CHAPTER 48.

31 0 0
                                    

...

HOSEOK'S POV.

Malaki ang kanyang pagtataka sa pinuntahan namin. Ipinosas ko naman siya sa kaliwang kamay ko para kung makatakbo man siya ay kasama nya ako. Well, She deserves me. I mean mas matutulungan ko siya sa kung sakali na tugisin ulit siya ng kanyang mga kasamahan noon sa sendikato.

"Ano ba? Pakawalan mo na nga ako kaysa sa i-pa menthal Hospital mo pa ako! Wanted lang ako pero hindi ako baliw!" Pagtataray pa nya sa'kin na pilyong nginisian ko lang.

"Akala ko ba graduated ka sa pinaka mataas na University sa tokyo? Bakit hindi ka marunong magbasa na nasa Plastic Surgeon's Clinical tayo? Basahin mo muna yung pangalan ng Clinic bago ka magreklamo dyan!" Singhal na baling ko naman sa kanya.

"A... nong.. ginagawa natin dito?" Nanlalaki ang kanyang mga mata sa pagtingin sa'kin.

"Come in po Sir and Ma'am, kanina pa po kayo hinihintay ni Doctor Seulgi!" Salubong na sa amin nang Secretary ng kaibigan kong Surgeon Doctor.

"No... Aalis na ako!" Balak na nya ang umalis pero dahil naka posas siya sa'kin ay hindi na sya makalakad palayo. Hinila ko siya pabalik at pumatong siya sa'kin. Mabuti na lang at naalalayan ko siya kaya hindi kami na-out of balance.

Pumantay ang labi niya sa labi ko at saka kami nagkatitigan. Yung pilat nya talaga sa mukha niya ang nagbigay sa'kin ng desisyon para gawin ito sa kanya.

"Kung sa tingin mo ay nakakatuwa ang ginagawa mo para sa'kin, pwest lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo!" Tinig niya. Sumisimoy ang kanyang hininga sa akin.

"Pasalamat ka pa dahil binibigyan kita ng pagkakataon para baguhin nang tuluyan ang pagkatao mo dahil kung hindi, Matagal ka na ngang nabubulok sa kulungan at pinagpipiyestahan ng mga kapwa convict mo!" Singhap ko ng hangin sa kanyang pagmumukha.

"So! Wala ka palang balak na ipakulong pa ako dahil ano? Para saan?" Taas kilay niya sa'kin.

Hindi ko agad siya natugon, tumungo lang ako at pinakawalan ang posas sa kamay namin dalawa.

"Bakit ako ganito sa'yo? Dahil alam kong wala nang iba pang tutulong sa'yo! Kung tutuusin naaawa na ako sa'yo! Kahit pa ang Daddy mo, hindi ka na nya matutulungan dahil wala na syang pakealam pa sa'yo! Alam niya na nasa akin ka na nanatili! Lahat ng plano ko ay alam rin niya! Desisyon namin dalawa na sa'kin ka na muna!" Paglilinaw ko sa kanya.

Hindi siya umaalis o makatakbo kahit napakawalan ko na siya.

"Ba.. kit?" Nanginginig na boses niya sa'kin. Napansin ko rin ang pagtulo ng luha niya. Tumalikod siya sa'kin at pumasok sa loob ng Clinic.

Sinundan ko siya. Ni-hindi ko na sya makitang tumitingin sa'kin habang ako naman ay pinakikinggan na lang ang opinion ni Seulgi sa gagawin nitong surgery kay Dianne.

Hindi na nasundan pa ang pag uusap namin dalawa pero alam kong desidido na rin syang magpatulong sa'kin paraan para baguhin na siya.

Lumipas ang ilan oras pagkatapos kong maghintay sa surgery na naganap kanina pa.

"How is she?" Salubong na tanong ko agad kay Seulgi.

"She's good looking now, like what you've been expecting to her! More beautiful than before!" Nakangiting saad niya.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Ano ba kaseng dahilan para ipabago mo ang mukha ng babaeng hindi mo naman kakilala? Ikaw huh, Naging Inspector ka lang, kung sino-sinong babae na ang hindi mo man lang ipinapakilala sa'kin!" Tampi niya sa balikat ko.

"Gusto ko syang makita!" Taliwas ko na lang sa kaniya at inihatid nya ako sa private room ni Dianne.

Nakabalot ang buong pagmumukha niya ng white bandage at nakapikit na mata lang niya ang nakikita ko.

"Like what i said, She's more Beautiful
than before! Ano bang binabalak mo? Bakit mo siya tinutulugan? Private Surgeon ako at alam mong mahal ako maningil pero ang gusto ko lang malaman ay ang mga plano mo para sa babae na yan! Now tell me, What's your plan to her?" Diin na tanong pa rin nya sa'kin.

"Hindi na sya kailangan pa ni Dave at pinag iwanan na siya ng lahat kaya ibibigay ko ang pangangailangan niya! What do you think if we settle down, as soon as possible?" Seryosong tanong ko sa kanya at tiningnan nya ako ng tuwid na para bang gulat na gulat sa aking sinabi.

"What?" Gulantang nga niya.

"Kasal lang ang sa tingin ko para manahimik na ang buhay nya at hindi na sya gambaliin pa ninuman!" Dugtong ko pa.

"You're insane! I'm not really satisfied to what you wanted for!" Pag iling niya sa'kin.

Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Umuungol na si Dianne at mukhang magigising na siya.

.
.
.
.

...

DIANNE'S POV.

May makapal na nakatapal sa'kin pagmumukha ang kaagad kong nadama kaya napulat ang aking mga mata.

Bumungad sa'kin ang Inspector na ito at tinitigan ako sa'king mga mata kaya ako na lang ang umiwas ng tingin.

"After a week ay saka ko tatanggalin ang bandage sa mukha mo. Makikita mo na kung sino ka talaga!" Sabi sa'kin nitong Surgeon na nag opera sa aking pagmumukha.

"Ibinalik mo ba ang mukha ko sa dati?" Tanong ko dito.

"No! Hindi na nya kaya pang ibalik sa dati ang mukha mo kung kaya nagdesisyon ako na ipabago na lang ang pagmumukha mo!" Singit na paliwanag ni Hoseok.

Nagulat ako sa kanyang sinabi dahil siya na itong nangengealam sa'king buhay na para bang pag aari na niya ako.

"It doesn't mean that i didn't do my best for you to beautiful! If you want after an hour, tanggalin na natin ang bandage na yan! I'll gave you an ointment para sa konting sugat!" Paglilinaw nito.

Hindi na ako nakapag salita pa at paglipas nga lang ng ilan oras pa ay ako naman na ang sumang ayon sa desisyon nila na makita ang pagbabago sa mukha ko.

Unti unti na nitong tinatanggal paikot sa ulo ko ang bandage sa pagmumukha ko at ilan segundo lang ay naramdaman ko na ang aliwas sa buong mukha ko.

"See how i make you beautiful, Dianne!" Sabi nitong Surgeon at binigyan nya ako ng malapad na salamin.

"She's not Dianne! She's not So Hyun! She's  Sheena Jang!" Pagbibigay niya sa panibagong pangalan ko.

"Anong ginawa nyo sa'kin? Bakit ganito ang pagmumukha ko? Ayoko ng ganito!" Pagwawala ko nang makita ko na ang aking mukha. Itinapon ko ang salamin at nagulat sila sa pagkabasag nito.

"Bakit nyo ako ginanito!!" Pagwawala ko pa.

"Calm down!" Sigaw niya kaya nasampal ko sya.

"Pumayag ako na ipaayos mo ang pagmumukha ko pero hindi sa ganitong paraan, Ang akala ko ay tatapalan lang niya ng artificial face ang pilat sa pagmumukha ko pero binago nyo sa isang mukha na hindi ko alam kung sino ang pinanggayahan nito!" Matigas kong sabi.

"Hindi mo na ba maibabalik pa sa dati ang pagmumukha mo dahil wala na si Dianne! Hindi na ikaw siya! Ibang tao ka na! Binago ko na ang pagkatao mo!" Uyog niya sa dalawang balikat ko.

"Hoseok stop it! Baka kung mapaano siya!" Pagpigil nitong Surgeon.

"Maging masaya ka na lang sa nagawa ko para sa'yo dahil sa totoo lang ay tinutulungan pa nga kita kaysa sa parusahan ka!" Derektang diin nya sa'kin at padabog syang umalis.

Wala na akong nasabi pa bagkus ay umiyak na lang ako sa bagong mukha ko. Hindi ako iyakin pero kahit pigilan ko ay hindi ko na magawa.

"Hey enough crying! Nagagasgasan ang maganda at bago mong mukha!" Pagpapakalma nitong Surgeon sa'kin pag iiyak.

Kakalma? Binago nila ang buong pagkatao ko, Mukha ko, Pangalan ko at buong pagkatao ko. Kahit pa maganda ako ay hindi ako ito.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon