamilya ni Roshiro ay masasabi kong napakaliit ng mundo! Sa dinami-dami ng lalaki bakit Roshiro pa? Na nagkataon pa na kaklase ko?
Nung araw rin na 'yon pagkauwi namin napagalitan ako ni Daddy dahil sa pagiging sarcastic ko. Mas maingay pa si Daddy kesa kay Mommy. Si Mommy naman kasi kahit medyo hindi kami close e, hindi naman ako pinapakialaman at pinapagalitan hindi katulad ni Dad na wala ng tamang nakita sa akin.
Magkakahiwalay ang upuan namin ngayon dahil Test namin, mga isang kilometro ang layo ni Pike sa akin at gano'n rin si Akira saka si Louton na nasa harapan ko.
Pilit kong hindi pinapansin si Akira na nangungulit na pakopyahin ko sya. No'ng huli sinabi ko sa kanya na last na 'yon at sinabihan ko pa sya na mag aral tapos gaganito sya ngayon!? Mabuti pa si Louton kahit papaano may utak.
Hindi naman sa sinasabi kong walang utak si Akira sadyang mahina lang talaga sya.
"Tim!" Pasigaw na bulong nito sa akin.
Hindi ko sya pinansin at hinayaan paulit ulit akong tawagin. Nag focus na lang ako sa mga tanong.
"Tawag ka ni Akira." Ani Pike na hindi ko pinansin.
Napahinga ako ng malalim. Mukhang hindi ako titigilan ni Akira! Parang ang lumalabas pa tuloy na konsensya ko kapag bumagsak sya!
Tsk.
Inis kong kinuha ang pambura at duon ko isinulat ang mga sagot ko. Hindi lahat binigay ko parang ang ginawa ko kinalahati ko para sya na ang bahala sa natitirang kalahati.
Matapos kong isulat ang sagot tinakpan ko 'yon ng sticker para siguradong walang sabit. Tumingin pa muna ako harapan at nakita ko nagbabasa si Ma'am ng test paper dahil mukhang may nagtanong sa kanya.
Hindi nako nagsyang ng oras at ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para ibato kay Akira ang pambura. Mabilis na ibinato ko sa kanya 'yon at tumama ito sa noo nya na agad naman nyang kinuha.
Napagawi ang tingin ng Lec sa amin kaya mabilis kong binalik sa test paper ang tingin ko at umakto na akala mo walang nangyari.
Habang nagsasagot tumingin ako kay Akira na mabilis na nagsusulat. Badtrip! Ang ayuko pa naman sa lahat ay 'yung nagpapakopya! Mamaya kasi kung ano ano ang sabihin ni Akira sa akin kaya pinakopya ko na lang para walang masabi.
- B R E A K T I M E -
"Badtrip! Marami akong hindi nasagutan!" Maktol ni Akira.
"Parang hindi ka naman nagsagot!" Si Louton.
"Huy! Nag isip rin naman ako kaso wala e, kinalawang ata ako ngayon." Pagdadahilan nito.
"Mga pakeme mo!" Ani Louton.
"Talak ka ng talak hindi ka naman nagbigay ng sagot! Saka okay lang naman kay Timber e," si Akira.
Hindi okay sa akin!
"Ayuko kitang pakopyahin e," si Louton.
![](https://img.wattpad.com/cover/233783128-288-k113200.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Back ✓ LIS#2
Teen FictionSiya si Timber Amancillo ang cold hearted woman dahil minsan ng nasaktan sa pag-ibig. Matagal ng may nararamdaman ito para sa binata. Grade 7 sya ng makilala si Looter Manlapaz, Simula no'ng makita nya ito ay napaibig na sya at hindi nawala iyon kah...