CHAPTER 36.

27 0 0
                                    

...

YOONGI'S POV.

Nasa maayos na ang pamumuhay namin ni Yngrid, hindi sa kalayuan na street ng Seoul. Binenta namin yung bahay nya at kumuha kami ng bago  na mas malapit sa bagong trabaho ko.

Isa akong food delivery ni Jin sa kanyang mga Costumers na sa online kumukuha ng Orders. Malayo sa mga kinasanayan kong trabaho dati pero kinakaya ko para sa amin ni Yngrid.

Ayaw na rin kase nyang balikan pa ang plano ko na ipakulong si Dad dahil sa nagawa nito sa kanya kaya kahit sa anoman na panggagalaiti ko ay hanggang doon na lang pala iyun.

Pumayag na lang din ako kapalit nang matahimik namin buhay sa ngayon.

"Yoongi!!!" Matinis na tawag nya sa'kin mula sa kwarto namin kaya naabala ako sa'king paghahayin ng hapunan.

"Bakit ba?" Dinatnan ko syang natataranta sa tuwa.

Tumingin siya sa'kin ng diretso at hindi ko naman sya maunawaan kaya nilapitan ko na siya.

"Anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba? Di'ba sabi ko bilisan mo na dito kase iinom ka pa ng gamot pagkatapos mong kumain!" Nanenermon na sabi ko.

"Hindi na ako pweding uminom ng gamot simula ngayon at kailangan puro gulay na ang ipakain mo sa'kin!" Nakakalitong saad nya.

"Huh?" Napataas tuloy ang kilay ko.

Bigla nya akong hinalikan sa labi ko na hindi ganu'n katagal. Nagulat ako syempre.

"Para saan naman iyun?" Baling ko sa kanya.

"Magiging Daddy ka na!" Mariin niyang sabi sabay yakap sa'kin.

Natameme ako sa sinabi niya na para bang binuhusan ako ng simento sa kinatatayuan ko sa harap niya. Nakakapanigas ng laman ang sinabi niyang iyun sa'kin kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Hindi ka ba masaya?" Tiningnan nya ako sa'king mga mata.

"Amh.. Paano nangyari iyun?" Natataranta ako sa sasabihin ko sa kanya.

"Anong paano? Syempre nag ano tayo...! Ikaw yata ang baliw sa'tin dalawa ngayon ah!" Tinampi nya ako sa dalawang pisngi ko.

"Sorry! Hindi ko kase alam ang sasabihin ko sa'yo! Magiging Daddy na ako? Ibig sabihin buntis ka? Nabuntis kita?" Saka lang nag-sink in sa utak ko na nagkaroon na ng bunga pagmamahalan namin dalawa.

"Oo nga!! Kanina lang nu'ng malaman ko na isang buwan na pala akong hindi dinadatnan tapos nagsubok ako na mag pregnancy test! Buntis na nga ako, Yoongi!" Paglilinaw pa niya.

Sino ba naman ang hindi magugulat kung magiging isang tatay na agad ang isang katulad ko rin. Pagkatapos ng pagsubok sa pagitan namin dalawa ay heto na ang pinaka magandang parating sa buhay namin. Ngayon ko lang masasabi na mabubuo na talaga kami dahil kay Baby.

"Masaya ako para sa'tin dalawa, Yngrid!" Sabay paghalik ko sa kanyang noo matapos ang mahigpit na pagyayakapan namin. Hinalikan ko siya sa kanyang labi na kaagad din nyang tinugon.

Biglang tumunog ang Oven toasted kaya nahinto ako sa paghalik ko sa kanya.

"Yung niluto mo!" Mahinang sambit nya at umagwat na sa'kin.

"Kakain na rin tayo!" Paghaplos ko sa kanyang tiyan. Nasisigurado kong nagugutom na rin ang fetus baby namin.

Inaya ko na sya sa kusina pero may biglang kumatok sa may pintuan, sa labas na kaagad ko naman pinagbuksan.

Nagulat na lang ako sa bumungad sa'kin. Si Jungkook habang pasan niya sa kanyang likuran si Amarra.

Wala na rin itong malay. Agad ko naman syang pinapasok sa loob.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon