CHAPTER 10.

23 1 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Biglang nag-ring ang Cellphone ko sa kalagitnaan ng pagmemeeting ko sa aking mga empleyado.

Pag aari ko na rin ang Big Hit Entertainment Company at isa ako sa nabibilang na Main Share Holders. Manager din ako ng ilang Artist Groups na narito.

Sana tungkol na ito kay Amarra.

"Nakita na sya ni Yoongi!" Tinig ni Jin sa kabilang linya. Agad ko naman iniligpit ang mga gamit ko.

"Sir! Tapos na po ba ang meeting nyo?" Tanong sa'kin ng Secretary ko.

"I'm not done but please lets continue this meeting on Monday! I have an important appointment!" Paglilinaw ko agad.

"Saan nyo sya nakita?" Paglabas ko Meeting Room ay itinuloy ko ang pag uusap namin ni Jin.

"Nasagasaan sya ni Hobi!" Pagtutukoy pa nya.

Shit... Kasalanan ko na naman ang nangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung makikita kong walang buhay ang Anak ko.

"Si Doctor Dansei Han na ang bahala sa kanya!" Bakit ba ang tinig ko sa kanya ay parang hindi ganun kabado?

"Sige papunta na ako!" Pagputol ko sa linya.

"Mahal ko? Tapos na ba ang meeting mo at tinawagan mo na agad ako?" Tinig ni Aina na syang isinunod kong tinawagan.

"Mahal... Nakita na sya..." Hindi mapawi ang kaligayahan at excitement ko sa pagbabalitang iyun ni Jin-hyung sa'kin.

"Ta.. laga?" Sobrang saya ng tinig niya at naramdaman ko iyun.

"Pupuntahan ko na sya at iuuwi ko na siya dyan sa bahay natin!" Sambit ko pa.

"Sigurado ka ba? Gusto kong pumunta kung nasaan man siya!" Sabi nya.

"Hindi na mahal! Gusto kong ipagluto mo siya ng paborito nyang Jjangyeong Noodles! Lahat ng Seafoods na paborito niya ay lahukan mo rin ng spicy noodles!" Mariin kong bilin sa kanya.

"Oo Mahal ko! Gagawin ko na!" Pagmamadaling tono niya.

"Ate...??" Tinig ni Tantan.

"Uuwi na si Ate kaya maghintay ka lang bunso!" Sabi ko sa kanya.

Tuluyan na namatay ang tawag ko sa kanila dahil nagmessage pa si Jin kung nasaan si Amarra. Nasa Do's Doctor Hospital kung kaya't doon na ako nagmadaling dumiretso.

Nakita ko sa labas ng Emergency Room sina Hoseok, Jin, Jimin at Yoongi na umiiyak pa sa may pintuan.

Kasunod ko naman nakarating sina Namjoon at Jungkook.

"Nasaan sya?" Bungad ko agad sa kanila.

"Nasa loob pa! Mabuti na lang at naagapan ni Doctor Han ang pumutok na noo nya!" Pagkukumpirma pa ni Jimin.

Si Amarra nga ang nakita nila.

"Bigla syang lumitaw sa mismong harap ng sasakyan ko na hindi ko naman alam kung saan sya nanggaling!" Kinakabahan na tinig ni Hoseok.

Napaikom ang kamao ko sa kapabayaan na nagawa ko para sa Prinsesa ko.

Lumabas si Dansei sa Emergency Room. Hindi pa rin pala sya nagbabago sa Professions nya bilang Doctor. Mabuti na lang at siya ang gumamot sa Anak ko.

"Kamusta sya Doc?" Tanong agad ni Yoongi imbis na ako ang magtanong kaysa sa kanya.

"She's alright! Pwedi na syang ilipat sa isang private room, hayaan na muna natin syang makapag pahinga! Nagalusan lang naman yung noo nya at minor injuries lang ang nangyari sa kanya! Ano man oras pwedi nyong pagdesisyunan kung ilalabas na ba sya o hindi!" Paliwanag nya.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon